Sue
"Sue, Sue?" Nagising ako ng madinig kong may natawag sa pangalan ko at yon pala ay si Aera kaya napabangon agad ako.
"Hoy, okay ka na ba?" Pag-aalala ko sa kanya. Tumango naman ito at ngumiti nanaman sakin ng mapang-asar.
"Ang sarap naman matulog dito sa higaan mo tapos ang lamig pa! Hmp! Iba talaga si Yeonjun yayamanin talaga. Jowain mo na kas--"
Tinakpan ko naman ang bibig neto sa sobrang lakas nya mag-salita.
"Bwiset ka. Wag mokong surahin dyan, naaalala mo ba pinag-gagagawa mo kagabi? Ha?" Nawala naman ang ngiti sa mukha nya at parang kinabahan bigla ito.
"Hindi, Sueeeee! Ano pinaggagagawa ko?!"
Pagpapanic naman neto kaya mahina kong hinila ang buhok neto para magtino. Ang OA masyado.
"Ikaw. Magtapat ka nga saaken, may pagtingin ka ba kay Soobin?"
Bigla namang natahimik ito at parang ayaw sagutin ang tanong ko. Gusto ko kasi madinig sa kanya yon ng nasa katinuan ang pagiisip nya.
Tumango naman ito na parang maamong aso at yumuko kaya hinawakan ko'to sa magkabilang pisngi at iniharap ulit sakin.
"Okay, ikukwento ko na yung ginawa mo kagabi. Di ko alam kung bakit ka biglang nagalit kay Soobin, tapos parang sinisisi mo pa si Beomgyu. Bago ka pa magsalita ng kung ano-ano ay pinasok na kita dito tapos ayon. Bigla mong sinabi may gusto ka kay Soobin. Mabuti nalang talaga at naipasok agad kita dito."
Napatakip naman sya ng mukha nya sa sobrang pagkahiya.
"Yung tungkol don. Kaya ako nagagalit kay Soobin kasi naiinis ako, pilit kong inaalis yung nararamdaman ko sa kanya kasi alam naman nating playboy si Soobin pero ang hirap kasi araw-araw ko syang nakikita sa room. Then, si Beomgyu naman. Kaya ako nagagalit sa kanya kasi inaasar nya sakin si Soobin kaya di ko mapigilan umasa. Sorry Sue! Di ko makwento sayo kasi wala naman talaga akong plano ipagpatuloy pa 'tong paghanga sa kanya! Kaya lang 2months na nakakalipas. Gusto ko pa din sya."
Tumango tango naman ako dito bilang pag-sangayon sa kwento nya.
"Okay lang yan. Ako din naman oh, pero nalagpasan ko naman, wala nakong nararamdaman para kay Yeonjun. Ikaw den kaya mo yan. Marami pang iba jan na magugustuhan mo gaya ng paghanga mo kay Soobin."
Natigil naman ang pagpapayo ko saking bespren ng tumunog yung phone ko.
Kinuha ko iyon at binasa ang text nanaman. Ewan ko kung sino ba to, wala akong ideya.
From: 09*********
- Alam kong tulog ka pa
From: 09*********
- i just wanna say sorry kasi wala akong magawa para protektahan ka mula kay Jiwon.
From: 09*********
- Don't worry
Pinatay ko na yung phone ko after mabasa yung text nayon nang tumunog ulit to kaya chineck ko sya ulet.
From: 09*********
- i will protect u, soon. Pag pwede na :)
Hay nako, ganito ba talaga pag sobrang ganda? Halos di makapagtapat sakin to sa personal dahil sa kagandahan ko? Hays
"Sino ba yan? Uso pa ba textmate ngayon?"
BINABASA MO ANG
d a d d y | yeonjun
Fanfiction"gusto kong itrato mo na sya na parang tunay mong anak, Yeonjun." _________ [TomorrowxTogether series: #3] Highest rank: #1 🔁[ONGOING] | Choi yeonjun | Yeonjun x You