c h a p t e r 3

248 25 8
                                    

[Yeonjun]



Nakadating ka kami ng mall at buti nalang walang masyadong tao dito, di rin ako nagpupunta lagi ng mall dahil ayoko sa madaming tao.




Agad naman kami nagpunta sa bilihan ng mga gamit ng baby habang si sue ay karga yung bata, wala pa din kaming maisip na pangalan kaya baby pa din ang tawag namin sa kanya.





Pagpasok namin don ay napapansin kong tumitingin yung ibang mga parents na bumibili don samin. Pag napapansin nilang tumitingin ako ay umiiwas sila ng tingin.






Nahinto naman kami sa bilihan ng crib dito, tsk gusto ko na umuwi.







"Etooo, bagay kay baby girl na girl oh" tuwang tuwa namang sabi ni sue, para di na humaba usapan e pinareserve na nga namin yon dahil madami pa kaming bibilhin.






"Grabe, mga kabataan talaga ngayon. Kaybabata pa pinasok agad ang pagpapamilya"






Habang namimili kami don ay nadinig ko namang bulong ng isang babae don na mejo may katandaan samin. Di ko nalang pinansin kasi di ko naman anak to.









Almost 1hr din kaming paikot ikot dito habang si sue ay parang di naman napapagod sa kakaikot kahit karga pa nya si baby.






"Akin na, ako naman kakarga kay baby" sabi ko at binuhat na si baby.







Lumabas na kami ng mall at dumiretso agad sa parking lot para ilagay ng mga tagabuhat yung mga binili naming mga gamit pang baby sa sasakyan ko.








Habang nagddrive ako pauwi ay napansin ko naman si sue na sayang saya naman kakalaro kay baby, so pangarap nya talaga maging nanay? Psh di talaga halata.






Pagkadating namin ng bahay ay nauna na sila pumasok sa loob habang ako isa isa ko pang binaba yung mga gamit na binili namin.







"Yeonjun, magtimpla ka ng gatas ni baby bili at ako na magaayos neto ng makauwi na ko" sabi naman ni sue.







"Ano?! Iiwan mo ako kasama yang baby??!" HINDI KO KAYA MAGALAGA NG BATA.






"E anong gusto mo? Dito na ko tumira? Tss bukas nalang babalik din naman ako." Sabi naman nya.







"O-oo"






"Ano?" Pagtatanong naman nya.






"Tsk, dito ka muna tumira. Di ko kayang alagaan yan gaya mo. Ano ba tong si sue parang di kaibigan." Kunwaring pagtatampo ko naman sa kanya.





"Sige, ayos din ng mabawasan bayarin ko sa dorm" napagisip isip din nya.






Bukas kasi may pasok na pwera lang si sue na suspended 1week sa school.










Gaya nga ng utos ni sue ay nagpunta nako sa kusina para igawa si baby ng gatas nya.








[Sue]






"Kawawa naman ang baby na yaaaan walang name~" sabi ko naman habang karga tong napakacute na pamangkin ni yeonjun.






d a d d y | yeonjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon