c h a p t e r 11

143 11 1
                                    

Sue

"Ate! Meron ka pa namang ibibilis papunta dito? malelate na kami ni Yeonjun!"

Pagpapanic kong tawag sa telepono kay Ate Chie.

Paano ba naman kasi ay napahimbing yung tulog ko tapos wala naman akong aasahan sa Yeonjun na yon dahil ako lang naman gumigising don kaya talagang malelate kami.

"Oo na oo na, eto na nasa gate na'ko." Sagot ni Ate Chie sakin sa kabilang linya.

"Where is she? damn alam mo bang si prof Choi ang tc natin ngayong umaga? Alam mo naman kung paano magparusa sa late yon--" Tanong saakin ni Yeonjun habang karga karga ang pamangkin nyang naalimpungatan at ang hirap patahanin.

Naputol naman ang sasabihin neto nang pumasok si Ate Chie sa bahay namin kaya walang sabi sabi ay inabot agad namin si baby don at nagmamadaling sumakay sa car ni Yeonjun. Pinaharurot naman nya 'to kaya mahigpit akong napakapit sa hawakan.

"Hoy! Mabuti nang malate tayo kesa mamatay Yeonjun. bugok ka ba?!"

Pagsuway ko dito pero nakatutok lang ito sa daan at seryosong nagddrive na para bang hindi ako nadinig.

"Mamaya ka na magalit okay? Intindihin mo muna kung paano magalit si prof Choi." Hindi nako nakasagot pa at nagpasalamat nalang nang makarating kami ng school na ligtas, kundi talaga. May kalalagyan sakin yang si Yeonjun.

Hatak hatak naman ako neto at nagmamadali kaming maglakad papunta sana sa classroom nang maramdaman kong naiihi na'ko. Dahil siguro to sa kaba kanina sa pagmamaneho ni Yeonjun.

Napabitaw naman ako sa kapit nya kaya napahinto ito sa paglalakad at takang taka na nakatingin saakin.

"Hoy, ano gusto mo talaga maexperience maglinis ng cr?" Taka nyang sabi kaya inirapan ko nalang ito.

"Mauna ka na, naccr talaga ko. Oh ayan lagay mo nalang sa upuan ko bilis!"

Hinagis ko sa kanya ang bag ko at di ko na sya inantay pa na sumagot at dali daling nagtungo sa cr. Napaka wrong timing naman kasi! Kung kelan nagmamadali ako tsaka naman ako maiihi.

Nang matagpuan ko ang cr ay mabilis akong pumasok sa cubicle at ginamit yon. Para naman akong naginhawaan kaya lumabas nako at nahugas muna ng kamay. Habang naghuhugas ako ng kamay ay bigla namang bumukas yung isang cubicle at lumabas doon si Jiwon na nakangisi saakin.

"Hello, Sue" Mapanura nyang bati sakin at tumayo sa gilid ko at naghugas din ng kamay.

"Wala akong panahon makipagkamustahan sa'yo, Ikaw ha. May sayad ka nanaman noh"

Pangaasar ko at akmang lalabas na ng dumating ang mga alipores nya at sinara ang buong pinto ng cr kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Anong palabas to? Pwede ba? Mamaya nalang tayo magbugbugan after lunch? Malelate nako." Maglalakad na sana ako papuntang pintuan ng haltakin ni Jiwon yung buhok ko sabay tulak saakin kaya napaupo ako sa sahig kung saan nakalagay ang mga walis at mop. Aray ha, mejo masakit yung pagkakabagsak ko.

"Ano bang problema mo?!" Inis at mejo malakas kong sabi ngunit hindi pako makatayo dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko sa sahig kaya bumebwelo pa ko.

"Ikaw! Bakit ba kasi nabuhay ka pa?! Hadlang ka lagi samin ni Yeonjun! Kung wala kalang? Sure akong nagkabalikan na kami ngayon. Kaso pabida ka masyado eh."

Pagkasabi nya don ay dali dali nyang hinatak yung maduming mop at pinag hahampas sa uniporme ko yon.

"Walang hiya ka Jiwon!" Saway ko dito habang nakaupo pa din sa sahig. Natatawa naman syang lumapit saakin at lumuhod para makita nya ko ng maayos.

d a d d y | yeonjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon