c h a p t e r 6

174 12 3
                                    

[Sue]





Naalimpungatan naman ako sa sikat ng araw na tumama sa mata ko mula sa bintana.






Aish! Sa pagkakaalam ko sinara ko yan.








Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko si yeonjun na tulog na katabi ko dito sa higaan habang karga si baby. WAAAAAH!!











Thankyou! Di nya nalaglag ang bata kahit tulog sya! Pero ano bang ginagawa neto dito.






Agad ko namang inagaw sa kanya si baby na nagsimula nang umiyak kaya nagising naman si yeonjun.





Pagkamulat na pagkamulat nya ay hinampas ko naman to sa braso, halata mong nagulat to dahil nanlalaki ang mga mata neto na tumingin sakin pero di naman sya umangal kaya iniwan ko na sya don at lumabas.







Pinagtimpla ko naman ng gatas si baby, naramdaman ko namang papalapit si yeonjun sa gawi namin pero di ako tumingin dito kung nasa likod nga namin sya.






"Sue, sorry naaaa"   parang bata namang pagmamakaawa neto pero di ko pinansin to.


"Akin na muna si baby"  inabot ko naman sa kanya yung bata dahil nahihirapan din ako magtimpla habang karga si baby.



"Baby oh~ tignan mo si mommy sue mo ayaw patawarin si daddy mo"   sabi naman ni yeonjun dahilan para mapatingin ako sa gawi nilang dalawa.



"Anong sabi mo?"   Sagot ko.




"Wala, sorry na kasi sue!"  Pagmamakaawa nya kaya di ko na ulit pinansin to at pumunta ng salla para maupo don.




Sumunod naman sya habang pinapainom ng gatas si baby.



"Akin na yan, malalate ka na baliw"   para naman syang naalarma kaya inabot na nya sakin si baby at nagmadaling umakyat sa kwarto nya para magbihis.



Nang makabihis na ito ay tumayo naman sya sa harap namin at kiniss si baby, pagtapos non ay napatingin naman sya sakin at ginulo yung buhok ko, hindi normal na gulo ah! Yung tipong mababali na yung leeg ko sa ginawa nya biwset talaga.




"Byeeee!"   Huling sabi naman neto at tuluyan nang lumabas ng bahay.









[Aera]





Naglakad lang ako papasok ng school magisa, alam nyo na tipid tipid ganon HAHAHA






Napahinto naman ako sa paglalakad ng matanaw ko si Jiwon at nasa likod neto si yeonjun na naglalakad, ano nanaman bang plano netong bruha na to sa engot na yeonjun?




Dahil nga chismosa ako-este curious e tahimik kong sinundan sila, maaga pa naman panigurado akong di naman ako malelate.














Kasalukuyan ako nagtatago dito sa puno kung saan ay tanaw na tanaw ko yung dalawa at sure akong maririnig ko ang pinaguusapan nila, wala akong plano sabihin muna to kay sue dahil panigurado sasabog nanaman sa galet yon at baka magpunta nanaman yon ng wala sa oras dito.








"A-ano nanaman ba jiwon?"   Panimula naman ni yeonjun.






"I miss you"  Sa sobrang gigil ko naman ay napahawak naman ako sa batong nasa harapan ko pero pinigilan ko ang sarili kong batuhin si jiwon at baka makita nila ko dito.








"Asan na yung pinalit mo sakin? Nagsawa na ba?"  Kita mo kay yeonjun na mejo naiinis na ito pero pinipigilan nya lang.







"N-nakipaghiwalay nako, kasi hangang ngayon alam kong ikaw pa rin yeonjun"  







Walang kwenta namang pagmamakaawa sa kanya ni jiwon, ang bobo ni yeonjun kung magpapaniwala pa sya sa jiwon na yan.







"T-tama na jiwon, tapos na ko sayo. Lumayo ka na sakin please lang?!"   Pagmamakaawa naman sa kanya ni yeonjun.







"Yeonjuuuun, kahit isang chance pa please. Hindi na kita iiwan sorry sa lahat"   sabi naman ni jiwon sabay kapit sa mga kamay ni yeonjun.







"Hindi na, masyado na kong tanga kung papayag pa ko"  yan yeonjun! Buti alam mo!







"Hindi jun, nagmamahal ka lang. Kaya sige na tayo nalang ulitttt"   pagmamakaawa ulit ng bruha.








Di naman sya sinagot ni yeonjun sa sabi nya.






"Mahal mo pa ba ko?"  Derederetsong tanong naman ni jiwon.







Di naman nakasagot si yeonjun at yumuko lang ito, see? Gumana nanaman yung pagkatanga nya. Wag nya sabihing mahal pa din nya yang bruhang baliw na yan??!






"See? Mahal mo pa ako, ako den mahal na mahal kita yeonjun please bumalik ka na sakin"   parang bata namang pagmamaktol ni jiwon sa kanya.







"M-malelate na tayo--"   maglalakad na sana paalis si yeonjun nang yakapin sya netong babaitang to sa likod kaya napahinto ito sa paglakad.







Tumagal din ng 10 secs ang yakap nayon nang biglang dumating si hueningkai na ikinagulat naman ni yeonjun kaya mahigpit na hinawakan ni yeonjun at mga braso nwto ni jiwon at inilayo sa kanya.






"y-yeonjun h-hyung..."   gulat na gulat at halata mong dismayadong bigkas ni ning.







"Ning, a-anong ginagawa mo dito?"   Tanong sa kanya ni yeonjun.







"P-pinapahanap ka sakin n-nila beomgyu hyung, andito ka lang pala"   sabi naman neto ni ning at napatingin kay jiwon.







Parang baliw naman tong si jiwon at kumaway pa kay kai.







"S-sige una nako sa room hyung"   sabi naman ni kai at mabilis na umalis sa harapan nila.






"Teka kai!"   Hahabulin sana nito ni yeonjun si kai pero hinawakan sya netong jiwon na to sa kamay.







"Wag moko iwan"   pagmamakaawa naman netong bruha na to.







Gigil namang tinanggal neto ni yeonjun ang pagkakakapit sa kamay nya si jiwon bago magsalita.







"Pwede ba?! Layuan mo na ko!?! Kahit kelan hindi na ko babalik sayo at magpapakatanga pa sayo."   Madiin at nagpipigil na sabi ni yeonjun bago tuluyang umalis.







Naiwan naman dito si jiwon na umiiyak at nang di na nya matanaw si yeonjun ay parang baliw naman tong tumawa na parang di umiiyak kanina.








"Mapapasakin ka ulit yeonjun, akin ka lang habang buhay"   sabi neto at nagtatatawa nanaman bago umalis ng garden.








Di kaya baliw yung jiwon na yon? Bakit ganon na lang sya kung umarte, nakakatakot amp.







Bago pa ko malate ay tumayo nako sa pinagkakaupuan ko at pinagpagan ang palda ko.






Naglakad naman ako ng dahan dahan paatras nang may masagi akong tao sa likod ko.







Nagkatinginan naman kame neto at omg, di ko inaasahan na makikita ko sya dito O.O








"S-soobin?"








_____________________________

Yieee kumikire etong si ate mo aera HAHAHA sorry for being late huhu~

d a d d y | yeonjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon