• sorry for the super late update, ang totoo nyan e nawawalan nako ng gana mag-sulat kaya feel free to sapok sapok me yes po oh wag magtulakan lahat makakasapok saken hehe
• and sorry den kasi short update lang to dahil wala talaga akong naiisip na update kaya mejo sabaw ito kaya pagtiyagaan mo na kasi babawi naman ako pramis:>
[Sue]
"Aalis ako siguro mamaya, di pa naman sure."
Dinig ko sabi ni Yeonjun habang nakatutok sa phone nya.
"San ka pupunta? Don't tell me magcclub nanaman kayo nila Taehyun tapos uuwi ka nanamang wala sa tino yang utak mo."
Bwiset naalala ko nanaman nung hinatid yan nila Soobin dito.
"Haha di nga ko sure, kakauwi lang kasi ng ate ni Soobin. Mejo close din kasi kami kay ate Soona kaya ayon, pumunta daw kame don." Pagpapaliwanag nya.
"May ate pala yon?" Takang tanong ko.
"Yep, mabait yon si ate soona kaya gusto nya kaming makita hahaha"
Natatawa nyang sabi habang namimili ng sapatos na susuutin nya para sa mamayang party daw.
Sa kalagitnaan naman ng pagpapahinga ko sa sala ay may biglaang nagdoorbell mula sa labas. Tatayo na sana ako sa sofa nang pigilan ako si Yeonjun at sya na ang lumapit sa may bandang pintuan. Tinignan muna nya ito kung sino at dali daling nataranta at napatingin sakin.
"Sue, si J-jiwon yung nagddoorbell--" pinutol ko naman ang sasabihin ni Yeonjun dahil sa gulat.
"Ano?! Teka anong gagawin naten?!"
"You better hide."
Sabi ni Yeonjun saken kaya dali-dali akong napatakbo sa kwartong tinutuluyan ko at malakas na sinara ang pintuan at idinikit ang tenga ko sa tabi ng pinto. Nagbabakasakaling madinig ko ang usapan nila at di naman ako nagkamali.
Dinig ko ang pagbukas ng pinto ni Yeonjun pati ang nakakairitang boses ni Jiwon.
"Hi Yeonjun! I have something for you, actually kanina ko pa sana ibibigay to sayo sa school kaso di na kita mahanap. Maaga ka palang umuwi" maarteng sabi ni Jiwon.
"Ah ganon ba, thankyou. sige umuwi--" naputol ang sasabihin ni Yeonjun nang sumingit si Jiwon sa pagsasalita nya.
"Di mo manlang ba ako papapasukin?" Di naman nakasagot si Yeonjun at nalaman kong nakapasok na si Jiwon sa loob ng bahay dahil dinig na dinig ko ang pagtapak ng heels nya sa loob.
"Are you sure? Di ka nalulungkot kahit mag-isa ka dito? I'm sure namimiss mo na sila tita--" Dinig ko namang naputol yung sasabihin ni Jiwon nang magsalita si Yeonjun.
"Nah, can u please stop calling my mom tita. At bat naman ako malulungkot dito? May kasama akong mag stay dito--" Gaya ni Jiwon kanina ay naputol din ang sasabihin ni Yeonjun.
"Who??" Takang taka na tanong si Jiwon. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil what if ilaglag ako ni Yeonjun? Baka kung ano naman isipin ng babaeng yan sakin. Pero kilala ko naman si Yeonjun at alam kong di nya magagawa yung bagay na'yon. Dapat lang! Ni mag-patulog nga ng bata di magawa neto eh.
"S-secret." Tipid na sagot ni Yeonjun.
Ilang segundo din ang lumipas na katahimikan nila. Naputol lang yon nang biglang umiyak si baby dito sa kwarto namin kaya naman naalarma agad ako at lumapit sa kanya. Wrong timing! Baka mahuli kami!
Agad akong lumaput dito ay mahina syang pinatahan ngunit di ako nagtagumpay dahil tuloy lang sa pag-iyak ito kaya ibinaba ko sya ulit sa higaan nya at dali daling nagpunta ulit sa pinto upang icheck kung nagdududa ba si Jiwon at di ako nagkamali.
"Oh gosh...baby ba yung nadidinig ko?"
Patakbo ulit akong bumalik kay baby at mabilis nyang pinainom ng gatas kaya natahimik na ulit ito.
Bumalik ako sa pintuan. Nadinig ko ang paghakbang ni Jiwon papalapit sa gawing kwarto namin. Malakas ang kutob kong mahuhuli nya ako dito kaya naman napatakip nalang ako ng mata ko.
"Leave. Can't u see? Paalis ako." Sabi ni Yeonjun.
Sa palagay ko ay di na nakasagot si Jiwon dahil nadinig ko nanaman yung heels nya sa paglakad palayo. Ilang segundo lang ay nadinig ko na ang pagsara ng pinto ng bahay kaya naman nakahinga nako ng maluwag. Narinig ko naman ang pagkatok ng mahina ni Yeonjun sa pinto ng kwarto ko. Hudyat na pwede na akong lumabas, kaya naman binuksan ko na yon at parang nawala ang kaba ko na baka mahuli kami ni jiwon.
Bumalik kami sa sala habang karga ang pamangkin ni Yeonjun. Napansin ko namang niligpit na nya ang mga sapatos na isusuot nya sa party.
"Oh tapos ka na mamili? Mabuti naman at kala mo naman kung saang lugar ka pupunta at ang tagal mo mag-ayos."
Sabi ko dito habang tinitignan syang ligpitin ang mga mamahalin nyang sapatos. "Nawala nako sa mood pa na magpunta sa party na'yon." walang kabuhay buhay na sabi neto.
"Bakit naman? Diba excited ka pa nga at sa wakas makakapagparty ka na ulet?"
Nagtataka kong tanong, totoo naman eh. Excited naman talaga sya lalo na nung pumayag ako.
"Nakita ko nanaman si Jiwon--"
"Don't tell me di ka pa den makamove on sa bruhang yon? E talaga namang engot ka pa sa tanga Yeonjun." Dahil lang don? Nawala sya sa mood???
"Bukas nalang tayo mag-usap, i'm tired. goodnight Sue."
Matamlay na sabi nito bago lumapit sa pamangkin nya at halikan ito sa noo bago tuluyang umakyat sa kwarto nya.
"Hay, pagpasensyahan mo na ang tito--este daddy Yeonjun mo baby ha? Lusaw nanaman ata ang utak ng isang yon."
Habang nakaupo dito ay masaya kong nilalamon yung dalang pagkain ni Jiwon habang nanonood ng tv dahil maaga pa naman at di pa kami nakakaramdam ng antok, si baby naman ay abala ang paggapang sa carpet at naglalaro na sa tingin ko ay di pa din sya nakakaramdam ng antok. Si Yeonjun naman eh simula nung umakyat sya sa kwarto nya ay di na bumaba pa ito. Bwiset talaga yon may araw na sasapakin ko na sa mukha yon ng magising nalang sa katotohanang walang kwentang babae si Jiwon at ako nalang ang gustuhin--char lang wala nakong pagditing kay Yeonjun noh! Pwera nalang kung--WAAAAH!! Sue ayan ka nanaman sa kabaliwan mo.
Lumipas naman ang ilang minuto at napatingin ako sa orasan at 11 na pala ng gabi, kaya naman sinigurado ko munang nakalock ang pintuan bago patayin ang tv at buhatin na si baby papunta sa kwarto namin. Grabe to ah! Naging instant mom pa ko, bihira lang ang pumapayag dito. Mabuti nalang at mabait ako, maganda pa.
Sinigurado ko munang tulog na si baby bago humilata sa higaan ko at matulog para magising ako ng maaga bukas para pumasok.
Jiwon
"That bitch! Anong ginagawa nya don sa bahay nila Yeonjun ng ganoong oras?!"
Naibato ko ang suklay hawak ko sa salamin at konting nagcrack ito dahil sa inis na nararamdaman ko. Nalaman kong andon yung Sue na yon dahil nakita ko ang bag ng bruha na yon sa sofa.
"Pero ang pinagtataka ko, sinong baby naman yung nadinig ko sa bahay nya?"
"Shut up!" Sigaw ko sa sarili ko.
"Sue, pagsisisihan mong nalapit ka pa kay Yeonjun."
BINABASA MO ANG
d a d d y | yeonjun
Fanfic"gusto kong itrato mo na sya na parang tunay mong anak, Yeonjun." _________ [TomorrowxTogether series: #3] Highest rank: #1 🔁[ONGOING] | Choi yeonjun | Yeonjun x You