Sue
Mabilis na lumipas ang dalawang araw at laking pasasalamat ko dahil gumanda na ang kalagayan ni Suyeon kaya naman nakauwi na kami at hindi na nagtagal sa ospital.
"Sue mauna na kayo sa loob." Gaya nga ng sinabi niya ay nauna na kaming dalawa pumasok ng pamangkin niya.
Mahimbing na natutulog si Suyeon mula sa biyahe kaya naman dahan dahan lang ang pagbaba ko sa kanya sa kanyang higaan.
Nang makapasok nakos a kwarto namin ay hindi na ako lumabas pa at natulog nalang. Ayoko pa makausap si Yeonjun dahil di pa din nawawala yung pagkainis ko sa kanya.
"Mom...mom. wake up~"
Nagising naman ako sa pagkakatulog ko nang madinig ang boses ni Suyeon. Agad naman akong napabangon dahil di naman ako ginigising ni Suyeon, kadalasan kasi ako palagi ang nauunang gumising sa kanya.
"Oh Suyeon ano yon? may masakit pa ba sa'yo?"
Pag-aalala ko kasi kakagaling lang namin ng ospital kahapon.
"no mom, i'm fine. A-actually mom can i have a little request?"
Nagaalinlangan namang tanong saakin ni Suyeon kaya natuwa ako dito kaya binuhat ko ito at ikinandong sakin.
"Can we go swimming? sobrang init kasi mom"
Kitang kita ko naman sa mukha nya na gustong-gusto nya talaga na payagan ko sya tsaka omg! hilig ko ang lumangoy! tsaka may point sya, mainit talaga ngayon kaya wala naman na akong nagawa pa kundi magpahatak sa kanya palabas ng kwarto namin.
"Suyeon, did u ask momi Sue-"
Naabutan naman namin si Yeonjun na nagpeprepare ng makakain sa kusina. Napahinto ito sa kanyang ginagawa ng makita kami ni Suyeon.
"a-ah baby, sorry pero m-masama pala ang pakiramdam ko. Next time nalang siguro hehe....b-babawi talaga ako Suyeon pero di pa ngayon okay?"
"but mom, sobrang happy mo kaya nung sinabi kong magsswimming tayo~"
Myghad, wala na kong ibang maidahilan dahil tama sya. Okay Sue wag mo nalang pansinin si Yeonjun, ang isipin mo nalang ay si Suyeon okay?
"Hehe nagjojoke lang ako ano ba, tara bihisan na kita panligo."
Agad kong kinarga ito at tumakbo papasok ng kwarto namin.
Nang matapos ko na sya bihisan ay lumabas na kami ng kwarto at wala na si Yeonjun sa kusina. Nagpunta na kami sa likod bahay kung saan matatagpuan ang di naman kalakihan na pool ng bahay ni Yeonjun at don namin sa natagpuan na iniintay kami. Ibinaba ko na si Suyeon at agad na tumakbo sa daddy kuno nya at agad na naupo sa lap nito.
"Baby!" Tawag ni Yeonjun sa pamangkin nya.
Ako naman di ko alam kung lalapit ako sa kanila. May pagkainis pa din kasi ako sa Yeonjun na yan!
Binuhat ni Yeonjun si Suyeon at nagulat ako nang tumalon sila sa pool kaya naman nabasa ako, piste ka talaga Yeonjun!
"Mom! come and join us pleaseee!"
Pangungulit naman ni Suyeon saakin habang tuwang tuwa sa paglangoy habang si Yeonjun naman ay nakatingin lang sakin na para bang may pinaplano, sumisid naman na ito kaya di ko na sya pinansin at binaling ang atensyon ko kay Suyeon nang biglang may umahon sa tapat ko. Nagulat naman ako ng biglang buhatin ako ni Yeonjun na parang pangkasal.
BINABASA MO ANG
d a d d y | yeonjun
Fanfiction"gusto kong itrato mo na sya na parang tunay mong anak, Yeonjun." _________ [TomorrowxTogether series: #3] Highest rank: #1 🔁[ONGOING] | Choi yeonjun | Yeonjun x You