c h a p t e r 9

199 13 0
                                    

[Sue]

"But whether  you like it or not, girlfriend ko si Sue. So respect that." 

Naramdaman ko namang lumakas ang pagtibok ng puso ko na dapat ay hindi naman, okay.

Eto ang weird na tinatawag.

"Ano bang pinagsasasabi mo jan Yeonjun? Bahala ka na nga jan."  

Tinabig ko ng malakas ang braso netong nakalagay sa mga balikat ko at nauna nang maglakad sa room, bahala sya jan magsama sila ng mga panget nyang fangirls.

"Sueeeeee na walang suesue!!!"   Salubong naman bigla sakin ni Aera at niyakap ako, kapal ng mukha akala mo naman sya merong suesue e tabla din naman.

"Sa wakas may kasabay na den ako magrecess hahahahaha"  

Sabi naman sakin ni Aera at naupo na sa tabi ko. Magkatabi kami dito sa classroom kaya naman ayos na ayos talaga ang schoolyear ko.

"Sus kwentuhan mo nalang ako ng mga nangyari habang wala ako, okay ba yon?"  

Gusto ko lang makibalita if nanggugulo nanaman si Jiwon sa buhay ni Yeonjun ng mga panahong wala ako dito sa school para bantayan sya.

Sa kabila ng pagdadaldalan namin ni Aera. Napansin ko naman ang biglang paghina at pagtahimik neto sa pagsasalita nang pumasok si Soobin at naupo sa likuran namin. Bali si Soobin at Beomgyu ay nakaupo sa likuran naming dalawa ni Aera.

"Hoy, ayos ka lang? Bakit bigla kang nanahimik. Kanina lang napakaingay mo ah."    Pagkasabi ko non ay mahina naman akong pinalo neto sa braso ko, uy i smell something kalandian ah.

"W-wala lang. Narealize ko kasi na napakaingay pala natin, tayo lang dinig na dinig ang boses dito."   Mahinang sabi sakin neto.

"Bakit? Di ka pa ba nasanay na 1 and 2 tayo sa listahan ng noisy? HAHAHAHHAHA--"

"Shhhh!!"   Suway naman sakin ng president namin.

"Kahit kelan sipsip talaga yan."   Mejo hininaan ko na yung boses ko.

Nadidinig ko namang mahinang tumatawa si Beomgyu sa likuran ko.

"May nakakatawa ba?"   Suway ko sa kanya.

"Wow ang sungit, bawal ba matawa?"   Pagkasabi ni Beomgyu non ay inirapan ko nalang ito at tumingin nalang ng diretso sa harap.

Maya maya naman ay pumasok na sa classroom namin si Yeonjun at napatingin agad sakin. Inirapan ko nalang ito hangang sa dumiretso na sya sa kinauupuan nya kung saan ay katabi nya si Hueningkai sa likod.

After 10mins naman ay nagsimula na ang first period namin..

____

Breaktime na namin ngayon at heto kami ni Aera, lumalamon sa pinakasulok ng canteen. Sa kabila naman ng paglamon namin ni Aera ay may dalawang babaeng lumapit samin. Itsura palang halata mo nang mga fangirls to ni Yeonjun.

"Hi ate Sue~"   Para naman akong nabilaukan nang tawagin nila akong Ate.

"Anong kailangan nyo?"   Derekta ko namang tanong sa kanila.

"Hehe para sayo pala unnie"   Sabay patong nila sa table nung isang chocolate bar sa harap ko.

"Aw thankyouu"   sagot ko.

"Wow hanep naman Sue pati ikaw sikat narin sa school ah"  

Pangaasar naman sakin ni Aera, inirapan ko nalang uto at binaling ulit ang atensyon ko sa dalawang to.

d a d d y | yeonjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon