c h a p t e r 1 9

199 15 7
                                    

Sue

"Sue, gusto ko sana ngayon mo na ko ilibre kung o-okay lang sa'yo." 

Nakangiti habang kumakamot sa batok na sabi nakin ni Taehyun.

Wrong timing naman! bakit ngayon pa?! gusto ko sana kasi nabobored nako sa malaking pamamahay na ito pero ayaw makisama ng pera ko. Saan ko naman sya ililibre?! hindi ko naman kakayanin ang mga sosyal na restoooo

"Oo naman, s-saglit magpapalit lang ako"

Hinatak ko naman si Yeonjun papasok sa kwarto nya. Alam ko nakakahiya at nakakaturn-off itong gagawin ko kay Yeonjun pero wala akong magagawa.

Kailangan ko ng pera!!!!

"Hoy ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! bakit mo'ko hinila papasok dito?" Takang taka na tanong ni Yeonjun saakin dahil sa ginawa kong pag-hila sa kanya.

"Ano kasi..."

"Ano"

"Pautang"


Kitang kita ko ang gulat at pigil ng pagtawa sa mukha nya kaya sinamaan ko ito ng tingin. Tumawa naman sya ng mahina habang nakapamewang at tumingin saakin. "For real? bakit mo sya ililibre e sakin ka may gusto diba---"

Mabilisan kong tinakpan ang bibig ng Yeonjun na to bago pa kami marinig ni Taehyun. Panira talaga tong si Yeonjun bat kaya di nalang sumangayon at bigyan ako ng pera tutal napakayaman naman ng kumag na'to.

"Alam mo babaliin ko talaga yang leeg mo kahit may gusto ako sayo kung di ka aayos. Dalian mo na pautangin mo na ko babayaran naman kita, Aish! makisama ka naman CHOI YEONJUN."  

Pekeng ngiti ko dito habang pinandidilatan sya ng mata.


Nakita ko namang kinuha nya yung wallet nya sa tabi nyang drawer at binigyan ako ng 5k. 5K?!?! NAPAKALAKI NETO!

"Baliw ka ba! wala akong pangbayad sa limang libo, kahit 500 nalang o kaya 1k ipahiram mo sakin."


"Silly. Did i tell you to pay for it?"

Nakataas kilay na sabi sakin ni Yeonjun bago ibalik yung wallet nya sa drawer at tumingin sakin.

"Tutal mayaman ka naman at sure naman akong barya lang sa'yo to kaya di ko na babayaran." 

Nakangiting sabi ko. Oo di ko na babayaran, iisispin ko nalng sweldo ko ito sa pag-aalaga ko sa pamangkin nya hahaha!!

Lalabas na sana ako ng pigilan ako neto, nakita ko naman ang kamay neto na nakatakip sa bibig nya.

"Woah grabe, Grabe! alam mo bang nakakaturn off kung mangungutang ka sa crush mo?"   Pang-aasar nanaman nya saakin. Mabuti nalang at nakakapagtimpi pa ako sa isang to.

"Ma turn-off ka kung gusto mo, wala naman akong pakialam kung magugustuhan mo'ko pabalik. Ang mahalaga nasabi ko sayo. Che!"  

Tinanggal ko naman ang kapit ni Yeonjun sakin at binuksan ang pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay gulat na gulat akong nakita si Taehyun sa harapan ko. Hala! baka nadinig nya yung pinag-usapan namin at ang pangungutang ko?!

"Di ka manlang magtethankyou?!"  Dinig kong sabi ni Yeonjun mula sa loob ng kwarto nya.

"Thankyou saan?"  Pagtatanong naman ni Taehyun. Patay.

"a-ah wala yun! wag mo na pansinin yang kaibigan mo at maupo ka muna sa salla, hehe...magpapalit na'ko" 


Pag-iwas ko sa tanong nya at dumiretso na sa kwarto ko at nagpalit ng suot.

d a d d y | yeonjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon