-Long update pambawi lang hehe
Sue
Nagising ako dahil sa nadidinig kong naguusap malapit sakin. Idinilat ko ang maayos yung mga mata ko at nakita ko si Yeonjun at yung nurse namin dito sa clinic na nag-uusap, nasa clinic na pala ako.
"Sa wakas nagising ka din. Ano ba nangyari sayo Sue? Akala ko ba magccr ka lang? Sino ba gumawa sayo nyan?"
Kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Yeonjun habang nakatingin saakin.
"Ano ba ginawa sa'yo iha? Ang dumi ng uniform mo, at puro sugat ka din. Sigurado akong hindi simpleng pambubully ang ginawa sayo. Kailangan malaman ng--"
"Ahm okay lang po ako." Sabi ko at babangon na nang pigilan ako ni Yeonjun at sinamaan ng tingin.
"Hindi ka pa aalis dito. Please Sue wag ka munang makulit." Mejo inis na sabi ni Yeonjun kaya tinaasan ko ng kilay 'to.
"Ano ba? Ayos lang ako, tsaka ngayon laban nyo ng basketball nung section B diba? Ano pang ginagawa mo dito?"
Sunod sunod kong pagtatanong.
"Importante pa ba yon sa kesa kalagayan mo?"
Ayan nanaman sya sa pag-aalala sakin. Mabuti nalang hindi ako marupok gaya ng iba.
Alam ko kung gaano kahalaga at pinaghandaan nila Yeonjun ang laban na yon para manatiling sa section namin ang titolo ng galing sa pagbabasketball sa buong school kaya hindi ko hahayaan na dahil sa jiwon na yon at dahil sakin ay mapupunta sa wala yung pinaghandaan nila.
Walang sabi-sabi ay bumangon ako sa higaan dito sa clinic. Aawatin pa sana ako ni Yeonjun pero wala na syang nagawa dahil nakatayo na din ako.
"Maraming salamat po, okay na po talaga ako. Sige po mauna na kami"
Sabi ko sa nurse at agad agad na hinila palabas si Yeonjun.
"Si Jiwon. Sya may gawa sakin neto, patay na patay pa din sayo ang bruha. Di naman sa aabot sa ganito kung wala syang kasama. Aba luge ako don sa mga animal na yon."
Napatingin naman si Yeonjun sakin nang malaman nya kung sino may gawa sakin non.
"Siya nanaman? Kelan ka nya ba lulubayan? Pati ikaw nadadamay, sorry Sue."
Paghingi ng tawad ni Yeonjun sakin.
"Okay lang." Ilang segundo kaming natahimik, natigil lang yon nang hawakan nyako sa wrist at mabilis na naglakad hangang sa makarating kami sa locker nya.
Inabot mya sakin yung tshirt nya sa pagbabasketball kaya taka akong tumingin dito.
"Wear it. Ang baho ng blouse mo, wag ka ma mag-alala. May isa pa kong isusuot para sa laro."
Tumango naman ako at dali daling pumasok sa cr. Mabuti nalang at malapit lang ang cr dito sa locker ni Yeonjun. Habang nagbibihis ako ay nadinig ko yung malakas na tunog na galing sa speaker na sa loob ng 10 secs ay mag sstart na ang laban kaya naman napatakbo nako palabas ng cr at dali-dali namang hinawakan ni Yeonjun ang kamay ko at tumakbo na kami papuntang court. Sobrang bilis ng takbo naming dalawa pero piling ko ay mabagal lang yon dahil hawak nya ang kamay ko. Ginising ko naman ang sarili ko sa katotohanan at dun ko lang namalayan na nasa court na pala kami.
Habang nakikidaan kami sa mga students na nanonood ay di naman mawala ang tingin ng mga estudyante samin kaya mejo nailang ako. Dahil siguro ay hawak ni Yeonjun ang kamay ko. Pilit ko namang binibitawan sya pero mas lalo nya lang hinigpitan ang kapit nya sakin. Nakadagdag pa yung suot namin dalawa, para tuloy kaming nakacouple tshirt ngayon. Nang malapit na kami sa unahan ay ako na ang nagkusa na bitawan sya, mabuti naman ay bumitaw na sya. Bago sya maglakad patungo kila Beomgyu ay tumingin muna sya sakin tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
d a d d y | yeonjun
Fanfiction"gusto kong itrato mo na sya na parang tunay mong anak, Yeonjun." _________ [TomorrowxTogether series: #3] Highest rank: #1 🔁[ONGOING] | Choi yeonjun | Yeonjun x You