Chapter 2

7.6K 182 4
                                    

ILANG araw din ang lumipas at hindi alam ni Nori ang mararamdaman. Kelan nga nya huling nakita si Clyde?

At bakit big deal sa kanya ang hindi na nito pagpapakita sa kanya?

Ay ewan!

At sa mga lumipas na mga araw ay marami ang nangyari sa kanila nang kapatid.

Their father escaped from the prison. At dahil nga sa mga nangyari ay kasama nila itong nagtatago sa mansyon nang mga Alcantara ngayon. Sa totoo lang ay hindi nya alam kung papaano kakausapin ang ama sa ginawa nito. At kung papaano ito nakatakas.

At ngayon nga ay napatanga sya sa narinig na pag-uusap nang ama at nang bunsong kapatid. Gusto nang ama nila na magpakasal si Sandy sa dating kasintahan na si Justin.

Justin Alcantara is not bad for her sister. But she knows who her sister's true love is. And that is Emilio. Kahit papaano ay nararamdman nyang tunay na nagmamahalan ang dalawa kaya naman nakisabat narin sya at sinabing bakit si Sandy magpapakasal kay Justin kung nandyan naman ang kasintahan talaga nito.

Pero mukhang buo na ang desisyon nang ama, at pati ang kapatid nya ay nakoconvinced narin nito.

Dalawang-araw narin syang hindi nakakapasok sa trabaho. At natatakot sya na maapektuhan ang records nya sa trabaho. Eversince naman, ayaw na nya talagang lumiliban sa klase noon o kahit ano sa mga commitments nya.

Pagkalipas nang ilang mga araw ay ginanap na ang kaarawan ni Don Ramon at kasabay nito ay ang engagement party narin para kay Sandy at Justin.

Nanlulumong pinagmamasdan nya ngayon ang kapatid. Napakaganda nito sa suot na long gown pero halatang-halata na malungkot ito.

"Sigurado ka na ba sa  desisyon mo?." She asked.

"I don't have a choice..." mahinang sagot nang kapatid.

"You do have a choice. Just back out with this stupid idea and follow your heart."

"Narinig mo naman diba ang mga sinabi ni Dad?."

"Sandy! You are going to  marry the man you don't love! Are you serious? Kung magpapakasal kalang  rin lang I rather push Elio to you."

"Ate please. Nakipaghiwalay nako sa kanya. Let's not talk about him anymore."

Napapikit nalang sya at napabuntong-hininga. "I will talk to Dad." Nasabi na lamang nya.

At pagkalipas lang nang ilang minuto ay lumabas na ang kapatid. Kanina ay niyaya sya nitong lumabas at ienjoy ang party pero talagang wala sya sa mood. At panigurado na puro plastikan lang din naman ang mangyayari sa party.

She used to be part of the socialite. At isa iyun sa mga hindi nya namimiss sa buhay.

Kung meron man syang namimiss ay ang kanyang dating silib sa kanilang mansyon na ginamit nya simula palang nang magka-isip sya. Her office in L.Co na doon na halos umikot ang buhay nya.

Napatayo sya at naisipang maligo na muna bago matulog.

It took her almost half an hour to do her night routine. Pinapatuyo nalang nya nang tuwalya ang buhok nang makarinig sya nang may magbukas nang pinto.

"Did Sandy came back?." She mumbled.

Atubili man ay lumabas sya nang banyo nang nakatapis lang nang tuwalya nang matigilan pagkakita sa lalaking nasa loob nang silib nya at nakatalikod.

Bigla ay may nagrambulan sa kanyang dib-dib.

Oh no, this could not be him...

Nang maramdaman ang prisensya nya ay humarap ang lalaki sa kanya.

Desirous Men 3: CLYDE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon