Chapter 9

5.6K 138 2
                                    

"WHAT?! Really?!."

Sadyang inilayo ni Nori ang cellphone sa kanyang tenga sa lakas nang tili nang kanyang kapatid. Pagkagising nya kasi kaninang umaga ay naisipan nyang tawagan ang kapatid. Ipinaghanda nya muna nang almusal si Clyde, dahil doon ito natulog sa kanyang apartment.

Pagkaalis nito ay saka nya tinawagan si Sandy.

"I'm so happy for you, ate! Pero nakakainis ka. Almost two weeks narin pala kayong mag-on tapos ngayon mo lang pinaalam sakin." Kunwa'y pagtatampo nito.

"Pasensya na lil sis, marami din kasing nangyari this past few days."

"Ganun ba..."

"Tenga nga! Kelan ba kayo babalik nang Pinas? Parang ang haba naman ata nang honeymoon nyo. Baka hindi kana pinapatulog nyang si Elio ha."

Narinig nyan bumungisngis ang kapatid sa kabilang linya. "Si ate talaga. Siguro mga one week nalang." Sagot nito.

"Okay, ituloy nalang natin ang kwentuhan kapag nandito kana."

"Sure, love you ate!."

"Love you too."

Pagakatapos nang tawag ay napabuntong hininga si Nori. Naalala na naman nya kasi ang pag-uusap nila ni Clyde, nagseselos ito kay Ezequiel.

Ayaw man nyang kausapin na si Ezequiel ay nakatanggap na naman sya nang text dito kagabi. Kaya naman naisipan nyang dalawin ngayon ang kanyang ama sa kulungan. Hindi dahil sa pangungulit nang dating kasintahan kundi dahil talagang namimiss nya narin ang ama.

Pagkalipas lamang nang tatlong oras ay nasa visitor's area na sya nang Lyndale City Jail.

Nakangiting sinalubong nya ang ama. Saglit silang nagyakapan nito at inihain ang mga dala nyang pagkain para dito. "Wow, all looks good, ikaw ba lahat nagluto nito?." Her father asked.

"Yes dad, kain ka na po. Wag ka nga lang masyadong mag-expect nang perpektong lasa."

Natawa naman ito sa sinabi nya. "Still I'm happy that you can cook now, Nori."

"Thanks, dad."

Sa nakikita ni Nori ay mukhang maayos naman ang kalagayan nito, pero hindi nya parin kayang mapanatag sa sinabi ni Ezequiel sa kanya. "Someone might kill him inside..."

Nang makitang patapos na ito sa pagkain ay ihinanda nya ang sarili sa pagtatanong dito.

"Ayos ka ba dito, dad? Wala po bang nanggugulo o you know..."

Mukhang nakuha naman nang ama ang ibig nyang sabihin dahil sumeryoso ang mukha nito.

"I'm fine here, anak."

Tumikhim muna sya.

"Actually... Ezequiel visited me last time and—."

"Stay away from him, Nori. And please don't ever trust this ex-boyfriend of yours."

Bigla ay nakaramdam nang kaba si Nori. Nakikita nyang may galit ang ama sa dating kasintahan. Dati naman ay magkasundo ang mga ito, although hindi nya pa nakikitang nagbiruan o nag-usap man lang ang mga ito noon ay masasabi nya parin na walang tensyon sa dalawa. Pero bakit ganito ngayon? Dahil ba si Ezequiel ang nanguna sa pagpapakulong dito?

"Dad... he said he wanted to help you."

Mas lalong sumama ata ang loob nito. "He probably has his own motives..."

"Dad?..."

Don Renato frowned at her. "What is it?."

She took a deep breath before asking. "Please dad, can you tell me... how big exactly was this mess you're in to? and please, be honest with me. Pakiramdam ko po kasi hindi lang ito ordinaryong paglabag sa batas." Nori looked straight into his father's eyes. "Are you involve in some kind of s-syndicate?."

Desirous Men 3: CLYDE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon