Chapter 4

6.4K 175 4
                                    

"SINO ba ang lalaking yun, Nori?." Her father asked.

Kasalukuyan silang lulan nang sasakyan ni Justin ngayon. Nasa passengers seat sya samantalang nasa back seat naman ang ama nya.

"I told you his name is Clyde at kung itatanong nyo kong may relasyon ba kami nang lalaking yun ay wala po." Naririnde na sya, kanina pa kasi sya senisermonan nito. Nahihiya na tuloy sya kay Justin na syang nagmamaneho nang sasakyan.

"Kung hindi mo naman pala boyfriend e bakit naabutan ko kayo sa ganong pagkakataon? Aba wag mong sabihing nagpapahalik ka sa lalaking hindi mo naman pala boyfriend!." Nakabusangot ang hitsura nang ama nya.

Malamang Nori, sino ba namang ama ang matutuwa na mahuli sa ganong pagkakataon ang anak.

"Doon pa talaga kayo sa may likod, e pano kung may ibang tao ang—."

"Dad, please..." Paki-usap nya. Hiyang-hiya na sya kay Justin.

"Ang inaalala ko lang naman—."

"Ano po ba kasi ang gusto ninyong sabihin ko?." Lumingon sya dito. Kahit naman kasi ano pang paliwanag nya ay mukhang hindi sya paniniwalaan nito.

"Kasal na ang kapatid mo, at nasa tamang edad kana naman. Kung may relasyon—."

"Fine, boyfriend ko po sya. Geez..." Nasabi na lamang nya para matapos na ang lahat.

Nahagip nang mga mata nya ang pagngiti ni Justin. Saka nalang nya ipapaliwanag ang lahat dito kapag naihatid na nila ang Daddy nya.

At kung umasta naman ang Daddy nya ay parang hindi kulungan ang pupuntahan nila.

Nang maalala ito ay bigla syang nakaramdam nang pag-aalala dito.

"Are you gonna be okay, Dad?." She asked.

"I will be." Inabot nito ang braso nya at bahagyang pinisil iyun.

"Don't worry Nori, may mga naka-usap nakong mga tao na sasalubong satin sa likod." Justin said. Kahit hindi ito nakatingin sa kanya ay alam nyang sinsero ito.

"Sinigurado ko ding walang media na makakaalam dito." He added.

"Thank you." Taos pusong pasasalamat nya.

Hindi nga nagtagal ay mahigpit na nyang kayakap ang ama. Nasa lugar na sila kung saan magyayari ang pagkuha nang mga pulis sa kanyang ama.

Nakaagapay si Justin sa kanila kaya kahit papaano ay napanatag ang loob nya.

It was not easy for her, yet she had to be strong.

Kahit na nagsabi sya kay Justin na magtataxi nalang sya ay nagpumilit parin ito na ihatid sya sa kanyang apartment.

Pagkahatid nito sa kanya ay umalis narin ang binata dahil may aasikasuhin pa daw ito.

Papasok na sya sa gate nang kanilang apartment nang mahagip nang mga mata nya ang isang black BMW car.

Napairap sya sa ere.

"Seriously." She hissed.

Nagmamadaling naglakad na sya paakyat sa kanyang unit sa isiping nasa sasakyan si Clyde.

Kaya naman ganun nalang ang inis nya nang makita itong nakasandal sa gilid nang kanyang pintuan.

"Tagal mo ah, namasyal pa ba kayo ni Alcantara?."

Hindi nya ito pinansin at sinusian ang pinto nang unit nya. Balak nya sanang isarado na ito agad pero marahil ay nahulaan na iyun ni Clyde kaya naman sumabay na ito sa pagpasok sa loob sa kanya.

Desirous Men 3: CLYDE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon