Chapter 3

6.7K 181 0
                                    

BECAUSE of what happened that morning. Hindi nakapag-concentrate si Nori sa kanyang trabaho. Maya-maya kasi ay naiisip nya ang ulupong na si Clyde.

At bago pa sya umasa o ang binata ay nagpasya na syang putulin ang kung ano mang atraksyon na nararamdaman nya dito. She will do what she's best of doing, and that is cutting someone's off.

She doesn't want to feel anything beyond attraction to Clyde Emmanuel Sarmiento. Men for her are all the same, they may have a different approach but the goal are tha same.

May pakiramdam sya na magpapakita ulit ito sa kanya mamayang uwian. Kung bakit nya alam, ay basta alam nya lang. Yun ang sinasabi nang instinct nya.

At hindi nga sya nagkamali.

Palabas na sya nang munisipyo nang makita nya itong nakasandal sa hood nang sasakyan nito. Kaagad itong ngumiti at lumapit sa kinatatayuan nya.

"Hi, how's work?." He asked. Kahit sa base nang histura nito ay parang dapat sya ang magtanong niyun dito dahil halatang pagod ito.

Gusto nya sanang maawa dito pero, kung kaaawaan nya ito ay paano naman ang sarili nya kapag ito naman ang nakasakit sa kanya. Ika nga nila prevention is better than cure.

"Ayos lang." Matipid na sagot nya.

Bahagya pa syang napapitlag nang hawakan nito ang siko nya. "Let's go?."

For an instant naisip nya na mas maganda sigurong maihatid sya nito at makapag-usap narin nang masinsinan. She will going to tell him that this will the last time na sasakay sya sa sasakyan nito.

"Sure, para makapag-usap narin tayo." Nakita nyang napamaang ito sa sinabi nya. Malamang ay nahuhulaan na nito ang mga sasabihin nya.

"Cool.." Clyde said.

Nasa loob na sila nang sasakyan nito at binabagtas ang daan.

Hindi nagtagal ay kumunot ang noo nya nang makitang hindi ito lumiko sa dapat na likuan pauwi sa kanila.

"Clyde..."

"Mukhang seryoso ang sasabihin mo. Let's have dinner first."

Aangal na sana sya nang maunahan sya nito.

"I didn't have lunch today, Nori. And I really wanted to have dinner with you."

Napabuga nalang sya sa hangin. May magagawa pa ba sya e ito ang may hawak nang manibela. At hindi nya naman maintindihan ang sarili kung bakit gusto nya itong pagalitan sa hindi pagkain nang tanghalian. Kinokonsensya ba sya nito? Obviously skipping lunch is not good. However, hindi rin naman iyun ikamamatay nito pero naiinis pa rin sya.

Wala syang pakialam dito pero naiinis sya! Doctor paman din ito pero mukhang ito ang hindi kayang alagaan ang sarili. Sa totoo lang ay kanina nya lang nalaman ang propesyon nito sa buhay, hindi sya makapaniwala na ang lalaking to na mukhang maloko ay isang doktor.

Paano kaya nito ginagamot ang mga pasyente nito?

Natigil lang sya sa pag-iisip nang iparada nito ang sasakyan ang isang kilalang Italian restaurant.

"Wait." Saad nito nang makitang bubuksan na nya ang pinto nang sasakyan.

Mabilis itong bumaba at ito na mismo ang nagbukas nang pinto sa kanya. Again, a simple gesture yet it made her appreciate it big deal. Pero kahit ano pa man ay buo na ang desisyon nya.

Nang makaupo na sila ay hinayaan nyang ang binata ang umorder nang kakainin nya. She just thought it's easier that way dahil sa totoo lang ay hindi nya alam ang kakainin nya.

Desirous Men 3: CLYDE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon