AT dahil nga selosong tao si Clyde pagdating kay Nori ay hindi nya mapapalampas ang pagtawag ni Ezequiel sa kanyang nobya.
Ayaw nyang masira ang araw nila ni Nori kaya naman hindi nya sinabi dito ang tungkol sa tawag nito. Instead inalam nya kung saang presinto naglalagi si Ezequiel Juan Belgado o kung saan ang opisina nito.
Hindi nya alam kung anong pinagpuputok nang butsi nya basta naiinis syang malamang tumatawag ito sa dating nobya. At pakiramdam nya ay lumalabas na tumutulong ito sa kaso nang ama ni Nori. Samantalang si Kent na mismo ang nagsabi na isa ito sa mga nanguna sa pagdakip noon sa matandang Lobangco.
Kasalukuyan silang lulan ni Rye sa kanyang Ram 1500 pickup truck at pakay nyang tuldukan ang kanyang nagngungut-ngot na kalooban sa mismong araw na iyon.
Sinugurado nya munang naandon nga mismo ngayon si Ezequiel sa presintong pinaradahan nila. Nakumpirma nya naman iyon nang makita ang nakaparadang Jaguar I-Pace nito sa parking lot nang gusali. Hindi nya muna ipinaalam kay Rye ang kanyang mga plano at baka hindi ito sumama sa kanya.
"Anong ginagawa natin dito?." Tanong nito nang makaparada na sila.
Humarap sya sa kaibigan. "Let's go out first."
It's almost five in the evening kaya padilim narin ang paligid. He also noticed that there was not much car parked in the parking lot. Perfect, meaning wala masyadong makakasaksi sa kalokohan nya.
"Uhm, hello? can you answer my question now?." Rye irritably asked.
Wala si Prince dahil nasa meeting ito, Kent has a trial and Gael is busy showing his good looks to his father's campaign. Kaya ayun, si Rye ang magiging subject sa kalokohan nya.
"Rye, simula pagkabata magkaibigan na tayo di ba?."
Kumunot ang noo nito sa kanya. "Anong drama to, Clyde?."
"Remember the time in primary school when me and Elio locked you and Vel in the girl's toilet?."
Umismid ito. "Yeah, how can I forget that. Vel was crying nonstop and I was slapped by one of the students because they thought we were peeking on them. So yeah, what about it?."
Ngumisi sya dito. "Now is the time for you to get your revenge."
"Yun nga lang may twist." He added.
At bago pa makareact si Rye ay binigwasan na nya ito. Dahil nga hindi nakapaghanda ang binata ay sapol na sapol ito.
Masama ang mukha na hinarap sya nito. "What the fuck is wrong woth you?!."
"Please Peckham, one more punch and then you can charge me."
Akmang susuntukin na naman nya ito nang mahawakan nito ang kamao nya. "Fuck you, Clyde." Rye hissed.
"Please..."
Marahil ay nakita nito ang pagiging desperado nya. Binitiwan nito ang kamay nya at iniumang pa ang mukha sa kanya. "You fucking owe me one."
Pagkarinig nun ay tumama na nga ang kamao nya sa mukha nito.
Gusto nyang batukan ang sarili sa hitsura ni Rye. Namunula ang mukha nito at putok ang tagiliran nang labi nito.
Namangha sya nang makitang umupo ito sa simento at nagulat sya sa sumunod na ginawa nito. Rye shouted for help. Sakto namang may nakakita sa kanila at agad na pumasok sa loob nang presinto.
Maya-maya lang ay may dalawang pulis na lumabas mula doon. Agad na lumapit ang mga ito sa kanila.
"Sir, please put this fucking idiot in jail. He almost ruined my gorgeous face." Rye demanded.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 3: CLYDE | Completed
Romance[𝗥-𝟭𝟴] Nori Jane Lobangco got engaged and got her heart broken. At sinabi nya sa sarili nya na hinding-hindi na sya iibig o aasa pa. Binuhos nya ang sarili sa pag-tatrabaho at pag-iipon para sa amang nakakulong. But then her not so peaceful life...