Chapter 15

5.3K 140 7
                                    

IT'S been two days already since the last time Sandy told her that Clyde wanted to see her. At hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ang kanyang sagot.

She is not yet ready.

Wala syang lakas nang loob na harapin si Clyde. Guilty was eating her alive and she doesn't like it. Kahit alam nyang hindi nya kasalanan ang nangyari ay lihim nya paring sinisisi ang sarili. Because she knew she could have done better. If only she had known she was carrying their child.

Nori sigh.

"Ready kana, ate?." Tanong nang kapatid sa kanya. Ngayon ang araw nang kanyang labas sa ospital. At malinaw ang naging bilin ni Nori sa kapatid at sa asawa nito na wag sabihan si Clyde.

Alam nyang nagiging makasarili sya sa bagay na iyon ngunit hindi pa sya handang makita ang binata.

Mas mabuti nang hindi nya muna ito makita kesa naman makita nya ito at maisambit o maipakita nya dito ang dinaramdam nya at masaktan pa ito.

"Sigurado ka bang ayaw mong sabihan si Clyde? Alam mo araw-araw syang nandito sa labas nang kwarto mo. Kung makikita mo lang sya siguradong maaawa ka sa kanya." Exactly why I don't want to see him. She thought to herself.

"Okay lang ba talaga sa inyo ni Elio na sa inyo na muna ko?." Tanong nya dito, para narin naiba ang usapan nila.

Lumapit si Sandy sa kanya at yumakap sa kanyang tagiliran. "Oo naman, kahit nga doon kana tumira."

Napagkasunduan nila na doon na muna sya titira kina Sandy pansamantala habang nagpapagaling pa sya.

Habang nagluluksa pa sya.

Kahapon lang ay dumalaw si Ezequiel sa kanya. Humingi ito nang tawad sa kanya sa lahat-lahat. Maging ito ay sinisi ang sarili sa pagkakabaril sa kanya. Marami sana syang mga tanong sa dating kasintahan pero mas pinili nyang tumahimik na lamang. Ang sabi nito ay nasawi daw sa operasyon si Anton Belgado. Again, hindi na sya nagkomento sa bagay na iyon.

Bumukas ang pintuan nang kanyang silid at pumasok doon si Elio.

"Ready? Everything was processed, Melissa said we can go now." Elio informed them.

Almost an hour later nasa mansyon na sya nang mga ito.

Sinigurado lahat ni Sandy na maayos sya sa kanyang silid bago nya ito napilit na iwan na sya. She knows her sister was just worried for her, so as her brother-in-law Elio.

Nang iwan na sya nito ay saka nya lang hinayaan ang kanyang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata. Hindi na mabilang ni Nori kung ilang beses na syang umiyak simula nang magising sya. At hanggang ngayon ay mabigat parin ang kanyang kalooban. Yun ang rason kaya hindi pa sya handang harapin si Clyde.

She missed him so much, but she needed time to heal. They both need time to heal.

***

"WHAT?!." Clyde shouted on what was the nurse informed him. Ilang beses nya kasing binilinan si Melissa na sabihan sya kung kelan pwedeng makalabas nang ospital si Nori Jane.

At ngayon ngang dadalawin nya na naman ito ay nalaman nyang nakalabas na ito. Ilang araw nya ring tiniis na manatili lang sa labas nang silid nito sa tuwing dadalawin nya ito. Patiently waiting for her to ask for him.

He knew Nori was grieving, but so was he. Handa syang maghintay pero aaminin nyang nasasaktan na sya sa ginagawang pagtataboy nito sa kanya. Matagal na nyang hindi nasisilayan ang mukha nang babaeng minamahal at doble-doble ang sakit non para sa kanya.

"Pasensya na po, Sir." Hingi nang paumanhin nang pobreng nurse sa kanya. Kasalukuyang nasa loob sila nang silid na ginamit ni Nori, nakita nyang pumasok si Melissa sa pintuan.

Desirous Men 3: CLYDE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon