Chapter 11

5.3K 155 3
                                    

DAHIL wala namang susi sina Nori at Justin sa nakakandadong gate nila ay kinakailangan nilang sa likod dumaan. Doon sya lumalaki sa mansyon na iyon kaya alam na alam nya ang mga pasikot-sikot. At mas mabuti narin sa likod sila dadaan dahil naandon din naman talaga ang pakay nila.

Sya ang may hawak nang flashlight habang bit-bit naman ni Justin ang isang pala. Parehas silang naka-gloves. Kung bakit, ay hindi nya rin alam. Basta dala yun ni Justin kaya ginamit nadin nila.

Pero nagpapasalamat sya na may suot nila noon dahil mas naging madali ang pag-akyat nila sa mataas na bakod nang mansyon nila.

Nang parehas na silang nasa loob ay itinuro nya kaagad dito ang lugar na dapat nilang bulkalin. Yes, her father told her he buried the notebook that contains the list of names that was part of the organization. Her father buried it under her mother's garden. Sa ilalim mismo kung saan nakatanim ang Centifolia roses nito.

Itinurok nya ang liwanag sa lupa na sinabi nang ama nya at inumpisahan na iyong huyakin ni Justin.

Hindi alam ni Nori pero habang naghuhukay si Justin ay hindi nya maiwasang makaramdam nang kaba. Ewan ba nya, pero pakiramdam nya ay may masamang mangyayari.

"Geez, I think this is it." Justin whispered.

Napasinghap sya nang makita ang isang hardwood box. Meron iyong naka-ukit na pangalan nang kanyang ama. Si Justin na mismo ang kumuha nito at inilagay sa tabi. Nakita nilang nakakandago ang halos kasinglaki lang nang box nang sapatos na box. Sinuri nila nang mabuti ang kahon at parehas silang napangiti nang makita nila ang nakatagong susi nito sa mismong ilalim lang nang kahon.

Kaagad nila iyong binuksan.

Bumungad sa kanila ang kanilang baby pictures nina Sandy, naadun din ang litrato nang yumao nilang ina. At nang mailabas nila ang lahat nang nasa kahon ay tumambad sa kanila ang isang di kalakihang notebook na mayroong dark green leather cover.

This is it. The list.

"Ano nang balak mo ngayon?." Justin asked.

Hindi nya maiwasang hindi buklatin iyon at pasadahan ang mga nakasulat doon. Yup, her father did list a lot of names in there. He also wrote down all the transaction he did with the organization, may mga date din ang mga iyon.

This is definitely a strong evidence to the highest court.

"Nori..." Tawag ni Justin sa kanya.

Tumikhim sya. "Kailangan nating isuko to sa kinauukulan."

Kahit madilim at hindi nya nakikita nang malinaw ang hitsura ni Justin ay alam nyang nababahala ito. Ramdam nya yun dahil kasama sa listahan na yun ang ama nitong si Don Ramon Alcantara.

"Jus..."

"It's fine. Yun din naman ang gusto ni dad."

"You talked to him?." She asked.

"Oo, hindi narin kaya nang konsensya nya. Kaya lang naman sya umalis nang bansa dahil sa takot nya sa amain ni Ezequiel."

"So, you knew about Anton Belgado..."

"I do, my father told me. Kaya nga agad kitang pinuntahan dito nang sabihin mo ang tungkol sa listahan ni Tito Renato."

Ngumiti sya inabot ang kamay nito. "Thank you, Justin."

"No worries, kailangan nating makahanap nang taong mapagkakatiwalaan natin sa—."

Hindi na natapos ni Justin ang sasabihin nang tumambad sa kanila ang limang kalalakihan. Armado ang mga iyun. Kaagad na itinago sya ni Justin sa likuran nito.

Desirous Men 3: CLYDE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon