Chapter 12

5.3K 130 1
                                    

HINDI na nag-aksaya pa nang panahon sina Clyde at Ezequiel.

Tinawagan nito ang taong lihim daw na nagmamatyag sa amain nito. Maya-maya lang ay may nakuha na silang impormasyon. Mayroon daw itong magiging ka-transakyon nang droga mamayang madaling-araw. At yun ang aasikasuhin nila.

Ayaw nya sanang umuwi at matulog, dahil hindi rin naman sya makakatulog sa pag-aalala kay Nori. Pero nagpumilit si Ezequiel. Kailangan daw nila parehas nang lakas para sa pagliligtas nila kay Nori.

Kanina ay ikunwento sa kanya ni Ezequiel ang lihim nitong pagpapagsak sa amain. Nalaman din nyang nasa ospital pala nila naka-confined ang ina nito na inatake nang hika dahil sa pakikipagsagutan sa Anton na iyon.

At habang nagkukwento ito ay kitang-kita ni Clyde ang galit nito para sa amain. Matagal na raw itong naghahanap nang malakas na ibidensya para maipakulong nang tuluyan si Anton, at naniniwala ito na ang listahang pag-aari daw nang ama ni Nori ang magiging malaking daan para maipakulong na ito.

Nailamukos ni clyde ang mga palad sa kanyang mukha. Hindi  nya kakayanin kapag may nangyaring masama kay Nori. Base sa pagsasabi ni Ezequiel ay malaking organisasyon pala ang hawak nito. Paano nalang kapag nahuli sila ni Ezequiel?

Wag lang talagang mangyari ang kinatatakutan nya, kundi ay sya mismo ang papatay sa Anton na iyon. Marami pala itong buhay na sinisira at nararapat lang dito ang mabulok sa bilangguan!

Halos apat na oras lang din ang naging tulog ni Clyde. Tinawagan nya agad si Kent pagkagising nya.

"Kent."

"May nalaman ako sa Anton Belgado na to."

"Anong nalaman mo?." Marami na syang nalaman mula kay Ezequiel dito pero pakiramdam nya ay kulang pa iyon.

"The man was a fucking big time, Clyde. Hindi lang malakas ang operasyon nito sa Pilipinas, pati sa Asya at Europa ay may mga ka-transakyon din ito. Ngayon alam ko na kung bakit nahihirapan si Ezequiel na ipakulong ang matandang yun." Bumuga ito sa hangin. "At kahit na maipakulong nyo man ito ay hindi parin tayo nakakasiguro kung mahihinto ang grupo nila dahil tiyak na marami syang mga tauhan na pwede nyang pagkatiwalaan sa pangangalaga kahit nasa kulungan pa sya."

Kumuyom ang kamao nya sa narinig. Natatakot syang isipin na hawak nang demonyong ito ngayon si Nori Jane.

"And I'm telling you, Clyde. Hayaan mo na si Ezequiel na gumawa nang paraan sa pagkuha kay Nori."

"At anong gusto mong gawin ko? Maghintay nalang at tumunganga?!."

"Clyde, listen to me. Pumapatay ang mga grupo nito, ano gusto mo bang magpakamatay? Alam kong mahal mo si Nori, kaya nga hayaan mong gawin na nina Ezequiel ang mga plano nila. Please, Sarmiento. It's too dangerous..."

Naintindihan naman nya ang pag-aalala nito sa kanya. Nag-aalala rin naman sya sa sarili nya pero mas mahalaga sa kanya na mailigtas si Nori. She was his life, and he will always be more than willing to risk his own life to save her.

"Don't worry, I won't do anything stupid." He said.

"Why do I have a feeling that you just lied." He heard him hissed on the other line.

"Anyway, I told Elio." Kent added.

"What?!."

"He needs to know, para may kasama akong mangangaral sayo! Pano nalang kung may mangyaring masama sayo?! Sabihan mo ko kung anong mga plano mo, sasamahan kita..."

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya sa sinabi nito. Kent was too obvious that he was worried about him. Isa narin iyon sa dahilan kaya hindi nya pinaalam sa iba nilang kaibigan ang tungkol sa mga plano nila ni Ezequiel. Tiyak kasi na sasama ito at yun ang ayaw nya. Ayaw nyang pati ang mga ito ay mapahamak nang dahil sa kanya.

Desirous Men 3: CLYDE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon