Chapter 7

5.9K 171 0
                                    

KINABUKASAN ay tinawagan nya si Manang Fe, ang may-ari nang kanilang apartment. Gusto nya sanang ipaalam dito ang nangyari sa apartment nito, ang kaso ay nasa Cebu pala ang matanda at dinalaw ang bunsong kapatid nito.

Nagbago na ang isip nyang ipaalam dito ang nangyari dahil tiyak na mag-aalala lang ito. Kaya pagkatapos kumustahin ang matanda ay nagpaalam na sya dito.

Nang sunduin sya ni Clyde para ihatid sa pinapasukan ay nagdadalawang isip din sya kung magsasabi sya dito.

"Love..." Panimula nya habang nagmamaneho na ito.

"Yes?..." He kissed her hand.

"Did you notice anything unusual yesterday when you went into my apartment?."

"Hmmm, wala naman. Bakit?." He gave her a quick glance.

Wala namang nawala e. Pag-aalahanin mo pa si Clyde. Pangungunsensya nang isip nya.

"Ahmm, nothing."

"Did something happened?." Kunot-noong tanong nito sa kanya. Nakita nya ang pag-aalala sa mga mata nito.

Sa dami nang iniisip nang binata sa trabaho ay ayaw nyang makadagdag pa dito.

Mamaya ay bibili sya nang bagong doorknob para mapalitan ang kanilang lock.

"Nori?."

"Nothing, nga pala wag mo na kong sunduin mamaya."

"Why?." He frowned at her.

"May lakad kami nang friend ko. Her name is Andeng, she's also a colleague."

Totoo naman ang sinabi nya dahil kay Andeng sya mismo magpapasama mamaya para bumili nang bagong lock.

"Makakaistorbo ba ko kung sasama ako sa inyo?." May pagtatampo sa tono nang boses nito.

"E kasi—."

She blinked when he suddenly smile to her.

"Just kidding. Sure, have fun with your friend pero you have to call me as soon as you get home, Nori Jane." Seryoso na ito.

"I promise."

At yun nga ang ginawa nila ni Andeng, pumunta sila sa kilalang mall nang lugar nila. Nang maikwento nya kay Andeng ang nangyaring pangluluob sa apartment nila ay pinayuhan agad sya nitong magreport sa pulis.

Pero pwede pa ba? Wala namang ninakaw sa kanila di ba? Pero may trauma na ata sya sa mga pulis. Atsaka papalitan na naman nya ang lock nila di ba?

"E ano pala ang ginawa nang sira-ulong yun sa inyo? Nanggulo lang?." Says Andeng.

Kasalukuyan silang nagmimeryenda sa isang kilalang fast-good chain.

"Hindi ko talaga alam. Wala naman kasing nawala, kahit nya yung naitago kung pera hindi naman ginalaw."

"Weird naman nun. Baka stalker mo?."

"Stalker?!."

"Oo, uso na yun ngayon. Sa ganda mo ba namang yan tapos mag-isa ka pang nakatira dun sa apartment mo..."

"I don't think he's a stalker...."

Umismid ito. "Ano yun, nanggulo lang dun, ganun? trip lang nya?."

"Baka ganun na nga. Wala lang magawa sa buhay..." Nasabi na lamang nya. Ayaw nyang mag-isip nang kung ano-ano. Baka naswertehan lang talaga ang unit nya.

"Sabagay, sa lugar nga namin, normal nalang ang maluoban. E sila-sila lang din ang nagnanakawan dun e."

"Anong sabi nang boyfriend mo?."Pahabol nito.

Desirous Men 3: CLYDE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon