THEY were both gasping for breath when they came out of the water. Hindi alam ni Nori ang kanyang sasabihin dito, it seems like they were communicating using their eyes.
Naputol lang ang pagtititigan nila nang tawagin sya ni Elverson.
Akmang aahon na sya para lapitan nito ang pigilan sya ni Clyde.
"Don't, please..."
Hindi sya umimik dito.
She felt him tighten his hold to her.
"Think of me as a wolf who got himself imprinted in you, Nori. Walang lugar na pupuntahan mo na hindi ko kayang sundan kung gugustuhin ko. Kaya kahit layuan mo pa ko nang layuan, magkikita at magkikita parin tayo." He whispered.
She gulped.
Sa nangyari kani-kanilang lang ay sigurado na si Nori sa kanyang tunay na nararamdaman kay Clyde. Pero ayaw nya munang ipaalam ito sa lalaki. Kailangan nyang makapag-isip nang maayos, before deciding whether she will accept Clyde to her life or not.
"I...I have to go." Iwinaksi nya ang braso nitong nakahawak sa kanya at umahon na para lapitan si Elverson.
Kinuha nya ang kanyang beach dress at lumapit kay Elverson. "Let's go."
Puno nang pagtataka ang mga mata nito. "Are you sure?."
"Please..." She don't know what she was pleading about. But she really want to get away in that place.
"Okay."
Sinabihan muna sya ni Elverson na magbihis sila at niyaya sya nitong mag-almusal sa alam nitong lugar. Labas daw iyun nang resort kaya sinabihan sya nitong magsuot nang komportableng damit.
Tiwala sya kay Elverson kaya sumama sya dito at hindi nga sya nagsisi dahil nagustuhan nya ang lugar na pinagdalhan nito sa kanya.
Isa iyung maliit na baryo na mainit silang tinanggap nang mga tao roon. Nalaman nyang malapit si Elverson sa mga tao dito dahil dito pala ito tumutuloy noon nang gawin nito ang resort.
Nang malaman nang mga taga-roon na wala pa silang almusal ay natuwa sya dahil pinagluto agad sila nang mga ito nang makakain.
She likes the people here, not to mentioned the beautiful scenery around them.
"Do you like it here?." Elverson asked.
Kasalukuyan nilang ini-enjoy ang kapeng barako na ginawa nang mga ito para sa kanila.
"I do, maswerte ka at may lugar kang ganito ka ganda na mapupuntahan kapag naging toxic na lahat sayo sa Manila."
Umupo ang binata sa tabi nya. Mula sa kanilang kina-uupuan ay tanaw na tanaw nila ang isang bundok.
Ngumisi ito. "Ayoko ring nagtatagal dito..."
"Bakit naman?." She curiously asked.
"Kasi naman, napakaraming magagandang dalaga dito. Nakaka-tempt manligaw."
"So? Binata ka naman, kung seryoso ka lang e wala namang masama kung manligaw ka sa dalagang magugustuhan mo."
Bumuntong-hininga si Elverson. "But my heart only belongs to one woman..."
Uh-oh, mukhang hindi lang ako ang kailangang mag-emote ngayon a.
"Sounds romantic." She commented.
"But not romantic enough to her..."
Magtatanong pa sana sya nang maunahan syang magtanong nito. Elverson was now grinning to her.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 3: CLYDE | Completed
Romance[𝗥-𝟭𝟴] Nori Jane Lobangco got engaged and got her heart broken. At sinabi nya sa sarili nya na hinding-hindi na sya iibig o aasa pa. Binuhos nya ang sarili sa pag-tatrabaho at pag-iipon para sa amang nakakulong. But then her not so peaceful life...