THREE months later.
Nori Jane's plane just landed a few minutes ago.
Matagal-tagal din syang nawala sa Manila. Nang umalis sya sa bahay nang kapatid na si Sandy at asawa nitong si Elio ay yun na ang huling kita nya sa mga ito. Ni hindi nya sinabi sa mga ito kung saan sya pupunta. Ang totoo nga nyan ay biglaan ang pagpapasya nya noon na umalis.
She needed space.
Malaki ang pasasalamat nya kay Manang Fe na syang tinuluyan nya sa Cebu nang halos mga tatlong buwan. And now that she's back in Manila, hindi nya alam ang mararamdaman o ano ang unang gagawin.
She didn't even contacted her sister in that three months. Natatakot kasi sya noon na kapag narinig nya ang boses nitong tiyak na nag-aalala sa kanya ay masabi nya dito kung nasaan sya.
Mabuti na lamang at nakaagapay sa kanya si Manang Fe sa panahon na gulong-gulo ang kanyang isipan.
And now...
Hindi nya alam kung ano ang naghihintay sa kanya.
Kung pagkatapos nang lahat ay may babalikan pa ba sya...
Clyde Emmanuel Sarmiento. She wonder how was he now...
Alam nyang malaki ang kasalanan nya dito at naging unfair sya dito noon, lalong-lalo na nang umalis sya nang hindi ito nakikita o nakaka-usap nang personal.
But time does healed her and she is now ready to face him.
Ni walang kaalam-alam si Sandy na magkikita sila ngayon.
Nang makalabas nang airport ay kumuha kaagad si Nori nang taxi na maghahatid sa kanya sa bahay nang kapatid. Alam nyang nanganak na ito nang nakaraang buwan, kaya naman excited narin syang makita ang pamangkin dito.
After thirty-minutes ay nasa harap na sya nang front door nina Sandy at kanina parin sya doorbell nang doorbell pero mukhang wala tao.
Where could they be...
Naisip nyang umuwi nalang muna sa kanyang apartment. Pero bago pa sya makaalis ay may lalaking lumabas mula sa likuran nang bahay, base sa tantya nya ay nasa mid-fifties na ang lalaki.
"Ay ma'am, may kailangan ho ba kayo?." Tanong nito sa kanya. May hawak pa itong grass cutter at nababalot pa nang garden gloves ang kamay nito.
"Kumusta ho, ako po si Nori. Kapatid po ako ni Sandy." Pagpapakilala nya. Marahil ay hardinero nang mga ito ang matanda.
Ngumiti ito sa kanya. "Kaya naman pala ho kamukhang-kamukha ninyo si ma'am Sandy. Gustuhin ko man ho kayong papasukin pero..."
Naintindihan nya naman ito. "Ayos lang ho. Alam ho ba ninyo kung nasaan sila?."
Hindi nya naman ito matawagan dahil sa katangahan nya ay nawala ang kanyang cellphone noon pang nasa Cebu sya. At naisip nyang wala ring point na bumili nang bago dahil pwede rin naman nyang gamitin ang telepono nina Manang Fe.
"Maaga ho silang umalis ni Sir, kasal ho kasi nang pinsan ni Sir Emilio."
Sa narinig ay nanlamig ang kamay ni Nori. Kasal nang pinsan ni Elio? Iisa lang naman ang kilala nyang pinsan nang kanyang brother-in-law.
Could it be that?...
"Ganun ho ba..." Bigla-bigla ay nanikip ang kanyang dibdib.
"B-babalik nalang ho ako bukas. Maraming salamat ho." Paalam nya dito bago tuluyan nang umalis.
Nang makarating si Nori sa dating apartment ay binalot sya nang kalungkutan. Hindi mawala sa isip nya ang sinabi nang matanda kanina sa bahay nina Sandy.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 3: CLYDE | Completed
Romance[𝗥-𝟭𝟴] Nori Jane Lobangco got engaged and got her heart broken. At sinabi nya sa sarili nya na hinding-hindi na sya iibig o aasa pa. Binuhos nya ang sarili sa pag-tatrabaho at pag-iipon para sa amang nakakulong. But then her not so peaceful life...