CHAPTER I ⚜ Mi Familia

23 0 1
                                    

Onyx POV

"Iho, handa na ba ang mga gamit mo?" Bungad na tanong sa akin ni Nanay Loida, ang nag alaga sa akin mula pa ng bata ako. Para ko na ring tunay na ina.

"Opo Nay, ano oras po ba alis mamaya?" Balik kong tanong habang kinukusot ko ang mata ko.

"Pagkatapos nalang nang tanghalian," busy itong nagsasandok ng kanin para sa akin, "Naipaalam na kita sa Lolo mo, gamitin nalang daw natin 'yong van para di ka mahirapan sa biyahe."

"Tumawag po sa inyo?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Busy ang Lolo sa pagkakaalam ko.

"Alam mo namang lagi kang kinakamusta 'non." Ngiti nitong sabi sa akin habang naghahain ng ulam, typical almusal. Bacon, hotdog, scrambled egg, sinangag and wait, is tha--.

"Tuyo ba 'to Nay?" Nagningning bigla ang mata ko habang nakatingin sa umuusok at bagong lutong tuyo.

"Oo, alam ko kasing gusto mo niyan, para naman marami kang makain," ngiti nitong sabi sabay pisil sa pisngi ko. "Oh, ito gatas mo,ubusin mo lahat yan, namamayat ka na."

"Luh ka 'dyan Nay, ang taba ko na nga daw eh," di makapaniwalang tingin ko sa kanya, "Kain kasi ako ng kain, tapos ngayon payat parin?"

"Ah basta! Namamayat ka! Kailangan ka ulit patabain! Ilang buwan ka lang nawala pero namayat ka na!" Natatawa nito sabi habang hinahaplos ang likuran ko.

Natatawa nalang ako habang kumakain. Tawang tawa ako kung paano ako tratuhin dito sa bahay. Well, technically dahil bunso ako kaya ganito sila sa akin. Even my two older sibling, Kuya Mond and Ate Ruby, and yes me, the youngest, Onyx.

Other from being spoiled from the other member of the family and our clan. Overprotective din sila sa akin, specially kuya and ate, even my cousins for both sides, lalo 'yong mga lalaki. They always put their guards up when someone is making moves in me.

"Nga pala Nay, sila Kuya at Ate? Di ba nauwi dito?" Nagtataka kong tanong dahil parang ang tahimik ng buong bahay. Walang mga maiingay.

"Ang Kuya Mond mo, minsan lang magawi dito, at ang Ate Ruby mo naman busy din. Pero baka magawi sila dito mamaya, bago tayo umalis." Walang lingon nitong sabi habang naghuhugas ng mga plato sa lababo.

The eldest among us is Kuya Diamond John, Mond for short. The currently CEO of Leal Corp. At his age of 25, he's already managing the Corp, Lolo trained him very well para dito. Perks of being the panganay. The consequence of his action, nabuntis kasi niya ang fiancé niya "accidentally", if I know tinali niya na agad. But unfortunately, Ate Camille didn't make it. But we are blessed to have a little baby boy named Talc, he's already three now, turning four years old.

"Eh kanino po naiiwan si Talc?" Tanong ko rito habang nilalagay sa lababo ang pinagkainan ko. Sarap nung tuyo!

"Nasa bahay ng Lola niya, alam mo namang minsan lang din magawi dito yung Lola at Lolo niya."

"Ganon po ba, last na kita ko kasi sa kanya bago pa ako pumunta kay Lolo sa States," nakapalumbaba nalang ako dito sa island counter habang tinitignan ang mga collection ni Lolo ng wine. "Kilala naman ako 'nun kasi nakakausap ko siya lagi sa videocall and they also visit us their, he's like kuya, ang suwail niya! He keeps on asking a lot of question Nay!"

Glad That You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon