Onyx POV
Kahit maaga kaming nakauwi mula sa dinner party mula sa pamilya nila Selo, hindi naman ako nakatulog agad pagkatapos naming mag usap ni Ate. It bothers me to the point na past 12am na ako nakatulog. And now, I feel so groggy, pahirapan pa dahil may klase na kami after ng prelim.
"Bakit ganyan itsura niyan?" Bungad na tanong ni Azul kay Erdith sabay turo sa akin.
"Napuyat ata kagabi." Simpleng sagot nito habang chinecheck ang mga test paper ng kabilang block. Napagalitan kasi.
"Baka PINUYAT kagabi!" Makahulugang banat naman ng kakambal nitong si Lapis na may dalang strawberry frappe na agad naman nitong nilapag sa harapan ko.
Sa pag aakalang libre niya ito ay agad agad ko namang sinunggaban dahil isa ito sa stress reliever ko maliban sa pagtugtog.
"Sarap ng libre noh?" Sarkastikong tanong ni Lapis bago ngumiti ng pagkaluwang luwang. "Lalo na pag mula sa taong mahal mo!" Pahabol pa nito.
Napatigil naman ako sa pag inom dahil sa sinabi nito. Unti unti ko namang naintindihan ang ibig sabihin nito.
"Ano sabi mo?" Nanlalaking matang tanong ko sa kanya. Nanggigigil ako bigla.
"Wala! Walaaaaa! Ubusin mo nalang yan ha!" Pagdepensa naman nito.
Akmang magsasalita nanaman ako ng biglang may humalik sa ulo ko bago hinawakan ito.
"Did you like it?" Tanong ng bagong dating ni Selo habang nakayuko paharap sa akin.
"Yeah thanks." Pagpapasalamat ko. Nakakahiya.
"Your blushing again. Cute." Pagpuna nito sa mukha ko sabay gulo sa buhok ko.
Naiirita ko naman itong tinignan dahil sa paggulo nito sa buhok ko. Nakakainis. Pero gustong gusto naman. Ewan.
"Wala palang pasok ang School of Business Ad ngayong hapon." Pag iimporma ng bagong dating na si Kaito.
Bigla namang nagdabog si Erdith dahil sa ginagawa nito.
"Wala naman pala bakit pa pinaparush ito sa akin? Boset na yan!" Galit nitong tugon. Gigil na gigil.
"Kasalanan mo yan. Ikaw kasi." Paninisi ko parin sa kanya.
Nagsitawanan naman kami ng bigla nitong guluhin ang buhok nito. Nagmumukha na tuloy itong gurang dahil sa pinaggagawa niya.
"Then we'll go ahead." Pagpapaalam ni Selo sa amin, bago nito kunin ang bag ko na nasa lamesa at higitin ako paalis.
"Saan tayo pupunta huuuuuy?" Takang tanong ko sa kanya habang hinihila ako nito papunta sa parking lot.
"Secret. No clues." Ngiti nitong lingon sa akin.
I cant restrain my self to smile at his soft gesture. He's like a boy who wants to ditch his class just to go somewhere he can play and enjoy the rest of the time. Cute.
Agad ko namang sinapok ang ulo ko dahil sa mga naiisip kong kung ano anong mga bagay. Malala na ata ako.
"You look idiot, what are you doing?" Tanong ni Selo. Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito sa akin.
"You look idiot pero gusto mo?" Diretsahan kong banat sa kanya. Huli na ng mapagtanto ko ang sinabi ko sa kanya. Nang tignan ko ito ay nakapameywang na siya at pinipigilan ang sariling ngumiti sa akin. Kinikilig ba siya?
"You're blushing." Usal ko sa kanya sabay pindot pa ng pisngi nito.
"Yes I am," matapang nitong sagot sa akin, hindi man lang itinanggi. "Because of you." Pahabol pa nito.
BINABASA MO ANG
Glad That You Exist
DiversosDreaming is part of sleeping, but how about meeting the guy on your dream. The guy who promise you a one of a kind love story. How can this dream turn Onyx into a person that he didn't expected. Will the guy of his dream accept all his flaws and fea...