Onyx POV
Mabilis na lumipas ang araw at ngayon nga ay patapos na kami sa prelim examination namin. Sa mga araw na nakalipas, halos tinambakan kami ng mga paper works at reviewers ng mga Professors namin. Sobrang pahirap pa dahil ang deadline lahat ay day before exam. Kaumay.
Sa bawat araw din na nagdaan ay minsan lang namin makasama o makita ang Kambal, si Kaito at si Selo. Dahil mga graduating students din sila kagaya namin, kung matatawag man akong graduating din. Parepareho kaming mga tambak at subsob sa pagrereview at paggawa ng mga paperworks.
Habang ang mga lower year naman, lalo sila Gelo ay petiks lang sa buhay dahil two weeks bago ang exam ay ang deadline nila sa mga projects nila. Kaya ngayon ay tutok lang sila sa mga reviewer nila. Sana all nalang talaga
"Taena nabasa ko ito kanina eh!" Bubulong bulong na usal ni Erdith habang kinakamot ang ulo. Haggard na haggard na ang itsura nito. Halatang halata na kulang sa tulog dahil sa pagrereview.
"Nabasa ko talaga ito eh! Shuta!" Bulong ulit nito.
"Last 20 minutes!" Biglang anunsyo ng aming Professor na nasa harapan. Halos magkumahog naman kaming lahat matapos marinig ito.
Sino ba naman kasing hindi magkukumahog kung ang type ng examination ay identification na 100 items. Halos manghina kaming lahat kanina ng makita namin ang testpaper dahil hindi namin ito inaasahan, taliwas ito sa aming napaghandaan. Expectation vs. Reality at its finest.
Hindi ko na alam kung ano ang binubulong bulong ni Erdith habang nakasubsob sa mismong tespaper nito. Dinadasalan na ata niya ang papel niya o ginagawan ng ritwal ang aming Professor. Joke lang.
Minsan nagtataka na rin ako dito sa kaibigan kong ito. Dahil hindi ko siya nakikitang magbuklat ng libro o notes kapag may quiz kami. But still she always ended up having a high points. Bilib na din naman ako sa kaibigan ko.
PARA naman kaming mga zombie habang palabas ng aming room dahil sa katatapos na exam. Hindi ko maramdaman ang kasiyahan dahil natapos na ang pagsusulit namin. Mas sasaya pa ata ako kung makakatulog na ako ngayon mismo. I just want to sleep right now. As in now.
"Frenny!" Pag agaw atensyon sa akin ni Erdith. "Gala naman tayo! Tutal tapos na ang exam,magliwaliw naman tayo for a while!" Ngiti nitong usal. Kung kanina ay mukha na itong mangkukulam, ngayon naman ay nakaayos na to at fresh na fresh na ang mukha, di nga lang pantay ang liptint sa pisngi.
"Mukha ka ng Dyosa ngayon ah, kanina mukha kang mangkukulam." Banat ko sa kanya. Natawa naman ito sabay ayos ng buhok sa tenga.
"Ene be! Syempre mayroon si Kaito eh! Bawas points yon!" Pagpapaliwanag nito.
"If he truly loves you, he will accept your flaws unconditionally." Seryoso kong usal sa kanya habang pababa kami ng hagdan.
"Lalim naman nun. Tunog bitter frend!" Sagot nito bago tumawa. Sabay palo pa sa braso ko.
"Mapanakit ka din noh?" Paninita ko sa kanya.
"Oh andyan na pala sila." Usal nito bago ituro ang kung sino man, sinundan ko naman ang tinuro nito."Hi guys!!" Sigaw nito kanila Kaito, Azul, Lapis at syempre si Selo na prenteng nakatayo sa lobby ng building. Pinagtitinginan naman sila lalo na ng mga nasa lower year.
Nagulat naman ako dahil nandito ang mga ito, pero mas nagulat ako ng madako ang tingin ko sa gawi ni Selo na ngayon ay nakatitig sa akin. Kumindat pa ito dahilan kung bakit ako ngayon pinamumulahan sa mukha. May problema ba ito sa mata?
"Nakita ko yon." Kinikilig na usal ni Erdith habang hinihila na ako palapit sa kanila. Hinihila talaga dahil ayaw kong lumapit, masyadong malakas ang tama ni Selo sa aking sistema.
BINABASA MO ANG
Glad That You Exist
DiversosDreaming is part of sleeping, but how about meeting the guy on your dream. The guy who promise you a one of a kind love story. How can this dream turn Onyx into a person that he didn't expected. Will the guy of his dream accept all his flaws and fea...