Onyx POV
He gently cares my face, drying those tears with his thumb, the tears of joy and love, that washed away all the pain and agony.
"Thank you for finding me, thank you." Bulong ko sa kanya habang patuloy parin siya sa paghaplos sa pisngi ko. Sana wala akong sipon.
"I will always find you, I will find my way back to you." Bulong din nitong sabi, as he close the distance between our face. I can clearly see his face, almost.
A frowned was visible in my face when someone is poking my cheeks, continously. Im still in the state of asleep, when someone dares to tap my shoulder just to wake me up. Sa pagkakaalala ko naiwan ang Biik sa bahay, pero bat may gumigising sa akin.
"Kuya Onyx! Uyy! Gising na uyy!" He still keep on poking my cheeks.
"Hmmm. Maya na Biik, maaga pa eh!" Iritado kong sabi. Maaga pa eh! Tsaka nandon na, makikita ko na mukha niya!
"Biik ka dyan, hindi ako biik! Gising na Kuya Onyx! Uyyy," At tuluyan na nga niya akong niyugyog sa balikat ko. "Tulo laway ka pa oh! Yuck Ewwwww!"
Napamulat naman ako ng mata dahil sa sinabi ng Biik este ng batang gumigising sa akin. Hindi naman marunong magsalita ng diretsong tagalog si Biik este si Talc, gulat akong napabaling sa batang katabi ko dito sa loob ng van.
"Who are you?" Nagtataka kong tanong rito habang pasimpleng pinupunasan ang baba at pisngi ko, baka may laway talaga.
"Tagalog please!" Nakanguso nitong usal sa akin. The ef? Mukha siyang biik na nakanguso. Cute.
"Sino ka kako? Tsaka nasaan sila Nanay Loida? Saan na kami?" Tanong ko ulit sa batang kaharap ko.
"Nanay Loida? Bakit anak ka ba ng Lola ko? Tito kita? Wala namang nasabi si Nanay ah?" Kunot noo nitong tanong na bakas sa mukha ang pagtataka at di makapaniwala.
"Hindi! Kasama ako nila Nanay Loida, ako yung alaga niya," Natatawa kong sagot sa kanya. "Im Onyx Leal nice to meet you? Ano pangalan mo?"
"Ako po si Andoy, kala ko anak ka ni Nanay Loida eh, Lola ko kasi siya kaya akala ko kamag anak ka namin." Tatango tango nitong paliwanag.
"So nasaan na nga si Nanay Loida?" Tanong ko parin sa kanya.
"Nasa loob na po, sarap daw po kasi ng tulog niyo kaya di na kayo ginising," Walang lingon nitong usal habang bumaba ng van. "Halika na Kuya Onyx, kakain na tayo ng tanghalian"
True to his words, tanghali na nga. Mataas na ang araw ng lumabas ako ng Van, though hindi naman ganon kainit dahil sa mga puno ng mangga at santol na nakapalibot sa amin. The smell of probinsya! Yes sir!
Nag-inat inat muna ako ng katawan pagkababa ko. I love this kind of feeling na di ako kinulang sa tulog. By that, naalala ko nanaman 'yong panaginip ko. Weird.
Habang naglalakad ako patungo sa bahay na pinasukan ng batang si Andoy, hindi ko maiwasang pagmasdan ang kapaligiran. Malawak na kabukiran ang nakapalibot sa likurang bahagi ng kabahayan, maraming puno ng mangga at santol, may mangilan-ngilan ding puno ng bayabas at iba pang puno. Sariwang hangin, this kind of environment. Nakakagaan sa pakiramdam.
Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla ito bumukas at bumulaga sa akin ang isang binata na sa tingin ko ay kaedaran ko o mas bata sa akin. Kakagulat.
"Uh? Hi, nandyan ba si Nanay Loida?" Tanong ko sa kanya habang kumakamay at may pilit na ngiti.
"..." Natulala siya bigla, buhay pa naman to, kasi kumukurap kurap pa. Nagulat ko ata.
BINABASA MO ANG
Glad That You Exist
RandomDreaming is part of sleeping, but how about meeting the guy on your dream. The guy who promise you a one of a kind love story. How can this dream turn Onyx into a person that he didn't expected. Will the guy of his dream accept all his flaws and fea...