Onyx POV
KATATAPOS lang naming maghapunan at nandito kami lahat ngayon sa silong ng mangga sa harapan ng bahay nila Nanay Loida. Nagkukwentuhan tungkol sa buhay probinsya at buhay sa syudad, sa mga kalokohan nila Gelo at Andoy dito sa probinsya.
The life here in province is more different from my life in city. Though, hindi ko alam kung may buhay syudad ba ako, dahil taong bahay lang naman ako at madalang lumabas. Either I'll go to my Tito and Titas' house for some occasion or some formal gatherings hosted by our family.
Dahil na rin sa madalang lang ako lumabas, hindi rin ako gaanong kilala bilang isang Leal. Maybe some of our close family friends knew about my existence, but not the whole circle in business world. Edi dont.
"Ikaw Onyx? Wala ka bang iniwang nobya sa Manila?" Baling na tanong sa akin ni Uncle Badong, nag iisang kapatid na lalaki ni Nanay Loida.
"Po? Wala po Uncle, wala pa nga po yan sa isip ko," nahihiya kong tugon. "Tsaka wala pa po akong naging girlfriend." Natatawa kong tugon ulit. Awkward.
"Bakit naman wala pa? Kagwapo mong bata wala ka pang naging nobya?" Gulat na tanong nito sa akin.
"Ah eh, wala po" Kamot batok kong tugon.
"Eh panong wala? Eh pihikan yan, kahit nga kaibigan na idala sa mansyon wala." Sabat ni Nanay Loida na humihiwa ng manggang hinog.
"Ganon ba? Sayang naman yang itsura mo, kagwapong bata." Umiiling na tugon ni Uncle Badong. Sinang-ayunan naman nila Gelo at Kuya Tope.
"Nga pala sa susunod na linggo magkakaroon ng mass wedding ang barangay natin," biglang sabat ni Nanay Loida. "Ito kasing si Tope, Nyx, magpapakasal na sila nung syota niya. Yung nanay ni Andoy." Pagpapatuloy nito.
"Ah kaya pala sumama ka pauwi Kuya Tope?" Baling kong tanong kay Kuya Tope na sinusubuan ng mangga si Andoy.
"Oo Nyx, tutal nakaipon naman na kami pareho ni Roselle, sakto lang na handaan para sa atin. Di naman kailangang engrande, basta maikasal lang talaga kami ayos na." Mahabang paliwanag nito sa amin.
"Oh eh bat di ka nagsabi? Edi sana nakatulong kami nila Kuya at Ate. Para naman nabudol ko sila na magbigay." Natatawa kong usal sa kanya.
"Ano ka ba okay lang yon." Nahihiyang tugon nito.
"Asan po pala yung asawa mo Kuya Tope?" Balik kong tanong.
"Umuwi sa kanila. Iniwan lang si Andoy dito sa bahay, wala kasi mag aalaga dahil anihan na doon. May mga inasikaso lang si Roselle para sa kasal namin." Tugon nito sa akin habang pinupunasan ang mukha ni Andoy.
Nagtuloy tuloy lang ang kwentuhan namin. Kung saan saan umabot ang mga kwento nila. Mula sa mga pamahiin pag may patay, sa mga engkanto at multo. Typical rural legends. Hanggang sa nabanggit nila na fiesta pala nila sa susunod na linggo. At ang umpisa nito ay ang taunang mass wedding. Sosyal.
"Sa huling araw ng fiesta, magkakaroon ng misa bilang pasasalamat sa magandang ani ng buong barangay at susundan ng handaan para sa tanghalian." Sabi ni Gelo.
"At kinagabihan naman magkakaroon ng pasayawan, alam niyo na yung mga may dadayong mga dalaga at binata na galing sa ibang kalapit na Barangay." Usal naman ni Uncle Badong na isa palang Kagawad sa barangay na ito.
"Sakto po pala pag uwi namin dito, ngayon ko lang mararanasan yan." Excited kong pagkasabi sa kanila. Bakit first time ko eh!.
"Nako Nyx, papabantayan kita kay Gelo," iiling iling na tugon ni Kuya Tope. "Mahirap na."
"Luh? Bakit naman Kuya?" Takang tanong ko sa kanya.
"Kasi last year, fiesta din dito. Nagkagulo, may mga lasing kasi na kabataan na nagkahamunan. Ayun, nauwi sa riot." Sabat ni Gelo.
BINABASA MO ANG
Glad That You Exist
RandomDreaming is part of sleeping, but how about meeting the guy on your dream. The guy who promise you a one of a kind love story. How can this dream turn Onyx into a person that he didn't expected. Will the guy of his dream accept all his flaws and fea...