Onyx POV
Linggo ng umaga, maaga akong nagising dahil sa sunod sunod na pagring ng cellphone ko. Gusto ko mang baliwalain ito at huwag na sanang sagutin,pero ng makita ko kung sino ang tumawag ay napilitan akong sagutin.
"Hello Lo, how are you?" Bungad kong tanong kay Lolo sa tawag. I still want to sleep, kulang na kulang ang isang araw kahapon na halos natulog lang ako buong araw.
"Hey Apo, did I wake you up?" tanong nito sa akin. Obvious iyon Lo. "Anyways, Im fine." Pahabol nito.
"Yes Lolo, I still want to sleep right now." Antok na antok pa ako. Ni hindi ko nga binubuka ang mata ko dahil mahapdi talaga.
"Sorry about that Apo, but I'll be there an hour from now." Pag iimporma nito sa akin. Napaupo naman ako agad sa kama, pero nakapikit parin. Masakit mata ko eh.
"Papunta kayo ng mansyon ngayon? Why? Nandito na kayo sa Pilipinas? Bakit hindi kayo nagsabi!?" Sunod sunod kong tanong. Nakakagulat naman kasi ang biglaan nitong pag uwi. Hindi nagpapasabi.
"Hinay hinay naman Apo. Surprise nga diba. Edi hindi na surprise pag sinabi ko." Natatawa nitong biro sa akin. Napahilamos naman ako ng mukha dahil dito,kahit kaylan talaga.
"So why are you here? Why are you coming here in the mansion?" Nagtataka kong tanong. Minsan lang ito umuwi dito sa Pinas para asikasuhin o tignan ang mga negosyo dito. Lolo always have this someone that work for him. Not unless important to extend na uuwi pa talaga ito dito.
"Later we'll talk okay. Sige na, bye!" Agad naman ako nitong pinatayan ng tawag. Seryoso ata tong pag-uwi niya.
Pagkatapos na tumawag ni Lolo ay humiga ako ulit dahil masyado akong marupok sa paglalandi ng aking kama. Masyado pang maaga at inaantok pa talaga ako.
SUNOD sunod na katok ang gumising sa akin. Parang kakaidilip ko lang ah? Bakit may nangangatok na sa pintuan ng kwarto ko?
Nang tinignan ko naman ang oras ay lagpas 11am na ng tanghali. Parang kakasara ko lang ng mata ko kanina ah? Pero tanghali na pala.
Pinagbuksan ko naman agad ang kanina pa kumakatok sa pintuan ko. Kung sino man itong taong to.
Bumungad sa akin ang batang nakapajama pa, dala ang splushy nitong minions, habang nasa likod nito ang alagang aso at biik. Busangot ang mukha at nakapameywang pa.
"Goodmorning Babe!" Ngiting bati ko dito.
"Why you're so tagal to open the door Tito!" Naiinis nitong tanong sa akin. He's so cute. Mukha na siyang bola sa paningin ko.
"Sorry, Im still sleepy kasi. See, I just woke up." Paliwanag ko sa kanya. Siguro naiinis ito sa akin dahil kahapon ay tulog ako maghapon tas ganito pa ngayon.
"Dont sleep again! Lolo is here, he's waiting for you downstairs. You should go down now na daw po." Nakanguso nitong sabi. Nagtatampo ito kaya ganito ako nito kausapin,tipong galit kunyare.
"Sure thing Babe, sunod na si Tito ha!" Then I kiss his head but he just ignored it. Nagtatampo nga.
Agad agad naman ako nag ayos ng sarili ko. I took a bath just to remove my sleeping thoughts. After I finished changing my clothes I went down to dining area, naabutan ko naman silang tahimik na kumakain. Kakasimula palang siguro nila.
"Goodmorning everyone!" Bungad kong bati sa kanila.
"You're here. Come, join us." Pag aya sa akin ni Lolo.
Agad agad naman akong tumabi kay Ate Ruby, kaharap si Talc na hindi ako pinapansin, kanina pa ito nakabusangot.
"Hey, why your face is so grumpy? Huh?" Tanong ko sa batang kaharap ko. Hindi naman ako kinibo nito at nagpatuloy lang sa pagkain ng almusal.
BINABASA MO ANG
Glad That You Exist
РазноеDreaming is part of sleeping, but how about meeting the guy on your dream. The guy who promise you a one of a kind love story. How can this dream turn Onyx into a person that he didn't expected. Will the guy of his dream accept all his flaws and fea...