Onyx POV
Its been a week since the start of our classes. So far so good for each subject. Is it because we are just getting started or talagang ganito lang ang buhay kapag crash course? Ewan ko nalang din talaga.
Sa mga nakaraang araw halos bilang lang sa daliri kung magkita kami ni Gelo sa school. Dahil na rin sa fully loaded ang sched niya kumpara sa akin na iilang subject lang. Minsan lang kami nagtutugma ng pagpasok sa school, it is only monday. Mas madalas ko pa ngang makasama sa vacant time ko si Erdith.
Speaking of her, hindi niya ako tinantanan ng malaman niyang kakilala ko si Kaito. Which is weird, kasi hindi ko naman siya personally kakilala and besides natamaan lang niya ako ng bola, at masakit 'yon. Nang nalaman ko ang dahilan kung bakit ganon nalang siya kainteresado kay Kaito ay halos mamatay matay ako sa tawa. She have a thing towards Kaito pala, that is why.
Nang malaman naman nila Kuya ang nangyare sa akin sa school, inaasahan ko na silang magagalit o mag-oover react pero sa halip na ganon ay tinawanan lang nila ako. They also said that the welcome party of SFIS to me is kinda bloody hell. The ef?
"Hey! Sino inaabangan mo dyan?" Pagkuha ko ng atensyon ni Erdith na nakatuon ang mata sa labas ng room, looks like she is waiting to someone.
"Si Kaito! Huwag ka magulo dyan!" Wew. Im just asking her pero bakit galit?
"Why are you waiting for me Miss?" Pagsabat naman ni Kaito na nakasilip sa mismong bintana. Nagkataon na nagkasabay kami sa hallway papunta dito sa 3rd floor ng building.
"Ayy! Itlog ni Kaito!!" Gulat na sigaw ni Erdith na akala mo nakakita ng itlog, I mean ng multo. Her face and ears is so red after she realized what she just said.
Pigil na pigil naman ako sa pagtawa dahil sa kaganapan nilang dalawa. Kunot noo naman si Kaito na nakatingin kay Erdith na ngayon ay nakadukdok na sa armchair ng upuan niya.
"Bakit anong meron sa itlog ko?" Naguguluhang tanong nito sa akin. I just give him a I-dont-know gesture. "Ill go ahead then."
Pagkatapos makaalis ni Kaito ay siya namang pagtaas ng ulo ni Erdith saka dumungaw sa bintana sabay habol ng tingin kay Kaito. Muntanga.
"Bakit di mo naman sinabi na kasama mo siya?!!" She looked at me with the face of angry and a bit of shy. Galit nanaman.
"Mukha ka kasing CCTV na nakaduty kaya di mo napansin na magkasama kami." Pagbabara ko sa kanya. Huwag niya akong maaway away dyan.
"Haaaayst! Wala na! Minus points na yon!" Bubulong bulong nitong sabi tsaka niya ginulo gulo ang buhok niya. Buang na nga.
HALOS nakatunganga naman ako sa buong oras sa klase. Buti nalang hindi gaanong terror ang Prof namin ngayon. Pwede pala iyon kahit minsan,lumulutang yung isip kung saan saan. I was in the middle of daydreaming when I was interrupted by the bell, okay good lunch break na.
"Onyx, alis muna ako mah frenny!" Pagpapaalam nito sa akin habang nagmamadaling ayusin ang mga gamit niya. "Baka di na ako pumasok mamayang hapon. Byeeeeeee!" After she said that and bid her goodbye, she just run out of the room. May hinahabol?
At dahil sa mag isa lang ako ngayon, hindi rin naman lunchbreak nila Gelo, mag isa akong kakain ngayon. Might as well lumabas nalang ako ng room then Ill find a place to eat my pack lunch, of course not near in the field again. Bingo na yon pag nagkataon.
Pagkababa ko ng building ay agad kong natanaw ang botany garden ng School of Pharmacy. Though it was intendly made for the use of Pharmacist students, nilagyan rin pala nila ito ng mga tables and chairs. Nice. Parang picnic lang.
I just choose the table that was far from the entrance of the garden, hassle yon pag bungad sa papasok eh ako na kumakain. Mas pinili kong umupo sa part na malilim dahil sa mga puno nakapalibot dito. Nilabas ko naman agad agad ang lunchbox ko at tumbler. Natuto na ako na dapat pati tubig baunin ko na din.

BINABASA MO ANG
Glad That You Exist
RandomDreaming is part of sleeping, but how about meeting the guy on your dream. The guy who promise you a one of a kind love story. How can this dream turn Onyx into a person that he didn't expected. Will the guy of his dream accept all his flaws and fea...