CHAPTER XVI ⚜ Moving Closer

9 2 28
                                    

Onyx POV

MATAPOS ang nangyare sa hallway noong nakaraang araw. Agad umingay ang pangalan ko sa buong School of Business Administration. Dahil na rin sa maraming nakakita, may nakakuha rin ng ebidensya. Nakuhanan kami ng larawan ni Selo sa eksenang hinalikan ako nito at habang nakayuko hawak ang pisngi ko. Chismis.

Halos sapakin naman ako sa kilig ni Erdith ng paulit ulit nitong alalahanin ang nangyare. Dahil isa rin pala ito nakinuod sa tagpong iyon, kasama syempre si Kaito. Hindi ko alam kung nasaan ang Kambal.

"Onyyyyyyyx!" Hiyaw ng sino pa bang halang ang lalamunan sa sigawan. Tumatakbo ito sa likuran papunta sa akin.

"Bakit ka naninigaw dyan? Nakakahiya ka!" Sita ko sa kanya habang nakayukong naglalakad sa pathway papuntang building ng School of BusAd.

"Halla ito naman! Goodmorning!" Pagbati nito sa akin ng maabutan ako nito. "Kamusta tulog mo?" Pang aalaska niya sa akin.

"Mukha bang maayos tulog ko? Kung hindi naman ako nakatulog in the first place?" Sakarastiko kong sagot sa kanya. Nakabusangot na ako ngayon habang naglalakad.

Paano ba namang makakatulog ng maayos kung maalala ko ng paulit ulit yung paghalik sa akin ni Selo. Ayan naalala ko nanaman tuloy yung malambot niyang la-. Shuta hindi na to maganda.

Dahil sa nangyare kahapon, alam kong maraming magbabago ngayon. Isa na don ang pagtulog ko, advance na nabago, hindi sumunod sa schedule.

Kung dati ay nakakasanayan ko na ang mga tingin na binibigay sa akin ng mga studyante dito sa SFIS, ngayon ay naiirita na ako dahil hindi lang tingin ang binibigay nila,may kasama ng bulong. What did I do to feel this kind of shit in just a day.

"Alam mo ba na kalat sa social media ang nangyare sa inyo dalawa ni Selo," kinikilig nitong pagkausap sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin. "At kilala mo ba kung sino ang nagkalat at kumuha ng picture niyong dalawa?" Pagpapatuloy nito.

"Oo kilala ko. Humanda sa akin yung dalawang itlog na yon mamaya kapag nakita ko sila." Nanggagalaiti kong usal. Ang dalawang kambal pala ang salarin. Dahil na rin sa kanila, kumalat ito sa buong school na umani ng samo't saring mga komento sa mga chismosang studyante.

Nang makarating naman kami sa room namin, agaw pansin sa lamesa ang armchair ko ang nakalagay na bulaklak. A fucking sunflower with a fucking note.

"Goodmorning babe, I hope you slept well. Have a nice day ahead."

-SL

Pagbasa ko sa note na nakalagay sa bulaklak nito. Matutuwa pa sana ako kung sunflower seeds ang binigay nito. Pero bulaklak pa talaga ang binigay.

"Aminin, kinikilig ka dyan frenny!" Bulong na usal ni Erdith habang nakadungaw din sa sulat na hawak ko.

"Saan banda ako kikiligin kung kulang ang tulog ko? Sige nga?!" Nanglalaking mata kong usal sa kanya.

Umarte naman ito na parang nagulat habang nakahawak ang kamay sa dibdib. "Bakit galit?"

"Hindi ako galit. Puyat lang!" Bulyaw ko na sa kanya.

"Bakit ka naninigaw?" Sigaw din nito sa akin.

"Kasi kayo na ni Kaito! Di mo sinasabi!" Sumbat ko sa kanya.

"Wala pa pero nanglilig-." Hindi na niya tinapos ang sasabihin niya ng maisip siguro niyang nabuking ko siya.

Taas kilay ko naman itong nginitian saka dinuro ang mukha nito gamit ang sunflower na hawak ko. Huli ka balbon.

"Pero ano? Sige ituloy mo. Ano? Magsalita ka?" Tanong ko sa kanya habang dinuduldol sa mukha nito ang sunflower.

"Ano ba! Bakit naman! Pwee!" Bulyaw nito sa akin. Nakakain ata ng petals. Ewan.

Glad That You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon