Onyx POV
Maaga akong nagising ngayon dahil sa ingay sa baba. Kahit medyo inaantok pa ako, hindi medyo, inaantok pa talaga ako dahil anong oras na ako nakatulog. Pagsilip ko sa bintana ay medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag.
Rinig mula dito sa taas ang ingay sa baba, lalo na sa parteng kusina at sa likurang bahagi ng bahay. Naabutan ko ang mga di pamilyar na mukha na busy sa paghihiwa at pagbabalat ng patatas, carrots, sibuyas at bawang.
"Goodmorning po." Nahihiyang kong pangbungad na bati sa kanila habang naglalakad papasok ng kusina para magtimpla ng gatas.
"Oh! May bisita pala kayo Tope?" Gulat na tanong ng medyo may kaedarang babae na hawig ni ate Roselle. Nanay niya siguro.
"Opo Nay, si Onyx po pala, alaga ni Nanay Loida dun sa pinapasukan ko, anak po ng amo ko." Paliwanag ni Kuya Tope sabay labas ulit ng kusina pagkakuha ng mga nahiwang bawang at sibuyas.
"Hello po," pilit ngiti kong tanong. "Onyx Leal nga po pala." Nahihiyang pagpapakilala ko sa kanila.
"Ang gwapong bata naman nito." Puna sa akin nung isang ale na naghihiwa ng bell pepper.
"Ang puti pa kamo, kutis mayaman." Sabat naman nung isa pang matanda.
"Thank you po," nahihiya kong pasasalamat. "Medyo nangitim na nga po ako eh, isang linggo na rin po kasi ako dito."
"Nangitim kapa sa lagay na yan Iho? Ano nalang kulay namin?" Natatawang biro nung Nanay ni Ate Roselle.
"Oo medyo nangitim na nga yan eh," sabat ni Nanay Loida. "Mas maputi pa siya dyan nung nasa Manila pa kami, ano gusto mong agahan Nyx?" Habol na tanong sa akin ni Nanay Loida.
"Kung ano nalang po available na naluto dyan Nay, okay na po ako don." Sagot ko habang iniinom ang gatas na kakatimpla ko.
"Aba, eh ang puti mo kung ganon ano Iho?" Tanong ulit nung naghihiwa ng bell pepper.
"Nasa lahi kasi nila yan, mapuputi. Siya nga ata pinakamaputi sa kanilang magkakapatid." Sabat ulit ni Nanay Loida na binubuksan yung mga seasoning. Magic sarap!
"Oh siya, maiwan muna namin kayo," paalam nito sabay tawag sa akin. "Onyx halika na, nasa likod yung mga nalutong ulam at kanin."
Habang kumakain ako sa likod, kasama sila Nanay Loida at side ni Ate Roselle ay di nila maiwasang magtanong ulit tungkol sa akin. Dahil na rin siguro sa bagong mukha na nakita nila. Napuno ng samo't saring kwentuhan ang likurang bahagi ng bahay habang nagluluto sila ng mga ulam at kanin. Mamaya nalang daw yung mga isda dahil mas masarap daw ito pag bagong ihaw.
Matapos kumain ay kanya kanya na kaming gayak para sa magaganap na mass wedding mamaya sa barangay cover court. Sinama nalang ako ni Nanay Loida para naman daw makita ko kung gaano kasaya ang paninimula ng kanilang fiesta.
Nang makaligo at makapaglagay ng skin care sa mukha. Agad agad din akong nagbihis. Im just wearing a simple white Polo shirt and khaki trouser pants, matched with white sneakers, I just spray two shots of my perfume on my neck, and one at the back. Im good to go.
Palabas na ako ng kwarto ng maalala kong dala ko pala iyong DSLR camera ko na halos makalimutan ko na. Dali dali naman akong bumalik para kunin ito, after grabbing all my cameras' accessories, tuluyan na akong lumabas ng kwarto.
"Gara naman ni Onyx!" Pang aalaska sa akin ni Gelo pagbungad ko sa sala. "Ikaw ata tong ikakasal eh!" Natatawa parin nitong biro sa akin.
"Loko ka!" Natatawa ko ring sagot.
"Nice naman. May dala ka palang camera? Edi ikaw photographer namin mamaya?" Tanong nito sa akin. More like utos.
"Sure why not, actually isa to sa hilig ko. You know, photography and music." Sagot ko sa kanya habang kinakalkal ang gallery ng aking camera. Memories.
BINABASA MO ANG
Glad That You Exist
RandomDreaming is part of sleeping, but how about meeting the guy on your dream. The guy who promise you a one of a kind love story. How can this dream turn Onyx into a person that he didn't expected. Will the guy of his dream accept all his flaws and fea...