CHAPTER XIV ⚜ Missing in Action

7 2 1
                                    

Onyx POV

MATAPOS maganap ang Annual Welcome Party ng SFIS, balik normal ulit sa klase ang school. Its been a week ng maganap yon, however, hindi ko makalimutan ang mga nangyare sa party. It still gives me goosebumps. Hindi ito starter pack ha! Di ako natatae.

Hindi ko magawang kalimutan iyon lalo na at nakita ko ulit siya, at dito pa mismo sa SFIS. Coincidence ba na dito rin siya nag aaral o sinusundan niya ako? Medyo assuming iyong huli pero baka lang naman.

Mas lalo namang lumala ang pagiging lutang ko during our classes. Im not like this when I was in the house, dito lang sa school. Seryoso yon. Medyo paranoid din ako dahil parang laging may mga matang nakatingin sa akin, nagmamatyag sa mga galaw ko. Hindi matang lawin ha. Basta ganon. Nasesense ko yon. I dont know if it has something to do with my cousin and Kaito, previously in the party when they escorted me. Pahamak ang mga itlog na yon.

"Uyy!" Paggulat na tawag sa akin ni Nanay Loida, dala ang meryendang ginawa nito sa akin. Clubhouse sandwich at lemonade. Mukha na akong patabain dito eh.

"Ayy! Tatlong itlog!!" Gulat kong tugon. "Ano ba naman Nay, nang aano ka dyan eh!" Makagulat naman ayun tuloy itlog.

"Anong itlog? Ikaw bata ka tapatin mo nga ako. Nagdadrugs ka ba?" Seryoso nitong tanong sa akin habang nakapameywang. Tinuro turo pa ako.

"Nakooo! Kapag nalaman ko talaga! Nako! Nako! Nako! Kukurutin kita ng nail cutter sinasabi ko sayo!" Nanggigigil nitong usal sa akin.

"Napakajudger mo naman Nay." Kunot noo kong tugon. Drugs agad? Di nga ako marunong magyosi.

"Eh ano iyong itlog na sinasabi mo? Ikaw ha! Susumbong kita sa Lolo mo!" Pagbabanta nito sa akin.

"Ganito kasi yon Nay." Kinuwento ko naman sa kanya yung nangyare sa party habang kasama ko sila Lapis, Lazuli at Kaito. Maliban syempre dun sa isa syempre. Awkward yon.

"Eh ganon talaga yon, di mo maiiwasan yan. Nasa dugo niyo ang pagiging agaw pansin." Kibit balikat na sagot sa akin ni Nanay. Ganon ba yon? Di naman ata?

"Basta maging totoo ka lang, hindi lang sa sarili mo kung hindi sa lahat ng tao sa paligid mo." Pagpapaalala nito sa akin sa mga payo nitong pangmalakasan.

"Opo Nay." Ngiting sagot ko sa kanya.

"Oh siya maiwan na kita dyan! At may aasikasuhin pa ako sa kusina." Pagpapaalam nito sa akin bago tuluyang pumasok ng mansyon. Bakit parang ang tahimik?

"Nasaan kaya ang Biik at ang mga alaga nito?" Nagtataka kong tanong habang lumilingon lingon sa paligid. Wala ata ang batang patabain.

"NANDITO ka lang pala, bakit di ka pa pumasok sa loob?" Pangbungad na tanong ni Kuya sa akin habang nandito ako sa Pavillion, tambayan namin dito sa mansyon.

"Nah, I just dont feel to sleep yet. Kaya dito muna ako." Ani ko sa kanya.

Inabutan naman ako nito ng beer in can na dala niya bago tumabi sa akin sa pag-upo.

"Why? Is something bothering you?" Tanong nito bago sumimsin sa beer in can na hawak niya. Inuman kaso walang pulutan?

"Kinda, yes? Pero wala to." Ngiti kong tugon. I know that he is just concern about me, they all do. Pero hindi ko lang talaga gawain na mag open up sa ibang tao. Well, sometimes kapag pagkain ang usapan. Kidding.

Tinitigan naman ako nito, he look so concern about me yet I'm turning them down.

"You know that we are always be here for you right?" Nag aalala nitong sabi sa akin. Whats with the voice?

"Hey, look Kuya. Im fine, okay? No need to worry about me. Wala lang to." Pagsisiguro ko sa kanya. "I'll let you know naman kung may problema ako diba? I'll just try to fix it this time. Okay?"

Glad That You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon