CHAPTER V ⚜ Sign

9 2 2
                                    

Onyx POV

Sa mga bawat araw na lumipas mula ng pumunta kami dito sa probinsya nila Nanay Loida, kung saan saan din ako nakagala at nakapunta, kung ano-ano rin ang aking nasubukang gawin. Nariyan yung sinubukan kong sumakay sa kalabaw, medyo awkward pero worth it naman, tapos nasubukan ko ring kumuha ng ararawan o farm cricket habang may nagkukuliglig sa lupa ng bukid, umakyat sa mga punong kahoy, mamingwit ng isda at kumuha ulit ng clamshell.

Lahat ng mga ito ay nasubukan ko sa halos isang linggo ko palang na pamamalagi dito sa probinsya. Halos hapon na nga kami lagi na umuuwi nila Kuya Tope at Gelo. Palagi naman akong pinapaalalahanan ni Nanay Loida na huwag masyadong magpagod dahil baka atakehin nanaman daw ako ng hika.

Araw araw din kung tawagan ako nila kuya at ate para kamustahin. I always ended up telling them what happend to me everyday, inggit na inggit nga si Talc dahil gusto din daw niya makasakay sa kalabaw. Cute.

Pagkababa ko mula sa kwarto ko, naabutan ko sa kusina sila Nanay Loida na may kung anong nililista. Noisy list?

"Nandito na ba lahat ng kailangan na bilhin Badong?" Walang lingon na tanong ni Nanay kay Uncle Badong na naghahasa ng itak nito.

"Oo Nang (Ate), yan na lahat ng rekado na kailangan para bukas. Kung may kulang man, kayo na bahala mamaya na mamalengke." Sagot nito habang patuloy parin sa paghasa.

"Saan po punta niyo Nay?," bungad kong tanong sa kanila. "Bakit may handaan po bang magaganap?" Habol kong tanong sa kanila.

"Bukas na kasi yung mass wedding,diba nga ang Kuya Tope mo ee magpapakasal don. Kaya kailangan din nating maghanda ng salo salo kahit papaano." Sagot nito sa akin.

"Tsaka pupunta dito bukas mga magulang ni Roselle, Nyx," sabat ni Kuya Tope na kapapasok lang ng kusina.

Nakilala ko rin ang mapapangasawa ni Kuya Tope na si Ate Roselle. Matagal na pala silang magsyota, simula pa nung highschool silang dalawa. Kaya di na rin siguro binitawan ni Kuya Tope.

"Wala kasing gaanong spasyo sa bakuran namin Onyx. Kaya kako kay Tope,dito nalang sa kanila ganapin yung reception. Tutal tayo tayo lang din naman at tsaka yung mga kamag anak ko." Sabat ni Ate Roselle na buhat buhat si Andoy na bagong ligo lang. Cute cute na biik.

"Eh may maitutulong po ba ako?" Pagbubuluntayo kong tanong.

"Gusto mo bang sumama sa amin mamalengke nila Gelo? Tutal nakaligo ka naman na." Sagot ni Kuya Tope.

"Aba oo naman. Gamitin nalang natin yung van, baka marami kayong bibilhin." Usal ko pabalik.

"Sige sige. Tara na para di tayo abutin ng tanghali, sakto pagkauwi natin mamaya ay tanghalian na," nagmamadaling sabi ni Nanay Loida. "Oh Badong ikaw na bahala dito ha, magluto ka nalang ng tinola para sa ulam natin." Bilin pa nito kay Uncle bago naunang lumabas ng bahay.

Sa passenger seat nalang ako pumwesto habang sila Nanay Loida, Gelo, Ate Roselle at Buknoy ay nasa likurang bahagi. As usual si Kuya Tope ang driver namin.

Nang papalabas na kami ng bakuran nila Nanay Loida, hindi ko maiwasang magtanong.

"Malayo ba bayan mula dito Kuya Tope?" Tanong ko sa katabi ko na busy sa pagmamaniobra ng sasakyan palabas ng kalsada.

"Hindi naman gaano, mga 20minutes lang nandoon na tayo," walang lingon nitong sagot. "Hindi mo ba nakita? Nadaanan natin yun nung pauwi tayo dito." Takang tanong nito.

"Eh pano niya makikita diba tulog yan buong biyahe." Natatawang sabat ni Nanay Loida, na siyang ikinatawa din ng iba.

"Pwede magsorry Nay?" Tawang tawa ko ding sagot.

Glad That You ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon