CHAPTER 18
Sheryl's POV
Hindi na muna ako dumiretso sa aking kwarto. Naglalakad ako ngayon patungo sa room ni ate Ash. Gusto kong ibigay sa kaniya itong isang bar ng Chocolate tsaka may favor rin ako sa kaniya.
Bago ako pumasok sa loob ng kwarto niya, binaba ko muna si wacky sa sahig. Hindi pa nakapasok si wacky sa loob ng kwarto ni ate kaya kailangan ko muna siyang iwan dito. Tinali ko muna yung tali niya sa may upuan, saka humarap sa pintuan ng kwarto ni ate.
"*knock *knock, Ate Ash?" Katok ko.
Huminto ako sa pagkatok ng marinig ko ang yabag ng mga paa niya papalapit sa gawi ng pinto. Marahan niya itong binuksan.
"Good evening ate!" I smile and give the chocolate to her.
"Good evening. Para sakin ito?" Patukoy niya sa chocolate na hawak niya.
I nodded. "Opo ate. Ahmm can we talk?" Sambit ko ng may malapad na ngiti sa mga labi.
"Sure pasok ka." Iginaya niya ako papasok ng room niya.
Pumasok naman ako agad sa loob. Niligpit niya muna ang mga gamit niya na nakakalat kung saan saan. Napatingin ako sa sahig malapit sa cabinet niya. May nakita akong picture dun na mukang nahulog, wala itong frame. Akma na sana akong lalapit ng bigla akong tawagin ni ate.
"Sheryl," napalingon ako sa kaniya.
"Po?"
"Tara doon tayo sa veranda mag-usap." I nodded and walk.
May dalawang upuan at isang maliit na lamesa sa veranda ng kwarto ni ate. Naupo na si ate kaya umupo narin ako. Ngumiti siya sakin saka sumenyas na magsalita.
"Ate ahh--" takte nakalimutan ko linya ng sasabihin ko.
"May kailangan ka," diretso niyang sambit. Hindi mo masasabing tinatanong niya ito, sa halip parang alam na niya na may kailangan ako.
Marahan akong napatango. "Ah hehe opo ate." Tama...may kailangan ako.
"What is it Sheryl? Spill it." Hinihintay niya ang sasabihin ko.
Umayos muna ako ng upo. Hindi ako nahihiya kay ate, ang saakin lang ay baka busy siya. Ayaw ko pa naman istorbohin siya, napaka hectic pa naman ng schedules niya. Malamang graduating na siya eh.
"Acquaintance party po kasi namin sa friday at---" hindi niya ako pinatapos mag salita. Kaloka tong si ate.
"At hindi mo na naman alam kung paano mag ayos?" Pagdugtong niya sa dapat kong sabihin. Kaya "na naman" kasi since grade 7 siya na nag-aayos sakin. Potek kasi itong acquaintance nato eh!
I nodded. "Eh wala naman po akong alam sa mga ayos-ayos na yan ate."
Bumuntong-hininga siya saka tumayo mula sa kaniyang upuan. Naglakad siya patungo sa likod ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Fine. But sasamahan mo ako sa mall, we'll find a gown that will suits you." Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni ate. Akala ko hindi niya ako matutulungan. Tumayo ako agad saka humarap sa kaniya.
"Talaga po ate? I mean baka busy po kayo that time," ngumiti lang siya sakin saka bumalik sa kaniyang upuan.
"Ako na bahala. By the way anong theme ng party niyo?" Oo nga pala masquerade party yung theme namin.
"Masquerade party po ate," mabilis kong sagot.
"Nice." Napahinto siya na parang may naiisip saka ngumisi while nodding. "Sige aayusin ko nalang schedule ko."
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Teen FictionSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...
