A/N: ENJOY READING GUYS!
CHAPTER 13
Zachary's POV
"Chelsea, I need to go." May diin kong sabi. Wala akong magagawa, kung ano ang gusto ni Mommy, kailangan kong sundin.
Gusto ni Mommy na kami ni Chelsea ang magkaka tuluyan. Paano pag di ko siya mahal? Eh wala nga akong nararamdaman sa kaniya eh tsssk.
"10 min please." Paglalambing nito, and then she anchored her hand in my arm.
Nandito kami ngayon sa Coffee Shop ng ate niya. Papasok na sana ako kanina nang bigla akong tawagan ni Dad. Inutusan siya ni Mommy na tawagan ako, at sabihang puntahan ko raw si Chelsea sa Coffe Shop ng ate niya.
Hindi nga sana ako pupunta, kaso baka mag sumbong si Chelsea na hindi ko siya sinipot. Pag yun nangyari, malalagot ako kay Mommy at Daddy.
Kaya eto ako ngayon, nasa tabi niya. Nababagot na nga ako eh, puro nonsense lang naman ang pinagsasabi niya. Like I care?
"How many times do I have to tell you, late na ako." Iritado kong sabi.
Hindi ba siya nakakaintindi ng salitang late? Porket hindi pa siya na enroll.
Yes, magiging ka school mate ko na siya.
"But, I don't want you to leave."
I removed her hand that was anchored to my arm. Humarap ako sa kaniya.
"I'm sorry, pero kailangan ko ng umalis."
Tumayo na ako sa tabi niya. Dinig ko pang tinawag niya ako, pero hindi ko na siya pinansin pa.
Lumabas na ako ng Coffe Shop, at nagmamadaling naglakad patungo sa parking lot. Pagkadating ko ay dumiretso na ako sa aking sasakyan, at agad pumasok.
Eni-start ko na ang engine at nagsimulang mag drive. Fvck ma la-late ako nito. Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang oras. And yeah I'm 5 mins late.
Pagka dating ko sa school ay pinark ko ka agad ang kotse ko sa parking lot. Kinuha ko na ang bag ko sa back seat bago bumaba. Mabilis akong naglakad patungo sa room namin.
Nasa harap na ako ngayon ng room namin, nakatayo na sa harap ang professor namin na si sir Smith. Lumapit ako sa pinto.
"Good morning sir." Nakayuko kong sabi, para effective.
"Anong good sa morning, Mr. Sewwer? You are 10 min late!"
"I'm sorry sir."
"Come in."
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras, agad akong pumasok. Napatingin ako kay Sheryl na ngayon ay nakatingin na rin sakin, tipid akong ngumiti. Umupo na ako ka agad sa aking upuan.
Kukunin ko na sana ang gamit ko kaso biglang nahulog ang ballpen ni Sheryl. Yumuko ako para kunin ito. Pagkayuko ko ay yumuko din siya. Napatingin siya sakin, nanlaki ang kaniyang mga mata.
Umayos na ako ng upo bago iabot sa kaniya ang ballpen niya.
"S-salamat."
"Small thing."
Inabot na niya ito at umayos ng upo. Kinuha ko na ang gamit ko, at umayos na rin ng upo.
"ANNOUNCEMENT! Makinig kayong lahat." Sambit ni sir mula sa harap.
"May panibago kayong kaklase. Anak siya ng may ari nitong Blight School." Pagpapatuloy ni sir.
"Sir, babae po ba?" Tanong ng isa kong kaklase, at nag sunod-sunod na ang mga tanong.
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Teen FictionSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...
