CHAPTER 11
Sheryl's POV
Literal na nalaglag ang aking panga sa mga aking nalaman. Until now I can't believe. Hindi ko alam kong maniniwala ba ako o hindi sa mga sinabi ni Charlotte sakin.
Nandito parin kaming dalawa ngayon sa likod ng aming room. Nang marinig ko ang sinabi sakin ni Charlotte parang bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero parang iba ito.
"Shanne, Cha." tawag ng kong sino mula sa aming likod.
Lumingon kami ni Charlotte sa kung sino mang tumawag samin.Nakita namin si Eunice at Jp na nakatingin samin,bakas sa kanilang muka ang pag alala
"Anong ginagawa niyo dyan?.Kanina pa namin kayo hinahanap." kunot-noong tanong ni Eunice.
Marahan akong tumingin kay Charlotte,ganun din ang ginawa niya.Kita ko ang paglunok niya at muling ibinalik ang tingin sa harap.
"A-ah may ano...."utal nitong sabi at tumingin sakin na parang nanghihingi ng tulong.
"M-may nakita kasi kaming babae dito kanina.Kaya nilapitan namin...p-pero biglang nawala," pagsisinungaling ko.
Nanlaki ang mga mata ni Eunice. Alam kong takot siya sa multo. Bigla siyang namutla. Fuck ba't ba kasi yun pa ang naisip kong e rason.
"Wag mong sabihing multo yun bakla?" tanong ni Jp.
Nilakihan ko siya ng mata senyales na manahimik siya. Marahan itong tumingin kay Eunice.
"Ahmm tara na baka maabutan tayo ng professor natin," pag-iiba ko sa usapan at naglakad palapit kay Eunice."wag mo ng isipin yun." mahina kong bulong sa kaniya.
Marahan itong tumango. Hinawakan ko ang kamay niya, sheyt ang lamig ng kamay niya. Kasalanan mo to shanne huhuhu. Nagkatinginan muna kami ni Charlotte bago nagsimulang maglakad pabalik sa aming room.
Hawak ko parin ngayon ang kamay ni Eunice. Salamat at hindi na ito kasing lamig ng kanina. Nang makapasok na kami ay binitawan ko na ang kamay niya.
Tumingin muna ako sa kaniya at marahang ngumiti bago nagsimulang maglakad patungo sa aking upuan. Alam kong hindi parin comfortable si Eunice base sa reaction na nakikita ko ngayon sa kaniya.Sheryl naman kasi eh,kahit ano ang lumalabas sa bibig tsss.
Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang next naming professor.Hayst buti nalang at hindi kami na abutan ni Ms.Arda.Naglakad ito deritso papunta sa kaniyang lamesa at saka binaba ang mga gamit na dala.
"Good morning class"she greeted us.
"Good morning ma'am"bati namin habang nakaupo.Hindi na uso ang tumayo.
"Ahmm today I'll group you by 4,"panimula ni Ms.Arda. "You'll make a research paper to be past on Wednesday, is that clear?"
Oh god, research paper is waving. Research paper na agad agad jusmee. Buti nalang by 4. Mas mabuti na yun noh kaysa sa dalawa lang.
"First 4 are Sabroso, Tolentino,Villaflor and Valle."
"Next 4 are Luna,Soriano,Alfonso,and Villamor."
Masaya na sana ako dahil magkasama kami ni Charlotte sa isang grupo kaso nawala ang saya ko nang malamang pati si Cydrick at Kokey ka group namin.Pakeneng sheyt,gusto ko sanang tumayo at mag protesta kaso alam kong wala na akong magagawa.
Kaya ang ending nanahimik nalang ako sa aking upuan.Marahan akong bumuntong-hininga at dahan dahang tumingin sa aking tabi kung saan naka upo ang master ng mga kokey.
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Novela JuvenilSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...
