CHAPTER 17
Sheryl's POV
Dumating na rin ang teacher namin sa English, kaloka bakit ang tagal. Nangangatal na ang mga paa ko na umalis, potek kasi tung Kokey na to. Hindi ko na tinugunan pa ang message niya. Umayos na ako ng upo para makinig.
Discuss
Discuss
Dismissed
Pagka dismissed namin sa English, hindi na ako lumabas pa ng room namin. Baka maya maya ay dadating na rin si sir Smeng, siya ang next teacher namin ngayon. Mas gusto ko ng lumabas at mag lunch shemsss.
Biglang bumukas ang pinto ng room, iniluwa nito si sir Smeng. Naglakad ito patungo sa lamesa niya, saka nilapag ang mga gamit nito. Naglakad ito patungo sa gitna at umayos ng tayo.
"Good morning class." He greet us.
"Good morning sir," bati rin namin.
"How's your weekend?" Himala nag tanong.
"Ok naman po sir," sabay naming sabi.
"That's good, it seems that you all are having a good day." Napaikot nalang ako sa aking mata.
"Anyway let's start our discussion."
Kaloka todo English eh Filipino naman ang major subject. Umayos na ako ng upo, saka nakinig.
Discuss
Discuss
Dismissed
**************
"ANO?" Sigaw ni Eunice. "Ikaw ang may kagagawan kung bakit may black eye si Charles?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo nga! Tsaka hindi ko naman sinasadya yun noh!" Hindi ko rin yun kasalanan psh.
"Eh bakla bakit mo ba siya sinuntok?" Isa pa to taena kanina pa sila.
"Kasalanan niya rin naman yun. Kung hindi lang sana siya lumapit at cornerin ako, edi sana hindi itim yung kabilang parte ng mata niya." Pangangatwiran ko.
"Tama lang din naman yung ginawa ni Anne." Singit ni Charlotte.
"Alin ang tama dun? Yung manuntok?" Nakangiwing tanong ni Jp.
"Basta kung ako yung nasa sitwasyon ni Anne, hindi lang suntok ang aabutin nung Charles na yun."
Napasapo nalang ako sa aking noo, king ina mag-aaway pa talaga sila? Naglalakad kami ngayon patungo sa cafeteria, lunch time na kaya puno ng zombie este estudyante ang cafeteria ngayon. Galing kami kanina sa locker para ilagay dun yung mga gamit namin na hindi na gagamitin sa next subject.
Hanggang sa makarating kami sa Cafeteria. Pumila na muna kami, medyo mahaba pa ang pila. Ako yung nauna sa kanilang tatlo, napasinghap ako dahil sa amoy ng kaharap ko. Why naman ang bango niya, grabe nakaka adik shems.
Napatingala ako sa kaniya, syempre kasi matangkad siya. Kahit nakatalikod ito sakin, feel ko pogi siya hahaha. Lumapit ako ulit ng kaunti para singhotin muli ang pabango niya.
Nanlaki ang mata ko nang biglang may tumulak sakin, kaya ang resulta nasubsob ako sa likod ng lalaking nasa harap ko. Pagkatapos kong masubsob sa likuran niya, agad akong umayos ng tayo.
Napalunok ako nang unti-unti itong lumingon sakin. Mas lalaong nanlaki ang aking mga mata nang malaman kung sino siya. WAAAAH lupa lamunin ako ngayon na!
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Подростковая литератураSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...
