Chapter 15

7 2 0
                                        


CHAPTER 15

Sheryl's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng village namin. Naka black jumpsuit at saka Fila na shoes lang ako. Kung nagtatanong kayo, bakit jumpsuit na naman suot ko, opkors marami akong ganito. Iba iba ang kulay.

Kadalasan ang mga damit kong panglakad ay mga oversized t-shirt, leggings, pants, at saka jumpsuits. Kung sa bahay naman, pajama or shorts, at saka oversized t-shirt narin.

Nabaling ang tingin ko sa taxi na papalapit. Huminto ito sa harap ko, nakita ko ka-agad si Charlotte sa loob. Pinagbuksan niya ako ng pintuan mula sa loob.

"Anne halika na." Naglakad na ako papasok, at saka padabog na umupo.

"Bakit hindi mo ako ni rereplyan huh aber?" Bumaling ako sa kaniya.

Nakataas ang isang kilay nito, habang nakatutok parin sakin. Seriously? Arghh kairita, sana inisip niya man lang na it's Sunday geez.

"Baka nag simba kami," I rolled my eyes, saka itinuon ulit ang tingin sa harap.

Marahan akong tumingin sa rare mirror ng taxi. Nakita kong naka kunot ang kaniyang noo.

"Oii ok ka lang Anne? Baka kulang ka sa tulog?" Anak ng....

Tumingin ako sa kaniya, nakatingin parin ito sakin habang hinihintay ang aking sasabihin.

"Sa tingin mo, sinong tao ang magiging okay kapag nabitin ito sa pag kain?" Pagtataray ko sa kaniya.

Well minsan lang ako magtaray noh, bait bata kasi ako. Napangiwi siya sa sinabi ko, at saka napasapo sa kaniyang noo.

"Kulang sa pagkain pala. Jusmee kala ko kulang sa tulog." Inis ko siyang tiningnan.

Abay! Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan. Nako pow ako'y napipikon na. Baka mawala lang yung inis ko kapag e t-treat niya ako sa labas.

"Oh? Anong meron sa mukha mong yan?"

"Gutom ako, okay?" Mahinahon kong sabi.

"Pshh yun lang ba? Pwes don't worry, I'll treat you later." She said while winking.

Mabuti nalang madali itong kausap. Hindi rin nag tagal, huminto na ang taxi senyales na nandito na kami. Napairap ako nang makita ang village nila.

Yes, sa bahay na naman kami ni kokey.

Si Charlotte na ang nagbayad kay Manong driver. Lumabas na kami ng taxi.

"Feel ko mayaman lahat ng nakatira sa village nato."

Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya yun. Nakatuon lang sa harap ang tingin nito. May point siya, lahat kasi ng bahay dito malalaki.

"Edi sila na mayaman." Halos pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka?"

Nag maang-maangan akong umiling. Nag kibit-balikat lang siya, saka naunang maglakad. Huminto siya at saka lumingon sakin nang mapagtantong hindi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan.

"Oh? Bakit nakatayo ka pa diyan?" Kunot-noo nitong sabi.

Alam niya bahay nila Kokey? Paano niya nalaman? Nagka text mate rin kaya sila? Nag chat sa Fb? Pinilig ko ang ulo ko sa aking isipan.

"Cha, a-alam mo na kung saan ang bahay nila?"

"Hindi. Hahaha ano ka ba, ezzz lang yun best." Napamaang ako sa sinabi niya, may word ba na "ezzz?" Kaloka hindi ko siya gets.

Endless Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon