CHAPTER 8
Sheryl's POV
Nagising ako dahil sa init ng sinag ng araw sa aking muka.Marahan kong dinilat ang aking mga mata.Kahit tinatamad ay bumangon parin ako.Nag inat-inat muna ako habang kinukusot ang mga mata.Tumayo na ako sa aking kama,tumingin ako sa gawi ni wacky na ngayun ay mahimbing paring natutulog,marahan akong napangiti nung gumalaw ang buntot nito.
Tumingin ako sa gawi ng veranda ng kwarto ko,nangunot ang aking noo nung may nahagip akong maliit na papel,nakalukot ito.Dahil sa aking kuryosidad ay nag lakad ako patungo dito.Marahan akong yumuko at kinuha ito.Wala akong na alala na nag kalat ako ng papel kahapon.Sino naman ang nagtapon nito dito? Itatapon ko na sana ito sa basurahan pero may parte sa akin na nagsasabing buksan ito.
Marahan ko itong binuksan.Mas lalong nangunot ang noo ko nung mapagtantong may sulat nga ito.Ano to? Love letter lang ganun? Tsss wala naman sigurong magtatangkang mamigay sakin ng love letter noh! At dahil na cu-curios na ako ay binasa ko ito.
Hoy chanak,magpagaling ka e pre-present pa natin ang tula bukas.
Anak ng....sana tinapon ko nalang talaga ito tsss.Tumingin ako sa labas baka nandun pa siya at ibabato ko talaga to sa kaniya,pero wala akong nakitang ni anino man lang niya.Pag nakita ko talaga yun makakatikim talaga siya sakin.Naglakad ako palapit sa basurahan at tinapon ito.
Naglakad na ako patungong banyo para maligo.Magsisimba kami ngayun nina Mama,Papa,Kuya at Ate.Kada linggo kasi kami magsisimba pamilya.
Ate
Napabuntong-hininga nalang ako,siguro hahayaan ko nalang siyang makipag usap sakin.Hindi ko alam kung napatawad ko na ba siya,hindi nga ako makapaniwala na nagawa niya akong sampalin.Hanggang sa matapos na akong maligo at nagbihis na ako ng damit para mag simba.
"Anak!!Sheryl nag handa ka na ba?"sigaw ni Mama mula sa pinto ng aking kwarto.
"Opo Mama"sagot ko sa tanong niya.
"Sige,bumaba ka na at kakain na tayo"sabi niya.
"Sige po Mama,susunod po ako"sagot ko sa kaniya.
Nakabihis na ako,naka plain pink dress lang ako at naka doll shoes.Kinuha ko na ang pouch ko at nagmadaling lumabas ng aking kwarto.Bumaba na ako ng hagdanan at naglakad patungong dining area.Nakita ko na silang lahat dun na nakaupo sa kani-kanilang upuan.Napahinto ako nang mapagtanto ko na sa gitna ni ate at kuya pala ako nakaupo.Kaya ko na ba talaga silang pakisamahan? Tumingin sila sa gawi ko.
"Oh anak halika na at kumain"nakangiting sabi ni Mama.
Napabuntong hininga nalang ako bago tumango.Naglakad na ako palapit sa aking upuan at diretson umupo."Good morning po"sabi ko sa kanilang lahat.
"Good morning"sabay nilang sabi.
Nag umpisa na kaming kumain,hindi rin nag tagal ay natapos rin kami.
"Let's go,baka mag uumpisa na ang simba"pag aya ni Mama.
Naglakad na kami patungo sa aming sasakyan at pumasok sa loob.Si mama ang nasa front seat katabi ni Papa.Ako si Ate at Kuya nasa likod,as usual ako pa rin ang nasa gitna nila.Nag simula ng mag drive si Papa.Tahimik lang kaming tatlo habang si Mama at Papa ay busy na nag uusap tungkol siguro sa business namin,syempre wala akong naintindihan.Kaming tatlo naman ay walang imikan dito sa likod.Grabe ang awkward.
"Sheryl"basag ni kuya sa katahimikan,tumingin ako sa kaniya.Nakatingin lang siya sakin ng diretso.
"Mmm"maikli kong sagot.
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Teen FictionSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...
