Chapter 12

31 13 5
                                        


CHAPTER 12

A/N: Pasensya na sa mabagal na pag ud. Hope you all understand.

Shout out!

Erica June Buralo
Lea Dalumpines
Mevelyn Vidas
Maria Victoria Hermias
Charo Balmores

Sheryl's POV

Tapos na akong maligo at nakabihis na ako ngayon ng P.E uniform. Yes it's Friday kaya P.E namin ngayon. Ugh kairita zumba na naman.

Naglakad na ako pababa ng hagdan at dumiretso sa dining area. Nadatnan ko si Mama at Manang Lea na naghahanda na ng almusal sa lamesa.

"Good morning Mama." at humalik sa pisngi nito.

"Good morning anak." Nakangiti nitong sabi. Lumapit ako kay manang para bumati.

"Good morning manang." Nagmano ako sa kaniya.

Marahan itong ngumiti. "Good morning ija."

Natuon ang paningin ko sa mga ulam na nakahain sa lamesa. Tumunog bigla ang tyan ko senyales na magiging buwaya na ako, charr joke lang. Gutom na talaga ako.

"Umupo ka na anak at kumain." pag aya sakin ni Mama.

Tumango lang ako at umupo sa aking upuan. Teka ba't wala pa yung dalawa? Hindi ko na ito inisip pa at nagsimulang kumain.

Hindi pa ako nangagalahati ay nakita kong pababa na ng hagdan si kuya at ate Ash. Natuon ang paningin ko kay ate Ash. Hindi na ito nag kulong ng kwarto niya simula nang ma realized niya na hindi solusyon ang pagkukulong sa kwarto.

"Good morning." Sabay nilang bati sakin.Umalis kasi si Manang at Mama siguro may ginagawa pa.

Umupo na silang dalawa sa tabi ko. Alam niyo naman siguro kung ano sitting arrangement naming tatlo.Pag hindi mo alam isa lang ibig sabihin nun, hindi mo inintindi ang pagbabasa ng story ni author hahaha. Pero para sa inyo uulitin ko, sa left side ko si kuya tapos si ate sa right side. Getsness guys?

Nagpatuloy na ako sa pag kain hanggang sa mag salita si kuya na nasa tabi ko.

"Gutom ka?" Mahinang tanong nito sakin.

Marahan akong tumingin sa kaniya. "hmm medyo lang. Bakit?" takang tanong ko habang nakatingin parin sa kanya.

"Sa lagay mong yan? Medyo lang?" Nakangiwing tanong niya sakin,  habang ang paningin ay nasa pinggan na kinakainan ko.

Marahan akong tumingin sa pinggan na nasa harap ko. Apat na hatdog, tatlong itlog, tatlong bacon lang naman ang ulam ko. Kunti lang naman ulam ko ah! Kulang pa nga yan tsss.

Tumingin ako ulit sa kaniya at ngumuso. "eh sa gutom ako eh."

"Tsss just eat guys." singit ni ate samin.

Inirapan ko muna si kuya bago nagpatuloy ulit sa pag kain. Hindi naman ako matakaw eh, slight lang tss.

"Anak bilisan mong kumain dyan. Naghihintay na sa labas si Mang Jobert." sambit ni Mama na kakapasok lang. Kala ko pa naman si Prince Charming susundo sakin. Ay oo nga pala wala ako nun.

"Sige po Mama. Tapusin ko lang tong hotdog." Kinuha ko na ang natirang hotdog bago tumayo.

"Takaw." mahinang sabi ni kuya na dinig na dinig ko naman tss. Takaw agad? D pwedeng gutom lang?

"Lang jowa." ganti ko sa kaniya. Mahina lang ang pagkakasabi ko,  yung siya lang ang makakarinig. Tiningnan niya ako ng masama.

Waaahhh! Lagot. Takbo!

Endless Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon