CHAPTER 19
Sheryl's POV
"A-ahm hi Sheryl, ayos lang ba sa inyo kung makiki share muna ako ng table?" Sambit niya habang may ngiti sa labi.
Humanga ako sa kaniya dahil until now hindi niya parin nakalimutan ang pangalan ko. Agad akong tumayo saka humarap sa kaniya.
"Oo naman. Halika, dito ka na umupo sa tabi ko," pag-aya ko sa kaniya.
Ngumiti siya samin saka niya nilapag ang tray na order niya. Umupo siya sa tabi ko saka umayos ng upo. Humarap siya kay Cha na nasa harap lang namin.
"Ahmm hi, ako nga pala si Scarlette Madison," sambit niya sabay lahad ng kaniyang kamay kay Cha.
Ngumiti si Cha bago niya tanggapin ang kamay ni Scarlette. "Hi I'm Charlotte Alfonso, Cha for short," nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila.
"Nice to meet you Cha," ani ni Scarlette.
"Nice to meet you too Scarlette," saka sila nag shake hands.
Eksakto namang dumating na sila Eunice at Jp kaya umayos na kami ng upo. Pinakilala ko muna si Scarlette sa kanila saka kami nagsimulang kumain.
Mabuti nalang at hindi mahiyain si Scarlette. Nagawa niyang makisabay sa mga pinag-uusapan namin. Hindi rin siya boring kausap kasi nakiki jamming siya sa amin.
Nag kwento pa siya samin kung bakit wala siyang masyadong kaibigan dito sa school. May nakilala siyang kaibigan pero sa huli pinepeke lang pala siya, kaya nahihirapan na siyang magtiwala pa.
"Paano kayo nagkakilala ni Shanne?" Tanong ni Jp.
Nasa gitna parin kami ng pagkakain. Malapit na rin kaming matapos.
"Aksidenteng nabangga namin ang isa't-isa." Mahina siyang natawa.
Oo ang weird nga eh, nang dahil lang dun kaya kami nagkakakilala. Pero I'm thankful kasi nagkita kami ulit. Well ang totoo transferre siya. Batch mate lang namin siya.
Napatango-tango sila sa sagot ni Scarlette. Marami pa kaming pinag-usapan bago kami tumayo para bumalik ng room. Nagpaalam narin ka-agad si Scarlette samin.
Nagtungo muna kami sa kanya-kanya naming locker. Nasa gitna kami ng paglalakad ng maisip ko yung jacket ni Zack. Waaaaah oweemjii naiwan ko nga pala sa lamesa sa bahay! Anong sasabihin ko sa kaniya mamaya na naiwan ko? Napaka makalimutin mo Sheryl. Dapat kong balikan iyon, hikhok kahiya ka Sheryl.
"Oweemji guys kailangan kong bumalik sa bahay! Niwan ko yung jacket ni Zack." Sambit ko habang napatakip ang kamay sa bibig.
"Huh? Wag na. Pwede pa naman bukas ah," Eunice said.
"Hindi pwede, diba sabi ko sa kaniya na today ko isasauli," namomoblema kong sabi.
"Wooy bakla pwede ka namang hindi umuwi. Ipakuha mo nalang kay Manong Jobert," suhestion ni Jp. Shemms oo nga no.
"Tama. Mauna na kayo, susunod nalang ako." Tumango lang sila.
Mabilis akong naglakad patungo sa gate. Habang naglalakad kinuha ko ang phone ko para tawagan si Mang Jobert. Nakailang ring lang ito bago niya sagutin. Agad kong sinabi sa kaniya ang nais ko. Mabuti nalang at walang ginagawa si Mang Jobert.
Binalik ko na ang phone ko sa bag ko. Naglalakad parin ako ngayon palabas ng campus. Jusmee ang init pa naman. Lakad takbo na ang ginawa ko, aba baka ma late ako mamaya no.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko sila Juliana kasama ang mga alipores niya na parang nilagyan ng floorwax ang mga mukha psh. Agad akong nagtago sa maliit na kahoy. Aba ayaw kong mapaaway ngayon nagmamadali ang lola niyo.
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Teen FictionSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...