CHAPTER 4Charles Keith's POV
Nakita kong papasok si Chanak sa room namin, nag lakad siya papunta sa mga kaibigan niya, why does she look pale? Parang may problema siguro? Gusto kong marinig ang pinag uusapan nila kaya ang ginawa ko ay lumapit ako kay Cydrick at nakipag kamustahan, buti nalang may ginagawa siya, kunwareng tinitingnan ko yun pero ang pandinig ko ay nasa pinag uusapan nilang magkakaibigan.
" Uhm guys, gusto niyo bang sumama sakin mamaya? Dadalaw kasi ako kay Charlotte mamaya-" hindi man lang pinatapos? Ano kayang nangyari sa kaibigan nila?
" Oo sasama ako Shannne." putol ni Eunice sa sinabi ni Chanak.
" Ako rin Shanne, sasama ako."
Halata sa boses nila na malungkot sila sa nangyari sa kaibigan nila. Ano kayang nangyari? Nilagnat?
" Sige." yun lang ang sabi ni Chanak at bumalik sa kaniyang upuan.
Lumapit ako sa tenga ni Cydrick at bumulong.
" Dre, alam mo ba kung anong nangyari kay Charlotte? " mahina kong bulong.
" Taena dre nakikiliti ako nun ah!! " sigaw niya habang tumatawa kaya binatukan ko siya kaagad, kahiya siya napatingin pa tuloy lahat ng kaklase namin samin.
" Ansakit naman." habang hawak hawak ang ulo.
" Wag ka ngang sumigaw,nakakahiya ka."
" E pucha, paano may nalalaman ka pang pabulong bulong dre eh, pwede namang mag salita ng maayos! HAHAHA." tawa parin siya ng tawa. Sinamaan ko siya ka agad ng tingin kaya agad siyang tumahimik. " ano nga yung tanong mo? " buti nag seryoso na rin siya.
"Anong nangyari sa kaibigan nila? " mahina kong sabi habang nginuso ang katabi niyang si Eunice.
" Ah! si Charlotte?? "mahina din niyang tanong. Tumango lang ako."na aksidente kahapon dre, yun ang narinig ko." aksidente? napatango nalang ako, eksaktong dumating na rin si Sir Smith kaya bumalik na ako sa aking upuan.
" Sige dre, balik na ako sa upuan ko." naguguluhan man ay tumango nalang siya.
Ni remind lang ni sir samin ang tulang e pre-present namin next week at umalis din ka agad, nakita kong tumayo si Chanak sa tabi ko at diretsong naglakad palabas ng room, saan kaya siya pupunta? Di man lang nag paalam sa mga kaibigan niya, kalahating oras na simula nung umalis siya, hindi ako mapalagay, what's wrong with me? Nakita kong mukhang uulan kaya naisip ko ka agad si Chanak baka maulanan siya, wait what?bakit ko siya iniisip? Lunch time na pero yung iba hindi na lumabas baka kasi maabutan sila ng ulan,namalayan ko nalang na naglakad na ako palit kay Eunice, kita ko sa mukha nila na hindi sila mapalagay.
" Hey Eunice, do you have an umbrella? " umangat ang tingin niya sakin at tumango.
" Oo bakit? " mabilis niyang sagot.
" Can I borrow it? " tanong ko sa kaniya. Parang gusto niyang itanong kung saan ako pupunta."bibili lang ako ng lunch" payong lang nga. " don't worry ibabalik ko naman ka agad." inis na sabi ko.
" Nah! Kung ano man ang iniisip mo pwes mali ka, hindi ko ipagdadamot sayo ang payong ko." she gave me the umbrella and damn it's color PINK? "I just want to know if where are you going baka kasi makita mo si Shanne doon sa Cafeteria, at please kung makita mo man siya pwedeng e sabay mo nalang siya pabalik dito? wala kasi siyang payong at ahhh baka maabutan siya ng ulan." mahaba niyang pakiusap, actually hindi naman talaga ako bibili ng lunch, the truth is I want to find her,ewan ko ba kung bakit ko siya hahanapin.
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
JugendliteraturSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...