CHAPTER 2
Sheryl's POV
Maaga akong nagising ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi pa nga tumutunog ang alarm clock ko. 4:50am pa at 5:30am pa mag aalarm ang alarm clock ko tsss. Hindi na rin naman ako inaantok.Tumayo nalang ako at nag inat-inat.
"Good morning world," dumiretso na ako sa banyo para maghilamos.
Pagkatingin ko sa salamin naalala ko na naman kung paano ako tinitigan ni kokey, at kung paano ko tingnan ang kulay brown niyang mata, matangos na ilong at ang manipis at mapupula niyang labi. Napalunok nalang ako sa mga naiisip ko. Anong nangyayari sayo Sheryl?? Tandaan mo self ayaw mo sa mga mayayabang at never kang magkakagusto sa mga katulad niya. Lakas naman kasi ng tama nung kokey na yun.
Kokey
Taena naman oh! Paano ko siya haharapin niyan. Ikaw ba naman tawaging kokey magagalit ka talaga, hmmpp!! Bahala na nga tinawag nga rin niya akong chanak! Kwets na kami, galit din ako noh! Kasi naman tong bibig ko eh! Pahamak talaga kahit kailan tsss...
Papasok nalang ako na parang wala lang nangyari hehehe.
Kinuha ko na ang bag at phone ko. Tapos na akong mag bihis at kakain nalang ako bago pumasok. 6:00am na din, natagalan ako sa banyo dahil sa kaiisip tssss. ,,
Llumabas na ako ng kwarto ko at bumaba para kumain. Nakita ko si mama na nag luluto ng agahan. May mga maids naman kami pero gusto ni mama na siya ang magluluto ng agahan namin kasi para daw makabawi siya sa sobrang busy niya. Nakita ako ni mama na pababa kaya ngumiti siya ng matamis.
"Good morning bby, ang aga mo yata? Halika na at mag almusal," nakangiting aya sakin ni Mama.
"Good morning din Mama!" masigla kong bati at humalik sa pisngi niya. Asan na si Ate at Kuya? "Ahhmm Ma, where's ate and kuya?" ang aga ko yata, baka naliligo pa mga yun.
"I heard someone's looking for me?" nakangising sabi nito sabay taas kilay."Do you miss me li'l sister?" Himala ata ngayon si kuya jusmee ang seryoso minsan.
"Oo kuya, kaya sayo ako sasabay ngayon!" nakangisi ko ring sabi,ayaw lang naman niya na sasabay ako sa kanya, kasi malayo daw school namin sa school nila bwahaha.
"What? Nandyan naman si Mang Jobert ah!" angil niya.
"Pero miss kita kasabay kuya." Nakanguso kong sabi. "Aren't you miss me?" sabay sad face bwahaha mukang effective naman.
"Aisshh, Okay." he's pissed,bwahaha I miss this.
Umupo na siya para kumain. Tinapos ko na ka agad ang kinain ko, at nagpaalam kay Mama. As usual hindi mawawala ang mga paalala ni Mama sakin. Dali dali akong pumunta sa kotse niya. Gusto ko sa tabi ni kuya ako uupo, pero napahinto ako nang marinig ko ang boses ni ate sa garden. Parang may kausap siya sa phone, nakatalikod ito sa direksyon ko. Hindi ko naman intensyong marinig ang pinag uusapan nila pero medyo malakas ang boses ni ate na sakto lang para marinig ko.
"Why are you doing this to me?" parang iiyak na si ate base sa pananalita niya.
"What about me? Do you even care about my feelings?" sabi niya sa kabilang linya. Umiiyak na talaga siya kasi nakita ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat. Walang hiya yung gago na yun ah, sino siya para saktan ang ate ko? Kahit di niya sabihin alam kong boyfriend niya ang kausap niya.
"Don't do this to me. No...no...h-hello? B-babe?" Mukang binabaan siya ng phone ng manloloko niyang boyfriend. Naaawa ako kay ate ash. Alam kong masakit iwan, kahit hindi ko pa nararanasang iwan ay alam ko gaano ito kasakit. Nagbabasa kaya ako ng novels. Pinahid ni ate ang luha niya bago umalis ng garden, but shit hindi ako nakatago kaya nagulat siya nang makita niya ako. Huli ka na Sheryl.
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Teen FictionSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...
