Chapter 10

36 23 7
                                        

CHAPTER 10

Sheryl's POV

"Soriano and Villamor"

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang binangit ni sir.Pa ulit-ulit itong nag e-echo sa aking tenga bago ko ma proseso ang kanyang sinabi.Seryoso siya?kami agad?Tumingin ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nakatingin na rin sa gawi namin ni kokey.Anong tinitingin-tingin niyo diyan,tusukin ko kaya mga mata niyo eh tss.

Napalingon ako kay kokey nang bigla itong tumayo,tamad itong nag lakad patungo sa harap.Weee?excited siya ganern? Amp wala nga siguro siyang na sasaulo eh.Lumipat ang tingin ko kay sir na ngayon ay abot langit na ang kilay sa kakataas habang nakatingin sakin.Pati ako naguguluhan na sa kasarian ni sir eh I mean kung bakla ba siya o lalaki...kung maka taray grabe! tsss...

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa gawi ni kokey.Nakatingin ito sa akin habang naka kunot ang noo.Ano na namang problema nito? Abnormal!

"Pa pacute pa!"mahinang bulong niyang sabi na narinig ko naman.

Tumingin ako sa kaniya ng masama.Cute naman talaga ako noon pa tsss.

"You may now start"sabi ni sir.

Napag-usapan na namin ni kokey na ako ang ma-uunang mag tu-tula  bago siya.Huminga muna ako ng malalim at humarap kay kokey bago ako nag umpisa.

Maling akala

Sa tuwing tinitigan kita
Tila ako na ang pinakamasaya
Kahit iba't ibang angulo na aking nakikita
Tila perpekto ata

Panimula ko habang nakatingin kay kokey.Napag-usapan rin namin na dapat tumingin kami sa isa't isa para dagdag points...

Hinahanap hanap ka
Tuwing ika'y nawawala
At pag nandiyan kana
Ako'y sumasaya

Sobrang swerte ko kasi magaling ka
Matalino at malambing pa
Pero bakit may kakaiba ata
Tila iba ang aking mga nakikita

Nakatingin parin ako sa kaniya habang nagsasalita.Hindi ko maiwasang mailang sa tingin niya, nakatingin ito ng diretso sa aking mga mata ng walang kahit anong emosyon.Pero kahit naiilang ako sa mga tingin niya ay nilabanan ko ito.Para sa grades to noh.

Napansin kong bigla;
Malambing ka pala sa kanya;
Gumagaling ka kase inspirasyon mo siya

Tila mali lahat ng aking nakikita
Kala ko lahat magkakatotoo na
Yung tipong makakasama na kita
Kaso lahat ay AKALA ko lang pala

Pagtatapos ko sa aking tula.Ngayon naman ay si kokey na ang susunod.Marahan akong napangisi alam kong hindi niya nasaulo ang tula niya.Individual pa naman ang grades bwahaha wawa ka ngayon.Nakatingin parin ako sa kaniya ngayon at ganun din siya sakin.

Bulaklak

Panimula niya,napangiwi ako sa pamagat ng tula niya.What bulaklak? Ano to? Sinasabi ko na nga ba kahit ano-ano nalang pinag sasabi niya.Kung sinaulo pa niya ang tula niya edi sana------

Sa dinami raming bulaklak
Sa isang hardin na aking natahak
Ikaw ang isang bulaklak,
Na nagbibigay galak

Hindi ko na natapos ang iniisip ko nang mag umpisa sya sa kanyang tula.

Sa ganda na iyo tinataglay,
Ang puso kong patay ay nabuhay
Bawat araw gustong masilayan
Ang iyong gandang walang kapantay

Pagpapatuloy niya habang nakatingin parin sakin.Literal na nalaglag ang aking panga,tiningnan ko siya ng may paghahanga.Nagkamali ako,akala ko wala siyang matinong masasabi.

Endless Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon