Chapter 7

90 76 8
                                    


CHAPTER 7

Sheryl's POV

Nanditu parin ako ngayun sa bahay nila Kokey.Dinalhan lang kami ng meryenda ng kanilang maid.Lunch na kasi kaso ayaw pa namin kumain.Busog pa ako at siya naman ganun din raw tss ang sabihin niya tinatamad lang siya.

Nag umpisa na kaming mamili ng tulang kakabisaduhin.Nakaupo lang ako ngayun sa upuan nila sa study table niya.May study table kasi siya sa kwarto niya kaya dito kami nag re research.Kanina pa siya tinatamad mag memorize kaya ayun nakahiga siya sa kama niya.Bweset na ka partner to.

"Hoy kokey!! Tumayo ka nga dyan mag umpisa na tayong mag practice"sigaw ko sa kanya.Aba hindi man lang ako pinansin."bahala ka kapag wala kang masabi sa lunes tsss"

Kabisado ko na yung sakin.Ang pag harap nalang sa mga kaklase ko ang kailangan kong e practice.Nakakahiya kaya,with feelings pa raw kasi sabi ni sir tsss.Tumingin ako sa gawi niya at nagulat ako nung tumayo siya at hinubad ang pang itaas niya.Sheyt literal na nanlaki ang aking mga mata.Agad kong tinakpan ang aking mga mata at umiwas ng tingin.

"H-hoy kokey,anong ginagawa mo?"na-uutal kong sabi.Takte!

"Why? May problema ba?"di man ako naka tingin sa kaniya pero alam kong naka taas ang kilay niya ngayun.Hindi ako sumagaot."This is my room"

"Mag bihis ka nga!! Alam mo naman siguro na babae ako diba?"Ang bastos niya,bakit siya nag huhubad eh kami lang dalawa dito.Baka pag may nakakita pa samin iisipin pang may ginagawa kami yuckkkkkkk!!!!

"Ok...done,pwede ka ng tumingin"sabi niya sakin.

"T-totoo? Nakabihis ka na?"utal kong sabi.Baka mamaya pag tingin ko hindi pa pala.Susuntukin ko talaga siya sa bungo niya.

"Yeah"maikli niyang sabi.

Huminga muna ako ng malalim bago tanggalin ang dalawa kong kamay sa aking mga mata.Dahan-dahan akong lumingon sa gawi niya at tang ina siya hindi parin siya nakabihis.Naka harap parin sakin ang sheyt 8packs abs niya? Napalunok nalang ako sa nakita ko.Nung ma realize ko na nakatingin parin ako sa katawan niya ay umiwas ako ka agad at kinuha ang notebook ko na nasa harap ko at binato sa kaniya.

"Walang hiya ka"sigaw ko sa kaniya.Tawa parin siya ng tawa,sana ikamatay niya ang pag tawa niya at managutan ng hininga tsss.Sinamaan ko siya ka agad ng tingin.Napatalon ako nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya lumayo ako ka agad sa kaniya.Tiningnan ko kung sino ang pumasok.Shet totoo ba tong nakita ko? Para siyang anghel,ang ganda ng katawan niya,mahaba ang buhok at puti pa niya.Seriously? May ganito pa palang tao sa mundo? Kulang ang salitang maganda para sa kaniya.Wala na laos na kami ni ate huhuhu...

"Ow!! Did I disturbed you two?"sabi niya samin.Sino kaya siya? Girlfriend niya? Edi siya na may jowa.

"Nah,sakto lang ang dating mo"sabi ni kokey.Lumapit ito sa babae at humalik sa pisngi nito.Seriously sa harap ko?ang haharot.Tumingin si kokey sakin"we are done,right Sheryl?"nakangiti niyang sabi.Nalaglag ang panga ko sa narinig at hindi ka agad nakapag salita.Totoong bang tinawag niya ako sa pangalan ko?

"Sheryl?"napabalik ako sa katinuan nung tinawag niya uli ako sa aking pangalan.

Tumango ako"s-sige aalis na ako"sabi ko sa kanila.So may date pa pala sila? Tss inuna pa ang date kaysa sa grades?Kinuha ko na ang mga gamit ko at nilagay ito sa aking bag.Tumayo ako at diretsong naglakad palabas ng pinto.

"Wait"rinig kong sabi ng babae sakin.Kaya napahinto ako sa paglalakad.Dahan dahan akong tumingin sa kaniya."Sheryl right?"tumango naman ako sa kaniya.Nakatingin lang siya sakin ngayun habang nakangiti,ang ganda niya talaga."I am Cassidy  Zein Torres"nilahad niya sakin ang kanyang kamay."but you can call me Cassidy or Cassy,and you?"she smile

Endless Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon