CHAPTER 5
Sheryl's POV
Nandito parin kami ngayun sa hospital, 6pm na ng gabi, tinawagan ko ka agad si Mama nung na gisisng si Charlotte at sinabe kong 6:30pm na ako uuwi,pumayag naman si Mama.
" Guys, thank you." Tumingin kaming lahat kay Charlotte nang magsalita siya. " thank you dahil hindi niyo ako iniwanan, thank you dahil nandiyan parin kayo sa tabi ko palagi, alam kong busy kayo sa school pero pumunta parin kayo dito para bisitahin ako." Nakangiti niyang sabi. " sasama na sana ako kay lola... pero nung marinig ko lahat ng sinabe nyo nung tulog pa ako, na realize ko na marami pala akong maiiwan at masasaktan kung mawawala ako." Naiiyak niyang sabi habang umiiling. " k-kaya natatakot akong iwanan kayo at ang mga pangarap ko, makikita ko pa lang kayong umiiyak at nasasaktan parang dinudurog na ang... ang puso ko." Pati kami parang iiyak na. " kaya hindi ako sumama, hindi ko kayo kayang iwan pati si Mom and Dad, hindi ko kayang makikita silang nahihirapan at nasasaktan.... alam kong ako lang ang kinukuhanan nila ng lakas, kasi ako lang naman ang nag iisa nilang anak." Yumakap ako ka agad sa kaniya at hinagod ang kaniyang likod.
" Shh tahan na Cha, ang importante gising ka na at kompleto na tayo ulit." Lumapit na rin samin sila Jp at Eunice at nakiyakap na rin, eh group hug nato ah?.... Lumabas muna sila tita at tito kanina para bigyan kami ng oras para makapag usap bago umuwi...
" Oo nga and what are friends for diba? " Wika ni Eunice.
" Oi Cha ang tula natin sa sunday nalang, pwede ka na bang pumasok next week? " wika ni Jp.
" Ah siguro? Okay naman na din ako, at hindi ko kailangang palampasin yan noh, para sa grades!! "
Marami pa kaming pinag usapan bago kami nag pasyang umuwi. Pauwi na ako ngayun sa bahay.
" Pasensya na po Mang Jobert natagalan, nagising na ho kasi siya eh." kakahiya naman pinag hintay ko pa ng dalawang oras si Mang Jobert.
" Ok lang po yun Ma'am, mabuti naman ho at gising na ang iyong kaibigan." Nakangiti niyang sabi.
" Oo nga po, thanks to god."
Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng aming bahay, bumaba na ako at binuksan ang gate para maka pasok ang sasakyan, pagkapasok ko sa pinto ay nakita ko si Mama na nag lagay ng mga plato sa lamesa, lumapit ako at bumati.
" Good evening Mama." Nagmano ako at humalik sa kaniyang pisngi.
" Oh, nanditu ka na pala anak, Good evening rin anak." nakangiti niyang sabi.
" Tulungan ko na po kayo Mama."
" Wag na anak just sit down. I know you are tired." sumunod nalang ako, siya na rin ang nag lagay ng kanin at ulam sa pinggan ko. "Kamusta na si Charlotte? Buti at nagising na siya." nakangiting sabi ni Mama.
" Ok na po sya Mama."
" Diba sabe ko sayo, may awa ang diyos anak, oh sya kumain ka na at mag pahinga." Tumango lang ako at nag simulang kumain.
Dalawang araw naring hindi ko nakikita at nakakausap si ate Ash,ok na kaya siya? Napag desisyonan kong puntahan at kausapin siya.Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya ngayun.
"Ate ash?" Wika ko habang kumakatok, bakit walang sumasagot? "ate ash?" ulit kong sabe habang kumakatok.
" Come in Sheryl." pinihit ko pabukas ang pinto ng kwarto niya at nagulat ako sa mga nakita ko,ang raming alak na nagkalat sa sahig, nakaupo lang sa sahig si ate.Seryoso siya sa ginagawa niya? Eh parang hindi pa nga siya naliligo eh, napailing nalang ako, ganito ba ang epekto kapag iniwan? Kaya ayaw ko magka jowa eh, siguro sa mga novels na nababasa ko nalang ang may happy ending tssss.
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Teen FictionSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...
