CHAPTER 3Sheryl's POV
Pauwi na ako ngayon sa bahay.Hindi pa nga sana kami uuwi kaso ang sabi ni tita Janeth samin ay may pasok pa kami bukas. " kami " oo, tinawagan ko ka agad sila Jp at Eunice para ipaalam ang nangyari kay Charlotte, kaya ayun pumunta agad sila sa hospital, ang sabi ko sa kanila ay bukas nalang kasi gabi na, at delikadong bumyahe ng gabi, pero mapilit ang dalawa kaya ang resulta sinamahan nalang namin si Tita Janeth na mag bantay kay Charlotte.
Hindi pa kasi nakauwi si Tito Mark, nagkataon kasing may inasikaso siya sa Cebu kaya ayun bukas pa siya makakauwi. Sabi naman samin ni Tita ay dadating raw ang babeng pinsan ni Charlotte para samahan siyang magbantay, kaya umuwi nalang kami, wala kaming magagawa kasi alam naming may pasok pa kami bukas.
Bumaba na ako ng kotse at pagkababa ko ay nakita ko si Mama na nag aabang sakin sa pinto kaya nung nakita niya ako ay tumakbo siya ka agad palapit sakin.
Alam kong nag aalala siya sakin, ang sabi ko kasi sa kaniya ay may pupuntahan ako saglit hindi ko naman kasi inassume na si Charlotte nga yung na aksidente, ang balak ko lang nun ay alamin kung siya nga ba.
"Anak bakit ngayon ka lang? Bakit namumugto ang iyong mga mata? May nangyari ba? " Bakas ang pag alala sa kaniyang muka, para na siguro akong zombie ngayun tsss,hindi ko kasi siya natawagan kanina para ipaalam ang nangyari,na lowbat ang phone ko, e kasi pagkatapos kong tawagan ang dalawa kong kaibigan boom na lowbat.
"S-sorry po Mama." nanlabo na naman ang aking mga mata dahil sa luha, ang iyakin ko talaga tsss.
" Bakit ka umiiyak? " Nag papanic niyang tanong. " Tell me what happened? "
"M-mama si... Charlotte po." Lumakas na ang paghagulhol ko. I can't resist.
"Ano? Anong nangyari sa kaniya? " Hinihintay ni Mama ang sagot ko."may nangyari bang masama sa kaniya?"
" O-oo Mama.... naaksidente siya Mama, nabangga ang kotse nila." Patuloy parin ako sa pag iyak.
" What? " napailing si Mama na l parang hindi makapaniwala,niyakap niya ako bigla. " Alam ko ang nararamdaman mo ngayun anak." mahinahon niyang sabi."tahan na, pakikuha ng basong tubing manang Lea." hinagod niya ang likod ko para patahanin.
" Eto na po Ma'am." Kinuha ni Mama ang baso at inabot ito sakin.
" Uminom ka muna anak." inabot ko iyon at ininom, nauuhaw din ako sa ka iiyak, pagkatapos kong uminom ay binigay ko na kay Manang Lea ang baso.
" Ahmm, Mama pasensya na po kayo kasi hindi ko kayo natawagan,na lowbat po kasi ang phone ko eh." Nakayuko kong sabi. " Sorry po kasi nag alala kayo sakin." Pagpapatuloy ko sa sinabi.
" Nah, don't be anak, naiintindihan kita." buntong hininga niyang sabi habang umiiling " ang kailangan nating gawin ay magdasal at wag mawalan ng pag asa, hindi niya tayo hahayaan, kaya manalig ka anak." tama si Mama.
" Salamat po Mama." ngumiti lang siya sakin.
" Umakyat ka na at mag pahinga alam kong pagod ka."
" Sige po Mama, Good night po." Humalik ako sa pisngi niya.
" Good night anak and don't worry, everything will be alright." nakangiti niyang sabi, tama magiging maayos din ang lahat,gigising din siya.
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Teen FictionSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...