CHAPTER 14
Sheryl's POV
"Sasa." Napalingon ako sa familiar na boses na tumatawag sakin.
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ko siyang papalapit sakin. Kinusot ko ang aking mga mata para klarohin kung siya ba talaga ang nakikita ko.
"Oh? Ba't mo kinukusot ang mga mata mo?" He asked at marahang napatawa.
"I-ikaw ba talaga yan?" Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko.
Marahan itong napangiti. "Yeah it's me."
"K-keke?"
Napangiti ako nang tumango ito, Sana...sana hindi ito panaginip. Naglakad ako palapit sa kaniya, akma ko na sana siyang yakapin ng bigla siyang naglaho.
"KEKE WAIT!" Napabangon ako at napaupo sa aking kama.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mama. Lumapit ito sakin at umupo sa aking tabi.
"Anak Sheryl, okay ka lang ba?" She said habang hinahagod ang likod ko.
"M-mama," marahan akong tumingin sa kaniya, hinihintay lang nito ang sasabihin ko.
"N-napanaghinipan ko po si K-keke." I can feel the tears falling from my eyes.
Yumakap ako kay mama at dun umiyak sa balikat niya. Para akong bata na inagawan ng laruan. Hinagod parin ni Mama ang aking likod.
"A-anak gusto mo samahan ka ni Mama sa simbahan? Ipagdadarasal natin ang kaluluwa niya." Mas lalo akong napahagulhol sa sinabi ni Mama.
Matagal ng wala si Keke, matagal niya na akong iniwan.
Siya ang kababata ko since we're 8 yrs.old. Nagkakilala kami dahil business partner ang pareho naming ama. Naging matalik ko siyang kaibigan, siya ang naging kalaro, karamay at tagapag tanggol ko.
Pero binigo niya ang hiling ko.....
Flashback:
Nakita ko siyang nakaupo sa swing sa ilalim ng punong kahoy, kung saan dito kami pumupunta para maglaro.
Marahan akong naglakad, plano kung gulatin siya. Nang nasa likod niya na ako ay tinaas ko na ang dalawa kong kamay.
"Bulagaaaaa!" Napanguso ako nang makitang hindi siya nagulat sa ginawa ko.
Naglakad ako patungo sa harap niya, at saka nilagay ang dalawa kong kamay sa magkabila kong bewang. Napakunot ang noo ko nang makitang nasa malayo ang tingin niya, parang may malalim siyang iniisip.
Marahan akong naglakad palapit sa kaniya at saka umupo sa tabi niya.
"Anong iniisip mo Keke?" I asked him.
Lumingon ito sakin at ngumiti ng pilit. Nakakapanibago siya ngayon ah, para bang may problema siya? Jusmeee ke-babata pa niya at may problema na siya? Nakow pow.
"Advanced happy birthday" he said while smiling.
Ngumiti ako ng malapad. "Bukas mo na sana sabihin yan hehehe."
Marahan siyang napatawa. "Anong birthday wish mo?"
Ano nga ba?
"Na sana dumating ka sa birthday ko." Diretso kong sagot.
Natigilan siya sa sinabi ko, at umiwas ng tingin.
"Ano pa?" He asked habang ang paningin ay nasa harap.
BINABASA MO ANG
Endless Love (On-going)
Teen FictionSheryl Anne Soriano, is the woman knows nothing about love. She experienced love but only with her friends and family. But one day, when he met the guy who named Charles Keith Villamor, everything changed. She fell in love with him. Maraming tanong...
