Chapter 6

103 87 27
                                        


CHAPTER 6

Sheryl's POV

"Ang laki naman ng bahay niyo, parang mansyon." Namamangha kong sabi. Tumingin ako sa gawi niya at nakita ko siyang umirap.

" Let's start." Maikli niyang sabi.Naglakad siya palapit sakin at huminto sa aking harap at yumuko.Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa niya. Malapit na ang mukha niya sa mukha ko, isang dangkal nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Anong gagawin niya? Malapit na nga akong maduling sa lapit ng mukha niya sakin.

" A-anong gagawain mo? " utal kong tanong. Tumaas ang kilay niya at ilang saglit lang ay ngumisi.May inabot siya sa likod ko at lumayo sakin. Shet akala ko kung anong gagawin niya. Kinuha niya lang pala ang cellphone niya.

Hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Tumingin ako sa kaniya, nakatayo parin siya sa harap ko habang ang paningin ay nakatuon parin sakin. Blangko lang ang ekspresyon niya. Umiwas ako ka agad ng tingin sa kaniya.

" Tss, Do you think I will kiss you huh? " taas kilay niyang sabi.Tumingin ako ulit sa kaniya.Napalunok ako nang pagtingin ko sa kaniya ay nakatingin parin siya sakin.

" Of course not." mabilis kong tanggi. Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. " T-tara gawa na tayo." mabilis kong sabi. Nanlaki ang aking mga mata nang ma realize ang sinabi. Dapat may kasunod pang "tula"  ang sasabihin ko eh. Baka kung ano pang isipin niya. Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

*************

Cydrick's POV

" Hoy Cydrick saan ka na naman pupunta? " kunot-noong tanong ni Kurt.

" Baka sa bagong chix? " taas kilay na tanong ni Kyle habang nakangisi.

" Hoy mga tukmol alam naman nating lahat na ang mga chix pa ang lalapit sakin, hindi ako." Proud kong sabi. Totoo din naman eh hehehe.

" Tsss, tama na nga ang pag iilusyon dre." singit ni Jayford na kakapasok lang. Nakangisi siya habang umiiling. Aba walang hiya tong Jayford na to ah, akala mo kong sinong pogi tssk, mas pogi pa ako sa kanya. " by the way, where is Charles? " tanong niya samin habang kumukuha ng ubas sa ref.

" Baka kasama ni Sheryl." maikli kong sabi.

"Bakit naman sila magkasama?" kunot-noong tanong ni Kyle habang umiinom ng vodka, tsss aga aga inom agad?

" Syempre gagawa ng tula." baka ng baby HAHAHA.

" Si Sheryl pa talaga naging partner niya? Tsk tsk tsk tadhana nga naman." nakangising sambit ni Kurt. Nakaupo lang ito habang sino solve ang rubiks cube.

"Pano ba yan, alis na ako mga pre." tumalikod na ako sa kanila, hindi ko na hinintay pa ang sagot nila.Naglakad na ako papunta sa aking sasakyan at pumasok. Eni-start ko na ang engine ng kotse ko at umalis.

Nag text na sakin si Eunice kanina na sa bahay nalang nila kami gagawa ng tula. Sumang-ayon din naman ako sa desisyon niya kaya sa bahay nila ako pupunta ngayon. Habang nag d-drive ako papunta sa kanila, narinig kong tumunog ang phone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pagkatingin ko sa phone ko ay si Eunice pala ang tumatawag kaya sinagot ko ito ka agad.

" Hello Cydrick." wika niya sa kabilang linya.

" Oh Eunice, bakit? Nasa byahe na ako papunta sa inyo." sagot ko sa kanya.

Endless Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon