Ian's point of view:
Dumiretso na ko sa resto pagkatapos ko sa school di ko naman akalain na nag-tratrabaho dito si raine sa resto namin at kinuwento na niya ang mga nangyari kaya nag-aalala ako sa kanya.
Alam kong dami niyang pinag-dadaanan sa ngayon at kahit di niya sabihin alam kong pagod at nahihirapan na siya.Alam kong mahirap mabuhay mag-isa at bigla kang iiwan ng sarili mong ina at ayaw mong umasa at humingi ng tulong sa kadugo mong iba dahil ayaw mong maging pabigat. Sobrang mahal ko siya at masakit sa akin na nakikita ko siya nahihirapan kaya kahit paano gusto ko makatulong sa kanya.
"Raine kakayanin mo ba mag-trabaho" tanong ko. Alam kong first time niya mag-tratrabaho kasi nung buhay pa ang lolo at lola niya di naman siya papayagan gawin ito, pero alam kong wala naman siyang choice kasi gusto niya buhayin ang sarili niya na hindi humihingi ng tulong sa iba.
"Kaya ko to ian gusto ko makatapos wala akong aasahan kung di ang sarili ko makakaraos din ako"sabi niya. Bakit ba kasi namatay ang lolo at lola niya sana hindi siya nahihirapan ng ganito.
"Basta raine nandito lang ako paano pa kaya kung sagutin mo na ko kailangan ko alagaan ang future girlfriend ko"sabi ko. Sabi ko sa sarili ko kung sakaling maging girlfriend ko na siya hindi ako papayag na nahihirapan ng ganito ang babaeng mahal ko.
"Sorry ian matagal ka na rin nanliligaw sa akin pero aaminin ko gusto kita pero mas gusto ko unahin ang pag-aaral and besides sa sitwasyon ko wala akong maiibigay na oras sayo tapos yun pa yun sanhi ng pag-iwan mo sakin"sabi niya. Siya iiwan ko malabo ata yan mas takot nga ako mawala siya sa akin.
Naiintindihan ko siya mas focus siya ngayon sa pag-aaral binabawi niya yun tatlong taon na sinayang niya, at besides sure ko naman na matagal na niya limot si ancel.
Masaya ko na sinabi niya na ako ang gusto niya at wala na siya nararamdaman sa ancel na yun, alam ko naman hindi niya ko kayang isabay sa buhay niya sa ngayon kaya kahit matagal maghihintay pa din ako.
"I know raine kaya wag kang humingi ng tawad alam kong di mo ko kayang isabay sa buhay mo ngayon but i willing to wait for you, take care always raine i love you so much"sabi ko at umalis na ko. Dahil may dinner kami sa bahay ayoko sana iwan siya pero nagmamadali na ako.
Raine's point of view
Tapos na nga ang trabaho ko kaya lumabas na ako pag-kalabas ko nakita ko na naman si ancel. Bakit naman siya nandito ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya.
"Ano na naman ginagawa mo dito? "Tanong ko. Napapansin ko kasi na lagi siya nandito sa resto.
"Inaantay kita raine kaya hahatid na kita"sabi niya. Huh? Inaantay niya talaga ko ano napapala niya sa akin, Bakit niya ba ginagawa ito kahit di niya sabihin alam kong sa kundisyon ko ngayon nakakaawa naman ako bakit kasi ayaw niya sabihin.
"Ancel hindi mo naman kailangan gawin ito wag ka nang mag-aksaya ng oras mo para puntahan ako rito"sabi ko.
"Raine worried lang ako sayo at hindi ako naaawa nag-mamalasakit lang ako sayo"sabi niya. Ano? worried seryoso ba siya diyan kailangan pa siya nagkaron ng pakialam sakin at isa pa hindi ko naman siya kailangan at ang tulong niya.
"Okay lang ako ancel wala akong sakit kaya ko sarili ko"sabi ko. Hindi na ko yun dating raine na habol ng habol sa kanya oo aaminin ko sobra ko siyang minahal noon pero marami ng nagbago lalo na yun nararamdaman ko.
"Di mo na ba ko mahal raine?"tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya ano ba sa tingin niya ang pakialam niya sa nararamdaman ko, at isa pa matagal na nawala ang pagmamahal ko sa kanya.
"Anong tanong yan"sabi ko.
"Sagutin mo yun tanong ko raine mahal mo pa ba ko?"tanong niya ulit. Hays ang kulit niya bakit ba gusto pa niya malaman pa, kung malaman ba niya meron bang magbabago wala naman e.
"3 years na ang nakakalipas ancel ng mahalin kita at isang taon na rin ang lumipas na nalimutan ko na mahal kita"sabi ko. Sa totoo lang nahirapan talaga ko noon na kalimutan siya kasi alam ko sa sarili ko kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kahalaga sa akin.
Pero kasi sa dami ng nagawa ko sa kanya noon pagod na pagod na ko umasa, masaktan at pagod na rin ako maging tanga kasi alam kong di naman niya ko mamahalin.
"Alam ko kasi nag-kakagusto ka na kay ian yun hearthrob di kita masisi dahil siguro mabait siya at nakikita ko na masaya ka sa kanya at hindi ka niya sasaktan, Pero raine mag-iingat ka wag mong papabayaan ang kalusugan mo ingat sa pag-uwi:)" sabi niya at umalis sa totoo lang hindi kita maintindihan ancel kasi di ko alam kung ano ba talaga yun nararamdaman mo kung naawa ka lang ba sakin.
Pero huli ka na ancel di ko na nararamdaman yun pagmamahal ko sayo at pag-tibok ng puso ko sayo dahilan yun na hindi tayo ang para sa isa't- isa.
Ancel's point of view:
Nandito ko ngayon sa bahay nila charles kasama si brent wala kasi ako gana umuwi sa bahay kaya inaya konsi brent pumunta muna dito."Grabe ka bro sinundo mo talaga si raine sa resto bakit hindi sumabay sayo?"tanong ni brent. Alam ko naman kung bakit kasi ang akala niya kaya ko lang yun ginagawa kasi naawa ako sa kanya kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman.
"Ayaw niya kasi di ko naman daw kailangan gawin yun and besides naawa daw ako sa kanya"sabi ko.
"Naawa ka ba talaga sa kanya?"tanong ni charlie.
"Pre ewan ko ba pero hindi naman ako nakakaramdam ng awa sa kanya sa totoo lang nag-aalala pa nga ako sa kanya e"sabi ko. Di ko alam kung ano ba nararamdaman ko di ko kaya ipaliwanag.
"Umamin ka nga sa amin mahal mo ba si raine?"tanong ni brent.
"Di ko alam"sabi ko.
"Paanong di mo alam?"tanong ni charlie.
"Ewan ko naguguluhan ako di ko alam kung ano nararamdaman ko"sabi ko.
"Hayss bahala ka ikaw lang naman makakasagot niyan"sabi ni brent. Tapos nun nagpaalam na rin akong umuwi kasi 12:00am na pala siguradong mapapagalitan ako nito.

BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Non-Fiction"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...