Raine point of view:
Yun na nga natakasan namin si kuya at nakasakay na kami ng tricycle. Tahimik lang kami buong biyahe wala naman akong masabi kay manong kung saan kami baba basta mag-drive na lang siya.
Alam ko mali yun ginawa ko pero hindi ko kaya na magkahiwalay na naman kami ni ian at alam kong gagawin lahat ni kuya para ilayo ako sa kanya.
"Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo raine mas lalo lang magagalit sa atin ang kuya mo"sabi niya. Alam kong papagalitan niya ko mali pa rin yun ginawa namin pag-alis, pero wala na ko maisip na paraan kaya umalis na lang kami.
"Ngayon saan na tayo pupunta"inis na sabi niya.
"Ikaw bahala ikaw nagtanong e"sabi ko. Siya mayaman diyan e baka may hotel o bahay sila na mas malayo sa di kami mahahanap ni kuya.
"Hayss pasalamat ka may subdivision kami sa baliuag, Manong sa villa katrina subdivision nga po"sabi ni ian. Ibang klase talaga ang yaman nila ian dami silang bahay na subdivision sa bulacan at resort sa manila.
Pagkatapos ng 20 minutes na biyahe andito na kami di ganun kalaki bahay nila pero sa loob ang ganda bali yun caretaker daw yun tumitingin ng bahay at naglilinis araw araw.
"Ngayon raine hanggang kailan tayo dito"tanong niya. Di ko alam kung tama ba itong ginagawa namin pero wala na kami choice kundi dito muna kami.
"Alam kong mali ito ginawa ko pero ayoko kasi paghiwalayin ulit tayo ni kuya"sabi ko. Kaya alam kong mali yun ginawa namin pagtakas pero wala na magagawa e nangyari na e.
"Ako din naman pero wala na ko tayo choice tatanan na nga kita"sabi niya. Kaya nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, tama ba itong ginagawa namin kasi 17 lang kami para magtanan at hindi namin alam ang gagawin namin.
"Seryoso ka? Ian 17 pa lang tayo kaya ba natin"tanong ko. Natatakot lang ako na baka hindi namin kayanin.
"Basta magkasama tayo kakayanin natin to"sabi niya at niyakap ako, alam ko may tiwala ako kay ian na hindi naman niya ko pababayaan.
"Buti pa sabihan mo sila josh, sammie at anjo kung nasaan tayo sila lang ang kaya natin pagkatiwalaan"sabi ko. Sila lang tatlo ang kaya namin pagkatiwalaan sa ngayon pati mga kaibigan kampon na rin ni kuya.
"Sige tawagan ko na lang sila sa ngayon magpahinga na muna tayo"sabi niya. Tapos hinatid niya ko sa guestroom natulog na lang ako pagod rin naman ako e.
Charlie's point of view:
Nandito ko sa bahay kasama sila babe, grace at brent wala si ancel dahil hindi maganda ang pakiramdam niya sa ngayon, Di ko alam kung paano ko hahanapin si raine pero gagawa ako ng paraan para mahanap siya di ko hahayaan na magtanan na lang sila ng ganun-ganun lang.
Sa tingin ba nila hindi ako makakagawa ng paraan para mahanap sila hindi ako papayag na basta na lang sila magtatanan.
"Akala ba nila di tayo makakagawa ng paraan para mahanap sila sure akong sasabihan nila sila josh, sammie at anjo kung nasaan sila hahanap nalang tayo ng pagkakataon para masundan sila"sabi ko.
"Charlie tanggapin na lang natin wala na tayo magagawa kahit paghiwalayin mo sila hindi mo kayang mabura sa puso ni raine si ian at ganun din si ian"sabi ni babe. Kahit na wala akong pakialam ginagawa ko lang kung ano sa tingin ko ang makakabuti sa kapatid ko at hindi ko kaya magtiwala kay ian.
"Hindi babe hindi ako papayag ginagawa ko ito para kay raine"sabi ko. Hindi makakabuti sa kanya ang tulad ni ian masyado lang nabilog ang utak niya ng kupal na yun at mas babagay pa din siya kay ancel.
"Hindi nakita kilala charlie nagbago ka na kung mahal mo talaga, Si raine hahayaan mo siyang maging masaya ang selfish mo hindi ka marunong magmahal mas mabuti maghiwalay na muna tayo"sabi niya. Alam kong kontra na siya noon pa sa mga plano pero ngayon lang siya naging ganyan, pero wala ko pakialam mas mahalaga sa akin ang kapatid ko.
"Hindi mo ko naiintindihan celes ginagawa ko ang tingin ko mas tama at makakabuti sa kapatid ko"sabi ko. Kuya ako at hindi ko kayang nakikita nasasaktan ang kapatid ko kaya ko ito ginagawa para hindi na maulit yun nanagyari dati kay bunso.
"Bahala ka na charlie mabuti pa grace umalis na tayo hayaan mo silang plano dalawa diyan"sabi niya at umalis. Ganun na lang yun sa apat na taon na relasyon namin hihiwalayan din niya ko, Hindi nila ko maintindihan mahal ko ang kapatid kaya gusto ko lang naman mapabuti siya.
Mahal kita celes pero mas okay na ganito muna tayo masakit man sa akin pero hahayaan kitang hiwalayan ako.
"Hayaan mo sila lilipas din ang galit ni celes, Kaya brent tulungan mo ko"sabi ko.
"Kaibigan kita charlie pero di kita kayang talikuran kahit tama naman si celes sa sinabi niya kaya tutulungan kita"sabi niya.
"Salamat bro dabest talaga kayo ni ancel"sabi ko. Tapos nun umuwi na rin si brent dahil gabi na rin ako nagpahinga na.
Gusto ko man suyuin si celes ngayon pero hindi pwede kailangan kong pataasin ang pride ko sa ngayon.
Pero masakit din sa akin yun kasi hindi naman ako sanay na ganito kami ngayon lang lami nag-away ng ganito.
pero mas kailangan ko intindihin kung paano ko mahahanap yun kapatid ko alam ko naman na pipigilan na naman niya ko na paghiwalayin yun dalawa.
Dami na nauuto ni ian pati si celes at grace nadadaan niya dun hindi sa ayaw ko kay ian sa totoo lang nung pinakilala niya nun si ian sa akin nakikita ko na okay naman siya at magkakasundo kami.
Pero hindi ko matanggap ang ginawa niya kay bunso totoo man yun o hindi nawalan na ako ng tiwala sa kanya at hindi ko alam kung paano mawawala ang galit ko na yun.
Pero kung sakaling hindi yun mangyari nakikita ko kung gaano kaganda ang magiging samahan namin pero para sa akin huli na ang lahat.

BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Non-Fiction"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...