Ancel's point of view
Andito ko ngayon sa labas ng resto kasi aamin na ko kay raine ano ang nararamdaman ng puso ko. Habang nag-iintay palabas na siya di ko naman akalain na kasama niya pala si ian kaya nilapitan ko sila.
"Raine"sabi ko.
"Ancel anong ginagawa mo rito?"tanong niya.
"Gusto kita makausap may importante akong sasabihin"sabi ko.
"Sorry bro pero nag-mamadali kami ng girlfriend ko"sahi ni ian. Ano? Pakiulit yun sinabi niya o namili lang ako ng dinig.
"Anong sabi mo"tanong ko.
"Girlfriend ko"sabi niya. Girlfriend? nagpapatawa ba siya posibleng sagutin na siya ni raine.
"Nagbibiro ka ba"sabi ko.
"Di siya nagbibiro ancel boyfriend ko na si ian kahapon ko lang siya sinagot"sabi ni raine. So ganun ano pa ba ang magagawa ko alam ko naman na mahal na niya si ian.
"Di mo na talaga ko mahal"sabi ko. Gusto ko lang makasiguro kung matagal na ba talaga niya ko nalimutan.
"Hindi na ancel"sabi niya. Pero hinde raine mahal mo pa rin ako 3 years hindi mo yun kayang burahin agad sa isip mo.
"Raine mahal na kita"sabi ko. Alam ko huli na ko pero gusto iparamdam at sabihin sa kanya ngayon na mahal na mahal ko siya.
"Sorry ancel pero matagal ng nawala ang pagmamahal ko sayo, ano mahal mo ko pasensiya na ancel ibigay mo na lang yan sa iba kasi iba na ang mahal ko at si ian yon, sige ancel ingat ka na lang pauwi"sabi niya at umalis. So ganun na lang yun wala na pero hindi ko rin naman siya masisi alam kong napagod na siyang mahalin ako at kasalanan ko yun kasi hindi ko nakita kung gaano siya ka special noon, wala na ko nagawa kundi pumunta na lang sa barkada.
Raine's point of view
"Okay ka lang ba?"tanong ko. Andito na kami sa appartment ko nakalipat na ko nung isang araw pa. Pero napansin ko kanina pa tahimik si ian simula nung nangyari kanina sa sa resto biglang hindi na siya nagsalita.
"Di mo na ba talaga siya mahal?"tanong niya. Sus nag seselos siya dahil dun tyaka isa pa wala naman siyang dapat ikaselos kasi hindi ko na talaga mahal si ancel at siya yung mahal ko kaya niyakap ko na lang siya.
"Anong sinasabi mo diyan ikaw ang mahal ko ian mahal na mahal kita killian james kaya wag mo nang iisipin yan"sabi ko. Ayoko na iisip niya yun ganyan ayoko na masaktan siya sa ganyan bagay na hindi naman totoo.
"Talaga di mo ko iiwan"sabi niya. Kahit kailan di ko gagawin yon sa dami ng pagsubok na nangyari bago kami naging magkarelasyon at ngayon na kami na walang sino man ang makakapigil sa amin.
"Ano ka ba di ba nangako tayo walang iwanan kahit anong mangyari mahal kita ian"sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Mas mahal kita raine at walang sino man ang makakapaghiwalay sa atin"sabi niya at hinalikan ako sa noo. Tapos nun drama moment na yun nag-patuloy na kami sa ginagawa namin napapasa namin kay sir jaspher bukas.
Ancel's point of view:
Nandito ako ngayon sa bahay ni charlie andito rin si celes, edgar, france, brent at jamica wala si vaness magkikita daw sila ni anjo may importante daw pag-uusapan. Pumunta na lang ako rito kaysa mag-mukmok ako sa bahay.
"Sinagot na ni raine si ian" walang ganang sabi ko.
"Ayy oo nga pala kahapon lang ata yun"sabi ni france. So kahapon pa pala niya alam bakit di ko agad nalaman ganun ba kakalat yun balita.
"Kaya pala ala sa mood si bata"sabi ni brent. Siya nga ilang taon na may gusto kay grace di parin makaporma natatakot daw kasi siya mabasted baka daw di naman siya matipuhan ni grace.
"Tama hinala ko e mahal mo si raine"sabi ni jamica. Hindi ko naman kasi sinasabi sa kanila at di rin nila alam na umamin ako ngayon kay raine na mahal ko siya
"Gandang bata talaga ng little sis ko HAHAHA pero mas okay na si ian na "sabi ni edgar. Boto talaga siya kay ian di ko naman siya masisi kung bakit kasi gwapo si ian mayaman tapos matalino pa ano pa ba hahanapin mo dun.
Hindi katulad ko wala naman akong panama sa kagwapuhan ni ian hindi rin ako mayaman at di rin ako ganun katalinuhan sadyang busilak na puso lang mabibigay ko.
"Wala bro olats ka na "sabi ni charlie. Talo na naman na talaga sila na rin ni ian at nakikita ko naman kay raine kung gaano niya kamahal si ian.
"Feeling ko di rin maghihiwalay si ian at raine"sabi ni brent. Bakit naman niya nalaman sinabi sa kanya. Ganun ba talaga katibay relasyon nila kahit bago pa lang sila mag-karelasyon.
"Paano mo naman nasabi"sabi ko. Siguro si raine malabo niyang iwan si ian pero duda ako kay ian kasi alam ko na marami nagkakagusto sa kanya at marami siya naging ex noon.
"Ako din agree ako para sa akin kahit bagong mag-jowa pa lang sila ang strong agad ng relasyon nila parang malabong mapaghiwalay"sabi ni france. Imposible yon balita ko babaero si ian e kaya ako duda e marami siyang mga nilandi malay natin di naman talaga siya seryso kay raine.
"At isa pa bagay sila:)"kilig na sabi ni jamica. Porket gwapo at maganda bagay na agad pero may point din e di ko lang talaga mapansin noon na maganda talaga si raine dagdag mo yun pagiging mabuti niyang ugali.
"May point ka dun"sabi celes. Saan ba siya kampi e ako ang bestfriend niya.
"At isa pa bro nililigawan mo di ba si chiara"sabi ni brent. Oo nga pala nililigawan ko nga pala siya.
"Tanggapin mo na lang siguro na di talaga kayo ni raine ang para sa isa't-isa"sabi ni charlie. Siguro pero bakit ganun ang sakit ng nararamdaman ko.
"Yan ang bagal-bagal mo kase"sabi ni edgar.
"Wala na tayo magagawa at isa pa di ka na mahal ni raine"sabi ni france.
"Okay lang yan bro makakalimutan mo rin siya"sabi ni charlie. Sana nga tapos nun umalis na kami para umuwi na ayoko naman magpakalasing baka kung ano pa mangyari baka magwala pa ko.

BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Nonfiksi"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...